Chapter 11
Luhan’s POV
Hindi ako nagkakamali.
Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. Si Yugo iyon.
“Anong ginagawa ni Yugo dito sa mundo ng mga tao?” kilalang kilala si Yugo sa aming mundo. Isa siya sa mga alagad ng mga Estocia. Mas madilim pa sa mundo namin ang budhi ng Engkantadong iyon. Pinapatay niya ang mga mahihina, at kinakalaban naman niya ang malalakas. Ngayon, halos sinakop na niya ang kalahati sa mundo ng Candelaria. Tapos ngayon? Anong ginagaw niya dito sa mundo ng mga tao?
“Baka hinahanap niya rin ang Prinsesa?” sabi pa ni Yeusen na halatang nangangamba din ito para sa aming lahat.
“Baka gusto niyang patayin ang Prinsesa.” Sabi naman ni Candice at sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Tama nga. Baka nga gustong patayin na ni Yugo ang Prinsesa.
“Kung ganun. Alam kong hinahanap na niya tayo ngayon.” Pangamba pa ni Dashniel sa mga kasama nila. Ibinagsak ko ang aking mga palad sa lamesa at saglitan silang natahimik sa mga nararamdaman nilang takot. Ayokong masira ang plano. At ang plano namin ay mahanap ang nawawalang prinsesa at ang mahiwagang Etir sa lalong medaling panahon.
“Bakit natin kelangang matakot? May mga kapangyarihan tayo. Kaya natin siyang labanan.” Matapang pang sabi ni Tyra sa aming harapan pagkatapos nitong hampasin ang kanyang kamay sa lamesa upang magising kami sa aming mga sarili. Hindi ako natatakot sa kanya. Kayang-kaya ko siyang labanan, gaya na nga nang sabi ni Tyra. Pero ang kinakatakot ko lang ay baka maapektuhan ang tahimik na mundo ng mga tao. Baka malaman nila na marami nang mga gumagalang mga Engkantado sa mundo nila. Baka magulo pa lalo ang mundong ito.
Napatingin ako kay Candice. Parang excited din siya sa mga nangyayari. Hindi ko nakikita yung pagkatakot niya sa mga nangyayari. Noong nakita niya na tinititigan ko siya, kaagad kong iniwas ang pagtingin ko sa kanya at muling tumingin kay Tyra. Saka ako tumayo at nagpakita ng lakas ng loob sa aking mga kasamahan. Kung may iisang Engkantado na kelangan nila ngayon. Ako yun. Hindi dapat ako ang siyang unang matakot kay Yugo. Kapag sa muling magkaharap muli kami. Lalabanan ko siya, at gagawin ko ang lahat para lang matalo siya.
☼☼☼
Candice’s POV
Pagkatapos nang meeting nila tungkol sa biglang pagsulpot nang isang Engkantadong nagngangalang Yugo. Geeez! Pangalan pa lang halatang kontrabida na. nakakatakot. Yung ginawa niya kay Luhan. Yung apoy na iyon. Nakakatakot. Pero, laking pasalamat ko at nandoon si Luhan, sinagip niya ako sa kapahamakan. At siya itong napahamak dahil sa akin.
Papalabas na si Luhan nang tinawag ko ito. Nagsi-tinginan ang mga sila sa akin sa pagtawag ko kay Luhan. Ngumiti ako ng bahagya, mukhang nababasa na niya ang gusto kong ipahiwatig. Saka nito sinenyasan ang mga kasama namin na mauna na sila at may importante pa kaming pag-uusapan nitong mokong na ito.
“Anu yun Candice?” tanong pa nito sa akin habang bumalik sa pagkakaupo nito. At nakadiretso ang tingin sa aking mga mata.
“Ah? Gusto ko lang sana na magpasalamat. Salamat nga pala sa ginawa mong pagligtas sa akin ah?” bakit ganito? Gusto ko lang magpasalamat pero bakit parang kinakabahan ako? Pinagpapawisan kahit na malamig naman sa loob ng kwartong ito. Tapos nakatitig pa si Luhan sa akin. Yung titig niya na para bang gusto niya akong kainin? Hays! Nakakatakot siya ngayon.
“Wag mo nang isipin yun. Magpahinga ka na.” tatayo na sana siya nang bigla ko ulit akong nagsalita.
“Luhan…saglit lang. hindi ka ba nagtataka? Bakit sa dami-rami ng lugar na pwede niyang sugurin ka? Bakit doon pa sa bahay nila Ana?” wala lang? curious lang ako. Sa dami-rami kasi nang pwedeng lugar na labanan siya ni Yugo. O alam ko na makapangyarihan siya, so baka alam na niya kung saan eksakto ito nagtatago. Bakit doon pa niya sinugod ito? Ano? Para makakuha ng eksena?
“Hindi ko alam.” Tipid niyang sagot sa akin. Alam kong may ideyang pumapasok sa isip niya. Pero ayaw niyang lang ishared. Tsk! Ang damot.
“Baka…”
“Matulog ka na Candice. Alam kong napagod ka rin ngayon. Sige na.” tuluyan na itong tumayo at iniwan ako sa loob ng Reeve’s Eye. Hays ang Boring talaga niya kausap kahit kelan. Nang-iiwan sa Ere. Tsk! Ang gusto ko lang naman sanang sabihin eh…
☼☼☼
Kinabukasan.
Maaga akong pumasok sa school. Kaagad kong hinanap si Ana at noong nakita ko ito na kausap ang mga grupo ni Sprite ay kaagad ko itong hinila at itinago sa aking likuran.
“Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko?” buong tapang ko silang hinarap, na par abang kayang-kaya ko talaga silang labanan.
“Anong problema mo ah?” tanong sa akin ni Sprite.
“Ikaw…ikaw ang problema ko. Layuan mo nga si Ana. At wag na wag niyo syang sasaktan. Kundi….”
“Kundi ano?” nakataas na ang kilay ni Sprite at halatang nag-iinit na ito sa akin. Mag-isip ka ng paraan Candice. Hays! Pasok ka kasi ng pasok sa eksena eh. Buti nalang ay hinila ni Ana ang kamay ko at patakbo ako nitong hinila nga palayo sa grupo ni Sprite. Hanggang sa huminto kami sa Garden of Eden. Sa likod ng Science Department matatagpuan ang isang malaking Garden of Eden. Ang tahimik ng lugar na ito. First time kong makapunta dito. Kund dahil sa paghila sa akin ni Ana dito, hindi pa ako makakarating sa lugar na ito.
Huminto si Ana, na para bang hindi man lang hiningal sa layo ng tinakbo naming dalawa. Habang ako? Eto hinahabol parin ang hininga ko. May kung anong bagay na kinuha si Ana sa loob ng bag nito. At inabot niya ito sa akin. Isang botelya ng tubig. Nilagok ko ito at God! Ang sarap. Napawi ang pagod ko sa ininom kong malamig na tubig galing sa aking kaibigan.
“Salamat ah!” masayang sabi ko sa kanya. Saka ko siya niyayang umupo sa isang Bench sa loob ng Garden of Eden. Tahimik parin si Ana na nakating in sa malayo. Kaya hinawakan ko ang kamay nito. Nakatitig na siya ngayon sa akin at muli akong ngumiti.
“Anong iniisip mo ah?” tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin. At saka hinawakan din ang kamay ko. Pakiramdam ko may importante siyang bagay na sasabihin sa akin.
“Pwede ka bang magtago ng sikreto?” tanong ni Ana sa akin. Ang kaninang mainit niyang kamay ngayon ay biglang parang naging yelo sa sobrang lamig. Ngumiti saka ako nagsalita sa kanya.
“Ikaw. Nasa sa iyo yan. Kung magtitiwala ka sa akin. Alam ko na bago pa lang tayong magkaibigan. At hindi pa ganun ka tatag yung mga pinagdaraanan natin para pagkatiwalaan mo ang isang katulad ko. It’s up to you my dear friend.”
“Si Yugo kasi…” halos bumaligtad ang sikmura ko sa narinig ko galing sa bibig ni Ana. Hindi ako nagkakamali sa narinig ko. Yugo. Yugo ang sinabe niya. Pero hindi ako nagpahalata na nagulat ako. Naging kalmado parin ako sa harapan niya.
“Sino si Yugo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti ito na para bang kinikilig.
“Boyfriend ko.” Pagmamalaki pa niya. Halos tumalbog na ako sa kinauupuan ko, pero pinigilan ko ulita ng sarili ko. Baka nagbabaliw lang ako? At baka ibang Yugo yung sinasabe niya sa iniisip kong Engkantadong Yugo na gustong maging kontrabida sa buhay ko sa kwentong ito.
“Sino ba si Yugo?” tanong ko ulit sa kanya. Habang nag-iisip siya ng sasabihin, mas kinakabahan ako. Kasi iniisip ko na si Yugo na Engkantado at Yugo na boyfriend ni Ana ay iisa. Wag naman sana.
“Si Yugo ang boyfriend ko sa panaginip.” Sabay tumawa ito. Pero ako? Lutang! Lutang ang isip. Binibiro lang ba ako ni Ana? Boyfriend sa panaginip? Ano ito? Kalokohan?
“Hindi ka natawa?”
“Bakit kelangan ko bang matawa?”
“Sorry ah? Pero totoo yung sinabe ko. Si Yugo ang lalakeng gumugulo sa isip ko. Siya yung lalakeng laging nasa panaginip ko. Siya yung lalakeng nanligaw sa panaginip ko. At siya yung lalakeng magiging para sa akin, ang lalakeng mamahalin ko habang buhay.” Lutang parin ako sa mga sinasabe niya. May parte ng utak ko na parang gustong tumawa, pero ayaw ko naman siyang maoffend dahil sa seryoso ang mukha nito sa pagkwekwento.
“Ah ganun ba?” sabi ko.
“Pero…kahapon kasi…”
“Ano?” excited kong tanong sa kanya.
“Nakita ko siya.”
“Tsk! Sa panaginip ulit?” irita kong sabi sa kanya.
“Hindi. Nakita ko siya ng dalawa kong gising na mga mata. Tunay siya Candice. Tunay na tunay siya!” hindi pwede ito! Magpagamot ka na kaya Ana?
“Totoo siya. Hindi ka ba naniniwala sa akin?” pagpilit pa nito sa akin.
“Ang hirap kasing paniwalaan eh. Sorry ah? Wag kang ma-offend, baka nagrereflect lang yung tao sa panaginip mo sa taong nakita ko kahapon.”
“Hindi siya tao Candice!” biglang nag-iba yung tono ng boses ni Ana at yung mukha nito. Naging seryoso.
“What do you mean hindi siya tao?” pangungusisa ko pa sa kanya.
“Isa siyang…”
Hanggang sabay kaming napalingon sa lalakeng tumawag sa pangalan ni Ana sa aming likuran. Tsk! Kahit kelan, bwisit ng taon talaga itong si Perci.
“Oh? Ikaw pala yan Candice. Asan ang boyfriend mo?” tanong nito sa akin.
“Sino?” sagot ko sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko sa kanya at nagcross arm sa harap nito.
“Si Luhan ba yun?”
“Ah? Tangek! Hindi ko boyfriend yun. Bakit??? Nagseselos ka no?”
“Ah? Ako? Magseselos? Para saan? Kanino? Sa iyo? Ulol! Tigilan mo ako Candice. Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa iyo.” Inis pa nitong sabi sa akin. Hala? Inaasar ko lang siya tapos ganun ang sinagot niya sa akin? Feeling close ah? Inuuulol na ako? Kaaasar! Pero bakit parang biglang namula ang mukha niya.
“Wala ka nga talagang gusto sa akin. Pero bakit namumula yang mukha mo?” sabi ko sa kanya, hanggang sa naging parang kamatis na sa pula ang mukha ni Perci at pati ang tenga nito namula narin. Para na siyang puputok ano mang oras ngayon.
“Mestizo ako. Kaya normal lang na mamula ang mukha ko sa init ng araw.” Sabi pa nito. Okay! Sabi mo eh.
“Ano bang kelangan mo Perci?” tanong ni Ana kay Perci. Hinila ni Perci ang kamay nito at kinausap sa medyo malayo sa kinauupan namin. At pagkalipas lang ng ilang segundo natapos narin sila sa mukhang seryosong pinag-usapan nila.
“Mauna na ako Candice.” Paalam pa ni Perci sa akin.
“Wag muna Perci. Mamahalin pa kita.” Biro ko pang sabi sa kanya.
“Ulol.” Bastos niyang sagot sa akin. Haha ang sarap niya talagang asarin.
“Ano nga ulit yung sasabihin mo Ana? Naputol kasi, noong biglang sumingit itong kuya mong asungot!” inis kong sabi sa kanya.
“Wala…tara na!” sabay hinila na niya ang kamay ko palabas ng Garden of Eden.
Isa siyang….