Chapter 26 Candice’s POV Nagulantang ako, halos mahulog ang puso ko sa ganda ng mga nakikita ko. Ito na ba ang sinasabe ni Dano na… Florentine Garden? Sa ganda nito, parang nakita ko na naglive yung mga napapanood ko lang sa TV at sa mga dvd na pinapanood ni Noemi na location site ng movie na Hobbit, ang ganda! Pramis! Nasa mundo ba talaga ako ng nakakatakot na Estocia? Hehehe sa totoo lang. palihim akong nanonood sa likuran niya, kasi bawal akong manood ng tv eh. Ang sama no? “Wala na tayo sa Estocia, nasa Sentosa na tayo.” Nakangiting sabi nito sa akin. Waaaah! First time ko na ulit siyang nakitang ngumiti. Muli kong pinagmasdan ang kagandahan ng lugar na ito, parang gusto ko nang dito nalang ako manirahan buong buhay ko, pero… sa tingin ko sa ganda ng lugar na ito, may mga kung ano-a

