Chapter 21 Candice’s POV Kelangan mong mag-isip Candice! Yang ang sabi ko sa isip ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng maliit na kulungan na ito. Pero bakit hindi gumagana ang utak ko? Kelangan ko ng makalabas dito. Bilisan mo ang pag-iisip Candice! Inis kong sabi sa sarili ko. Hays! Ilang oras pa ay may ideya na ang pumasok sa isip ko. Muling dumaan yung malaking ibon na nakakausap ko. Pinangalan ko na siyang Big Bird. Iniis ko siya, sabi ko gagawin ko siyang Dokito o Inasal kung hindi niya ako palalabasin dito. Pero tinitigan niya lang ako ng masama. Anak ng tokwa naman oh? Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Kilala kaya niya yung sinasabe kong Dokito at Inasal? Mag-isip ka pa ng iba Candice. “Hoy ibon!” pasigaw ko pang tawag sa kanya. Muli itong lumingon sa akin. Lumapit ako sa kan

