Chapter 28 Candice’s POV Hindi pa man kami nakakarating sa palasyo nang Candelaria , ay bigla nalang may narinig kaming isang malakas na pagsabog. Napalingon kami sa direksyon na iyon at sinabe nga ni Dano na mula sa Palasyo nang pamilya Flavier ang kinaroroonan nang pagsabog. Kaya nagtago kami sa isang malaking puno dahil baka raw may mga gumagala na mga kawal sa paligid at mahuli pa kami nito, hanggang sa napansin ko na hawak-hawak pala ni Dano yung kamay ko, napatingin pa ako sa kanya at kaagad naman niyang napansin ito at siya na itong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Patago akong napangiti sa ginawa niya. Noong maramdaman niyang wala nang panganib nagmadali na kaming pumnta sa may Palasyo, upang ipag-alam sa kanila na ako nga raw, tsk! Hindi parin ako sanay na tawagin ang saril

