Chapter 18

1877 Words
Chapter 18 Candice’s POV Hinalukat at kinalat naming ang mga gamit sa loob ng dating kwarto ni Daddy. Sa totoo lang, hindi ko na talaga maalala kung saan eksaktong lugar ko nakita yung Kandilang iyon. Importante raw iyon kay Daddy eh. Kaya siguro tinago niya rin ito sa kung saang lugar na kung saan hindi ko na ulit maaaring Makita. Hanggang sa may narinig kaming kumatok sa labas ng pintuan ng kwarto ni Daddy. Napatingin ako kay Luhan, at ganun din naman siya sa akin. Biglang bumukas ang pintuan. Lumapit ako kay Luhan. Nagtago ako sa likuran niya. Nasa likuran naman ni Tita Kiya ang maraming mga gwardiya nito na handang makipaglaban at hilain kami palabas ng kwartong iyon. Mas kumapit pa ako ng husto sa damit ni Luhan. Tumingin ito sa akin, tapos ningitian lang ako nito. Tsk! Bakit ba kasi hindi ko mabasa ang iniisip niya. Baka gusto niya akong tulungan sa mga ito? Hindi ko kaya silang lahat. Tapos parang wala lang sa kanya na pinapaligiran na kami ng mga alagad ni Tita Kiya. Habang ang maldita kong si Noemi ay narinig ko pang sinabe nito sa Mommy niya na, wag raw saktan si Luhan. Gusto kong tumawa. Anong wag saktan? Hindi kasi nila kilala si Luhan. Isa kaya siyang Engkantado. May mga kapanyarihan siya at kaya niya kayong isumpa, masasama ang mga ugali. Hinawakan na ako ng isang guardiya. At napasigaw ako, sinipa ko ang paa nito, pero malakas siya, pero nagulat nalang ako noong, bigla nalang itong lumutang ng dahan-dahan. Tapos napatingin ako kay Luhan. Hindi pwede! Ginawa niya yun, sa harap ng mga taong ito? Ang buong akala ko, hindi niya talaga gagamitin ang kapangyarihan niya lalo na kapag ang mga tao ang kalaban nito, dahil nga sa walang kalaban-laban ito. Pero bakit niya ginawa ito. Nakabitaw ako sa pagkakahawak sa akin ng lalake, napatingin naman ako kanila Tita Kiya, na halos lumuwa na ang mga mata dahil sa kanilang nakikita, ikaw ba naman makakita ng isang tao, kung tao nga talaga ito. Na may kakayahang magpataas ng isang tao, gamit lamang ang paningin nito. Saka inilingon ni Luhan ang tingin nito sa iba pang mga gwardiya na inutussan ni Tita Kiya na wag matakot sa kakayahan nito. Sinugod na nila si Luhan, dahilan para gamitin na talaga nito ang kanyang lakas. Pinalutang lahat ni Luhan ang mga gustong lumapit sa kanya, sa pag taas ng kanyang kamay at kumpas ng kanyang daliri sa harapan ng bintana, ay isa-isa silang pinaghahagisan nito sa labas ng bintana. At noong wala na ang mag sagabal sa loob ng kwartong iyon. Unti-unti naming lumapit si Luhan kanila Tita Kiya. At ito namang sila, Tita Kiya at Noemi ay dahan-dahan naman silang napapaatras sa tuwing palapit ng palapit itong si Luhan sa kanila. Pero, ginamitan ulit ni Luhan ng kapangyarihan nito ang dalawa, dahilan upang huminto sila sa paglalakad paatras. At parang nastroke ang buong katawan nito noong titigan sila ni Luhan. “Ilabas niyo na ang kelangan namin.” Giit pa nito sa dalawa, kitang kita ang takot sa mga mata nilang dalawa, pero mas nanatiling kalmado itong si Tita Kiya at taas noo pa nitong sinagot itong si Luhan na walang takot na nararamdaman sa sarili. “Hindi ko alam ang sinasabe mo.” Sagot pa nit okay Luhan. Ang pinaka-ayaw ni Luhan ay yung nagsisinungaling ito, lalo na kung nababasa nito ang nilalaman ng utak ng taong kausap niya. Kaya sa inis nito, pinagbabasag ni Luhan ang gamit sa loob ng kwarto na iyon, gawa lang sa pagtingin nito sa mga gamit na yun. Na siyang kinataranta ni Noemi. “Mommy, ibigay mo na kasi yung kelangan nila, para lubayan na nila tayo.” Takot na takot na sabi ni Noemi, habang hindi parin nito magalawa nito ang kanyang katawan. Dahil sa awa nito sa kanyang nag-iisang anak. Wala narin nagawa si Tita Kiya kundi ang sundin ang utos ni Noemi sa kanya. “Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam, ibinenta ko na yung kandila na iyon sa isang Auction. Kakaiba kasi siya, at mukhang importante ito kay Yuanico, kaya nagkapagdecide nga ako na isama ito sa Auction, kasama ng ibang gamit. At may nagkainteresado naman, binili ito ng halos 100 million. Ganun talaga siguro importante ang bagay na iyon, kaya umatras ako. Tapos, kahapon. May pumasok din sa kwartong ito. At noong tignan kong muli yung pinagtaguan ko ng Kandilang iyon, at halos lumuwa ang mga mata ko, at panghinaan ako ng tuhod noong Makita ko na nawala na yung kandila.” Hindi ko alam kung magagalit ako dahil, sa nawala niya yung importanteng bagay na siyang pinunta namin dito. Pero yung marinig ko na ibinenta nito ang mga importanteng bagay na pagmamay-ari ni Daddy. Gusto ko siyang lapitan at sampalin, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kahit na sobrang galit na galit na ako, idinaan ko nalang ito sa pag-iyak. Tumulo na para bang walang buhay ang mag luha sa mga mata ko, wala itong pagod sa paglabas sa aking pagod na pagod na mga mata. Muling tumingin si Luhan sa akin, by that time. Nagsasagawa na pala siya ng ritwal para sa dalawang nasa kanyang harapan. Bumubulong pa ito sa hangin, at pagkaraan lamang ng ilang minuto. Nag-iba na ang kulay ng dalawa, nagkaroon pa sila ng mga kung ano-anong bulutong sa katawan. Inshort, pumangit silang dalawa. Tinanggal narin ni Luhan yung pagkakapigil ng kanilang katawan sa pag-galaw. Saka ako nagulat noong hinila nito ang kamay ko, at bigla nalang kaming nakabalik sa Academia. “Saan kayo galing?” gulat na tanong ni Yeusen sa akin. Kaagad na binitawan ni Luhan ang pagkakahawak nito sa aking kamay. Pero ako? Lutang parin, sa mga nangyari at narinig kanina. Kaagad na pumunata sa loob ng Reeve’s Eye si Luhan. Sinundan naman siya ni Dashniel, samantala, inalalayan naman ako ni Tyra pabalik sa loob ng kwarto ko. Sa kwarto ko. Ay patuloy parin ako sa pag-iyak. Iyak lang ako ng iyak, tapos yung mag luhang lumalabas sa mga mata ko, ay nagiging butil ng perlas. Hindi ko na mga mabilang kung ilang perlas ang nagiging kapalit sa bawat butil ng luha na lumalabas sa aking mga mata. Hanggang sa, makakita ako ng liwanag sa pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Si Luhan ang nasa harapan ng aking kwarto. Lumapit pa ito sa akin, at pinunasan ang mga luhang natira sa aking mata. Saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko. Sa ginawang pagyakap sa akin ni Luhan, gusto niya lang siguro iparamdaman sa akin na kaya ko ito. Na makakayanan ko ang lahat ng problemang ito, na mahahanap din naming ang Etir. At makikilala ko narin ang sarili kong pagkatao. “Tumahan ka na, baka magkasakit ka pa niyan eh.” Malambing pa niyang sabi sa akin, siyempre sa matigas parin ng tono ng boses niya. Iniwas ko ang katawan ko sa kanya. At tinignan siya, iniwasan naman ako nito at tumingin sa ibang lugar sa loob ng kwarto ko. Hinawakan ko ang kamay niya, dahilan para magulat siya, aaktong aalisin pa sana niya ito, pero hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya. Ningitian ko siya, saka ako nagsalita. “Salamat ah? Salamat dahil lagi kang nandiyan para iligtas ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit napakaswerte ko simula noong nakilala kita. Siguro nga, ikaw yung Guardian Anghel ko, hindi ka man isang Anghel, pero malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala kita Luhan.” “Tsk! Tumahimik ka nga, dahil sa iyo kanina, muntikan na tayong mapahamak.” “Ano naman ang kasalanan ko? Eh wala nga akong ginawa kanina eh.” Sa totoo lang, habang lumalaban siya nakatunganga lang ako at pinagmamasdan kung paano siya kagaling lumaban, kahit na wala man lang siyang gamit na armas. “Tsk, ang ingay mo. Nakakarindi ang boses mo.” “huh? Akala ko nga eh, ibibigay mo na ako sa kanila, kasi gustong-gusto ka ng pinsan kong si Noemi.” Noong Makita ko kung gaano kalagkit ang tingin ni Noemi kay Luhan, ramdam ko siya. Gwapo naman at sobrang attractive itong si Luhan. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?” inis niyang sabi sa akin, nakalimutan ko na nakatitig na pala ako sa kanya. “Hindi kita tinitignan no?” sabay iwas ko sa kanya. “Candice.” Tawag pa sa akin ni Luhan. Sumagot ako, pero hindi tumingin sa kanya. “Magpahinga ka na.” sasagot pa sana ako pero noong lingunin ko siya, wala na siya sa loob ng kwarto ko. Tsk! Gaano lang siya kabilis mawala sa paningin ko? Tsk! Kainis talaga siya, hindi man lang nagpaalaam. Pero? Magpahinga ka na. napangiti ako noong maalala ko ito.nakakapagod din pala ang araw na ito, muli akong napatingala sa Ceiling ng kwarto ko. Ganun parin, kulay Pink parin ito, at kinakausap ko parin ito. “Sana malaman ko na kung sino nga ba talaga ako.” “Yung… totoong ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD