Chapter 22 Candice's POV Madilim na ang paligid noong nagising ako. At katabi ko na palang natutulog itong si Big Bird, este si Dano. Nakayuko ang ulo, habang nakasandal sa isang puno na sa tabi ko. Napansin ko na yung suot nitong makapal na damit ay siyang hinubad nito upang siya nitong ginamit na pang takip sa aking katawan, siguro upang hindi ako lamigin. Hanggang sa may pumasok sa isip ko. Mukhang pagkakataon ko na ito upang makatakas. Pero noong tatayo palang ako, bigla siyang nagsalita. "Wag mo nang subukin pang tumakas. Dahil hindi ka makakatakasa sa akin." Unti-unti nitong itinaas ang kanyang ulo. At tumingin ito sa akin ng masama. "Hindi na nga eh." Sabi ko sabay bumalik ako sa pagkakahiga ko. Pero this time, tumalikod na ako sa kanya. Kainis siya. Akala ko ba naman mabait siy

