Chapter 20 Candice’s POV Nagising na ako. At noong imulat ko ang aking mga mata, halos wala akong Makita kundi dilim. Medyo nag-aadjust pa siguro yung mga mata ko, pero noong naka-adjust na itong mga mata ko. At makailang beses ko na siyang kinakamot upang matiyak ko kung nasaan na lugar na nga ba ako? At halos lumuwa ang mga mata ko noong masilayan ko na nang husto itong lugar na kinalalagyan ko. Hindi maaari?! Kaagad akong tumayo. Lumapit doon sa maliit na mukhang bintana na may nakaharang na kung anon a siyang dahilan kaya nagmukhang walang kinabukasan at mukhang horror itong kinalalagyan ko ngayon kung ano man ito. Pilit inabot nang aking kamay yung bakal na iyon at tinanggal yung bagay na naghaharang sa kakaunting liwanag na pupwedeng ibigay nito sa akin. Kahit na mahirap at nah

