Chapter 19
Yugo’s POV
“Nakuha mo na pala?” sabi ko sa kanya. Walang kapagod-pagod akong nakita sa mukha niya noong kunin nito ang Kandilang iyon.
“Oo, mahal na prinsipe!” nakayukong inabot sa akin ni Dano ang kandilang matagal na naming hinahanap. Sa wakas nasa aking kamay na ang mahiwagang Etir. Ang kandila na siyang magbibigay pag-asa aming mundong kinagagalawan. Pero siyempre, wala akong balak na ibigay ito sa hari ng Candelaria, ibibigay ko ito sa aking amang hari ng Estocia. Si Amang Harros, ang pinagkaitang kapatid nang hari ng Candelaria na si Hari Hayson. Ang kwento pa noon at ganun din nang kwento ng aking taga-sunod na s Yuta na dating kasintahan raw ni Amang Hari Harros ang napangasawa ni Hari Hayson. sinulot raw nito ang kanyang kasintahan, dahilan para mag-galit ito, pero dahil sa kanya na ibinigay ng Hari ng Candelaria ang pamumuno sa Buong kaharian, wala nang nagawa si Amang Hari, na magtago na lamang sa lugar na kung saan siya bumuo ng pangarap sa bago nitong mahal na siyang aking Ina naman na si, Reyna Yasmine. Pero, parang kahit kelan, hindi ko naramdaman na naging asawa si Amang Hari sa kanya. Ni hindi ko sila nakikitang Masaya kapag magkasama sila. At lubos ko itong kinalulungkot sa parte ng aking Ina.
At ngayon. Hawak ko na ang mahiwagang Etir na ito. Maaari na naming masakop ang buong Candelaria. Sa mga oras na ito, alam kong nagtatago na sila sa mga lungga nila, dahil nabalitaan na nila na nakita na ang nawawalang Mahiwagang Etir. Isa nalang ang kulang… ang prinsesa Georgia.
☼☼☼
Luhan’s POV
Halos magkasira-sira ang lamesang kanina lang ay walang kamuwang-muwang noong, ihampas ko ang aking galit na kamay dito. Paano ba naman, ang nawawalang Mahiwagang Etir ay nasa kamay na pala ngayon ni Yugo. Base sa usap-usapan sa Kabilang mundo. Ang mundo na kung saan kami nanggaling. Ang Candelaria. Nakita na raw ang nawawalang Etir. At sa kasamaang palad ay nasa kamay na ito ng anak ng Hari ng Estocia.
“Kelangan natin siyang mahanap.” Giit ko pa sa kanila. Hindi sila sumagot, nanatili silang tahimik. Kelangan kong mag-isip, hindi pupwedeng mapasa kamay niya ang Kandilang iyon. Maaari kasi silang humiling sa Kandilang iyon. Yung ang kapangyarihan ng Kandilang iyon. Mahiwaga, kahit na ang patay ay maaari nitong mabuhay sa pamamagitan lamang ng isang hiling. At ang kinakatakot naming lahat lalong lalo na ang mga Engkantado sa aming mundo ay ang muling mabuhay ang pinaka-masamang nilalang Candelaria na si Esperio. Napatay na ito ni Hari Hayson noong naglaban sila, halos mawasak ang buong kandelaria sa kanilang paglalaban, at dahil din sa pagkapanalo nito sa kanilang labanan, siya na ang hinirang bilang bagong hari ng Candelaria.
“Saan natin siya hahanapin?” tanong naman ni Tyra sa akin. Tumingala ako, alam kong wala ang sagot sa itaas, pero sa tuwing ginagawa ko ito may mga sagot na lumalabas sa isip ko. Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata. Saka inaalala ang mga bagay na kung saan sumusulpot itong si Yugo.
Kung nasaan si Ana, nandoon si Yugo. Kelangan kong bantayan ang mga kilos ng Ana na iyon.
☼☼☼
Candice’s POV
Nauna na raw siya. Nauna na raw umalis itong si Luhan, tsk! Hindi man lang ako inantay? Paano na ako nito ngayon? Magcocommute ako? Palabas na sana ako ng Academia nang may isang taong pamilyar ang nakita ko na nakasandal sa kotse nito, habang ang dalawang kamay ay nakatago sa loob ng bulsa ng suot nitong pantaloon. Kumunot ang noo ko, tinignan ko ng husto kung siya nga ba itong nakikitako sa harapan ng Academia. Anong ginagawa niya dito?
Lumapit ako sa kanya. Mabilis, oo binilisan ko ang lakad upang kausapin siya at tanungin kung anong ginagawa niya dito ngayon.
“Anong?...”
“Malelate na tayo, pumasok ka na sa loob bilis.” Binuksan nito ang pintuan ng kotse nito at umaktong parang isang prinsipe na niyayay ang prinsesa nito papasukin sa loob ng kalesa at para umalis na ito patungo sa kahiraan nila.
Wala na akong nagawa, kaagad na akong pumasok sa loob. Sinarado niya ang pintuan at saka naman siya pumasok sa kabila at pinaandar na ang kotse nito.
“Perci, ano ba kasing…”
“Candice. Pwede ba? Kahit saglit lang? tumahimik ka? Hindi ako makafocus eh.” Giit pa nito. Napatameme naman ako sa sinabe niya. Kaya isinandal ko nalang ang aking likuran at tumahimik gaya ng ipinag-uutos niya. Tsk! Bakit ko nga ba siya sinusunod? Eh hindi ko kasi siya maintindihan eh. Bakit niya kelangang gawin ito? Kung manililigaw? Hindi pwede. Baka nga nililigawan niya ako? At isa ito sa way niya para mas mapalapit siya sa akin.
Noong lumingon ako sa bintana, nakatayo ako nang bahagya, parang hindi ito yung daan patungong school ah? Saan niya ba talaga ako dadalhin?
“Hoy? Saan mo ako?...” at noong lingunin ko siya ay bigla nalang nagbago ang mukha niya. Hindi na siya yung perci na kanina nakita ko sa harap ng Academia.
“Sino ka?” medyo napatras ako sa kinauupuan ko at halos maitayo ko na ang sarili ko dahil sa sobrang gulat ko.
Sinakal niya ako. At kahit anong pagpigil ko sa kanya gamit ang buong lakas ko, hindi ko magawa, ang lakas lakas niya. Unti-unting lumabo ang paningin ko, hanggang sa wala na akong maaninag na kahit anong liwanag.
☼☼☼
Luhan’s POV
Gaya ng sinabe ko susundan ko at kakaibiganin itong si Ana at aalamin ang lahat-lahat sa kanya. Gaya ng inaasahan ko, madali ko naman nagawa yun. Halos buong araw kaming magkasama, hindi naman pala siya ganun kaboring ng sa inaasahan ko. Medyo makulit din siya, gaya ng kaibigan niyang si Candice. Sa totoo lang may pagkapareho sila ng ugali. Masiyahin silang dalawa at medyo magkahawig pa sila, pero mas matangkad nga lang itong si Ana kesa kay Candice na hindi binayayaan ng tangkad. Pero maganda din si Candice, ano ba itong sinasabe ko? Bakit ko ba sinasabeng maganda yung mortal na iyon? Hindi ka pwedeng mahulog sa isang tao Luhan, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo?
Nagkwentuhan kami sa isang Café, at doon ko nalaman na hindi pala siya tunay na anak ng kasalukuyang tinutuluyan niya. Pero iba kasi ang nalaman ko naman kay Candice. Ang sabi nito, si Perci at siya ay magkapatid. Tapos naanakan ang kanyang ina ng ama ni Perci,dahilan para kunin ito noong pumanaw ang ina nito. Dahil sa hindi na nito kayang buhayin ang nag-iisa nilang anak na si Anastacia nga.
Medyo nahihiwagaan ako sa takbo ng bawat kwento ng bawat isa. Iba ang intrepetasyon ni Candice at ganun din ni Ana. Na alam ko naman na galing mismo kay Ana. Pero noong hawakan ko ang kamay nito, wala akong Makita sa kanya, kundi kulay itim. Puros itim ang nakikita ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko sa kanya dahil baka makahalata siya. Pati ang mga mata niya, hindi ko mabasa. Ni wala akong maramdaman ano mang bagay sa kanya. Para siyang isang bote na walang laman. Wala talaga akong Makita sa kanya.
Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap. Biglang may tumawag sa kanya.
Humingi ito ng tawad sa akin, dahil sa istorbo ng taong tumawag sa kanya. Ningitian ko lang siya. Sinagot niya ang tumatawag sa kanya.
“Kasama mo ba si Candice?” rinig kong tanong sa kanya ng kausap niya. Nakaloudspeaker kasi itong kinakausap ni Ana, kaya naririnig ko at pati ng mga kasama ko.
“Hindi, bakit?” pag-aalalang sagot naman ni Ana sa kausap niya.
“Dapat kasi, susunduin ko siya ngayon. Kaso nga lang ang sabi ng mga tao sa bahay nila, wala na raw siya. Nakita mo ba si Luhan?” kaagad akong napatayo sa inuupuan ko.
Napatingi naman si Ana sa akin. Aalis na sana ako para hanapin na naman yung babaeng iyon. Tsk! Lagi nalang siyang pahamak sa akin, nang bigla akong tinawag muli ni Ana. Napalingon ako sa kanya.
“Sasama ako. Hahanapin natin si Candice!” sabi pa niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko at dali-dali ako nitong hinila palabas ng Café na iyon at mabilis na nakarating sa parking lot at pumasok sa loob ng kotse nito.
Candice nasaan ka ba? Pinag-aalala mo na naman ako!
-----