Chapter 17

1898 Words
Chapter 17 Candice’s POV Nakatunganga lang ako sa loob ng kwarto ko. Nakatingin sa kulay pink na ceiling nito. Tapos bigla nalang lumabas yung mukha ni Luhan sa itaas. Kinilabutan ako. Nagtayuan ang mga maliliit na balahibo sa buong katawan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi maaari. Hindi pwedeng siya ang dahilan ko, kung bakit hindi ko sinagot yung tanong sa akin ni Perci sa akin. Napakagat na lamang ako ng labi habang nakapikit parin ang aking mga mata. Ayaw ko na muling tumingin sa ceiling ng kwarto ko, dahil baka nandoon pa yung imahe ni Luhan. Anak naman ng tokwa oh. Bakit ba kasi siya ang pumapasok sa isip ko? ----- Prinsesa Georgia. Hindi parin mawala sa isipan ko yung usapan naming ng isang Masamang Engkantado na si Yato. Ako? Isang Prinsesa? Oo isa akong prinsesa. Sa puso ng Tatay ko. Noon! Maituturing kong buhay Prinsesa ako, noong nasa akin pa ang lahat. Noong kaya ko pang ipagtanggol ang sarili ko. Noong marami pang guard ang nagbabantay sa akin, noong marami akong magagandang Damit na nasusuot. Noong malaki at malapalasyo pa ang bahay namin. Noong, Malaya pa ako. Pero ngayon? Sinasabe niya na ako ang nawawalang Prinsesa na halos labing anim na taon na nilang hinahanap? Hindi maaari. Paano naman ako yung prinsesa nilang hinahanap? Ni hindi ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong nag-nanais na gumawa ng masasama sa akin. Kung makapangyarihan nga yung sinasabe nilang Prinsesa Georgia. Hindi ako yun. Wala akong powers. Walang ano-anong mga bagay ang lumalabas sa kamay ko. Maliban sa kakaibang nangyayari sa akin, sa tuwing umiiyak ako. Sa tuwing umiiyak ako, ang butil na lumalabas sa aking mga mata ay nagiging, isang Perlas. Pero paano kung totoo nga? Paano kung ako nga iyong nawawalang Prinsesa ng kanilang mundo? Ibig bang sabihin nito, hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko? Ibig bang sabihin noon? May mga bagay silang tinatago sa akin? Marami pa pala akong hindi alam sa tunay na katauhan na meron ako. Kelangan kong malaman. Kaya kaagad akong tumayo sa aking higaan. At inayos ang sarili ko, nagpalit ako ng damit at pinuntahan ko si Luhan. Makailang katok pa sa kwarto niya at bumukas na ang pintuan ng kwarto niya. Nakabusangot ito noong harapin ako, at nakasandal sa may gilid ng kanyang pintuan na nakacross arm sa aking harapan. “Anong kelangan mo?” medyo irita niyang tanong sa akin. Nagkibit balikat nalang ako, sa inaasal niya sa akin. “Alam ko na. alam ko na kung saan ko nakita yung sinasabe niyong kandila.” Excited ko pang sabi kay Luhan. Pinakita kasi sa akin nito ang litrato ng isang Kandila na siyang sinasabe nilang mahiwagang Etir na kasabay ng pagkawala ng Prinsesa Georgia ay nawala din itong mahalagang bagay sa kanilang mundo. “Saan?” nangigigil pa nitong tanong sa akin habang hawak-hawak nito ang dalawang balikat ko. Napatingin naman ako sa kamay niya na nasa balikat ko parin.at mukhang nahalat niya na parang naging kakaiba yung kinikilos niya. Siguro normal lang talaga siguro na maging ganitoa ang reaksyon niya, kung yung bagay na matagal na nilang hinahanap ay sa wakas, may kasagutan na kahit papaano. Inialis nito ang pagkakahawak niya sa aking balikat. Na para bang nahihiya ito sa kanyang ginawa. Saka mahinang boses na tinanong ulit kung, “Saan? Saan mo nakita.” Tanong nito ulit sa akin. “Sa bahay namin dati. Naaalala ko, may isang bagay na ayaw pahawak sa akin ni Daddy. At noong pilit kong inalam kung ano ito, doon ko nakita yung isang Kandila na kakaiba ang hugis, espesyal ata ito sa kanya. Kaya ibinalik ko nalang sa dati nitong lalagyanan at hindi ko na pinaglaruan.” Paliwanag ko pa sa kanya. Kaya ng hapon na iyon, ay kaagad kaming bumalik sa dati naming bahay. At sa hindi ko inaasahan, may ibang nakatira na pala sa bahay na iyon. At mukhang hindi na ako nakikilala ng mga tao doon. Kasi puro’s mga bago ang mga kasambahay at guard na naroon, hindi nila ako nakikilala. “Anak po ako ng dating nakatira dito.” Paliwanag ko pa sa guard na nagpupumigil sa aming makapasok sa loob ng sarili kong bahay. At sino naman ang nagbenta ng bahay naming ito? Sinong nakabili? Bakit naiinis ako? Isa ito sa bahay na naipundar ng Daddy ko. Maraming mga magagandang ala-ala akong naiwan sa bahay na ito. “Sige na kuya, kelangan ko lang makapasok sa loob. May kelangan lang akong hanapin sa loob, please!” pagmamakaawa ko pa sa kanila. Pero bigla nalang akong hinila ni Luhan palayo sa kanila. “Mukhang ayaw ka nilang papasukin, wag mo na silang pilitin. Kelangan natin ng ibang paraan kung paano makapasok, hindi yung ganitong kelangan mo pang ipilit ang sarili ko makapasok ka lang, at magmakaawa sa mga taong hindi makaintindi.” Sabi pa nito sa akin. Ngayon ko lang nakita na nag-alala si Luhan sa akin. At Masaya akong nakikita siya sa mga ganitong gestures niya, para na siyang tao kung kumilos. Hanggang sa may isang pamilyar na tao akong nakita na lumabas galing sa isang malaking pintuang gawa sa mahogany. “Si Deutoronomy yun ah?” bulalas ko pang sabi kay luhan. Kaagad akong lumapit muli sa harapan ng gate. At tinawag ang pangalan ni Noemi. “Deutoronomy…” pasigaw kong tawag sa kanya. Napalingon siya sa akin. Kumunot ang noo at pilit na siguro niyang iisip kung sino ako? At bakit ako nito tinatawag. Pero noong makilala na niya ako, bigla nalang siyang napasigaw. “Mommmmmmmmmmyyyyyyyy….” Napaatras ako sa kinatatayuan ako at muling lumapit kay Luhan. Tinawag niya kasi yung mommy niya. Natatarantang napatakbo si Noemi sa loob ng bahay. At noong muling lumabas ito, bitbit na niya ang isang Demonyita. Sorry for the word. Yun kasi talaga ang masasabi mo sa kanya kung ikaw yung nasa sitwasyon ko noong nasa palad pa ako nila. Buti nalang talaga, nailigtas na ako ni Luhan sa kamay nila Tita Kiya. Noong lumabas sila Tita Kiya, halos ,manginig ang mga tuhod ko. Pagkalipas kasi ng halos 2 buwan ay, hindi parin nawawala sa akin yung takot ko sa tuwing naririnig ko na yung yapak ng kanyang sapatos pa tungon sa kwarto ko sa Attic. At ngayon pagkalipas nga ng halos dalawang buwan. Hindi parin nawawala yung takot na nararamdaman ko sa kanya. Para kasing isang bangungot na kahit na gising na ako, andun parin yung takot. Takot parin akong harapin siya. Bakit ba kasi hindi ko naisip na siya ang bumili, o should I say na kumuha ng bahay na ito? Kainis. “Ikaw na ba yan, Candice?” nakangiting tanong ni Tita Kiya sa akin. Pero alam ko deep inside gusto na akong hilain nit okay Luhan at pagsasambunutan. At muling kunin sa kamay ni Luhan upang alilain muli. Hindi ako sumagot sa kanya, nanatili akong nakayuko sa kanyang harapan. Ayaw ko kasi siyang titigan, yung mga mata niya parang gustong kumain ng buhay. Parang may kung anong apoy na sa bawat titig niya, kaya ayaw kong tumingin sa mga mata niya. “At sino naman itong kasama mo, wag mong sabihin?” nagising lang ako noong, biglang nagsalita si Luhan. Parang nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano, naramdaman ko na may isang taong kaya akong iligtas sa kamay ng demonyitang babaeng nasa aming harapan. Ibinigay ni Luhan ang kanyang kamay kay Tita Kiya, pero itong si Noemi ang nakipag, shakehand sa kanya. Simula pala noong lumapit ito sa amin, kanina pa niya tinititigan si Luhan na para bang gusto nitong kainin ng buhay itong si Luhan. “I’m Luhan, kaibigan ako ni Candice.” “May kaibigan pala ang isang basurang kagaya niya.” Kontrabida bang sabi ni Noemi kay Luhan habang nakataas ang kilay nito na nakatingin sa akin. Hindi ko natatakto sa kanya. Dahil natural na nakakatakot ang mukha niya. Kulang ang salitang panget upang idescribe ang mukha at ugali niya. “Ano nga palang ginagawa niyo dito? Anong kelangan niyo?” tanong ni Tita Kiya sa amin. “May kelangan lang po kaming hanapin sa loob ng bahay.” Sagot ko. “Wala ka nang karapatan sa bahay na ito. Pamamahay ko na ito, kaya hindi ka na makakapasok dito, unless kung gusto mo uling maging katulong ko Candice?” ngumiti ito na parang isang aso. “Sa pagkakaalam ko po, siya po ang may ari ng bahay na ito. At base narin po sa pagkakaalam ko, may karapatan po siya sa pamamahay na ito. At kayo? Na guardian niya, dapat ay maaaring makasuhan dahil sa pagnanakaw ng mga pagmamay-ari niya.” “Wala akong ninakaw.” Galit pa niyang sabi. Lumapit pa si tita Kiya sa akin, at hinila ako palayo kay luhan. Sinambunutan ako nito, at kinaladkad. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya sa akin. Bigla nalang huminto ang lahat ng mga bagay. At nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob na kami ng isang kwarto. “Nasaan tayo?” tanong ko pa kay Luhan. “Nasa loob na tayo ng kwarto ng Daddy mo. Hanapin mo na bilis.” Utos pa nito sa akin. Kaagad na akong kumilos, hinanap ko kung saan sulok ng kwarto ni Daddy nakatago yung sinasabeng mahiwagang Etir na matagal nang hinahanap ng mga taga-Candelaria. At sana mahanap na namin ito bago pa man kami mahanap nila Tita Kiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD