Chapter 27 Candice’s POV Dumalaw kami sa palasyo ni Reyna Trivsha, halos 50 years na raw ang dumaan, simula noong tawagin nitong Florentine ang dating Adams Garden, ang lugar na kung saan unang tumibok ang kanyang puso sa isang nilalang na kaagad naman nawala dahil sa isang sumpa. Maganda, matangkad at higit sa lahat makapangyarihan talaga itong si Reyna Trivsha, may hawak-hawak itong tungkol na mas mataas pa sa kanya. Kulay asul ang tungkod na ito na may kung anong diyamante sa tuktuk nito. “Mahal na Reyna, siya po si…” hindi pa man tapos magsalita si Dano sa harapan ng Reyna ay kaagad na itong nagsalita at naglakad palapit sa akin. Pinaikutan ako nito, tinitigan nang husto, ano kaya ang meron sa akin at ganito nalang siya makatingin, na para bang gusto ako nitong kainin o ano ma

