Chapter 25 Luhan’s POV Noong umalis ako sa mundong ito, medyo maayos pa. pero noong bumalik ako ngayon. halos hindi ko na makilala ang mundong ito. Masyado nang magulo, sira-sira ang paligid at higit sa lahat mas naging mahigpit ang lahat. Ni hindi nga kami nakilala ng mga kawal ni Hari Hayson. Bitbit ko na ngayon ang nawawalang Prinsesa Georgia. Para malaman kung siya nga ang tunay na nawawalang prinsesa kelangan naming puntahan si Hossana. Siya ang tagasunod ni Reyna Floreshka. May isang matandang lumapit sa amin, kaagad nitong hinawakan si Ana. Siyempre kinagulat naman ito ni Ana, at sinabe ko sa kanyan na hindi siya nito sasaktan. Bulag si Hossana. Pero alam niya at nakikita niya yung totoo o huwad ang mga tao o Engkanto. Pagkatapos niyang hawakan si Ana ay tumingin ito sa akin. Wa

