Chapter 10
Candice’s POV
Ang labo niya.
Sa totoo lang naguguluhan ako sa takbo ng utak na meron siya. O kung may utak nga ba talaga siya? Pabago-bago ng isip. Nakakainis. Pero okay narin, kasi nandito na rin kami eh. Ang bilis naming nakarating dito. Nasa labas na kami ng bahay ni Ana. Medyo sosyalin ang mga tao dito. At noong napatingin ako sa suot ko. Wow! Kanina lang nakapambahay ako ng damit ngayon bakit naging ganito ang suot ko?
“Ikaw ang may gawa nito?” tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya saka hinila ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Pero pinigilan kami ng guard, at saka tinanong ko may invitation raw ba kaming dala. Napatingin si Luhan sa akin. Ay tanga! Meron akong invitation card. Personal pa nga itong ibinigay ni Ana sa akin. Kaso nga lang, nasa bahay. Hindi ko nadala. Nagmamadale kasi itong amo ko eh. Hanggang sa…may kinuha si Luhan sa bulsa nito.
“Here.” Saka muli ako nitong hinila papasok ng bahay. Marami ang tumitingin sa amin. Ay. Mali, kay Luhan lang pala. Lalong lalo na yung mga babae. Parang gusto nilang hilain si Luhan papunta sa kanila at makipag-usap. Pero dahil sa natural na snob itong si Luhan. Hindi niya ito pinagpapapansin.
“Asan na ba yung kaibigan mo? Nang matapos na ito?” tanong pa ni Luhan sa akin, nang biglang may lumapit sa aking isang lalake. And it’s Sixto.
“Candice? Wow! Ang ganda mo ah?.” Nakatingin siya sa akin. Ang lagkit ng tingin niyasa akin. Tapos napatingin din siya sa kasama kong si Luhan.
“Ikaw din. Ang pogi mo Sixto. Nga pala, nakita mo si…” hindi pa man ako tapos sa pagtatanong ko ay kaagad itong nagsalita sa akin.
“Boyfriend mo?” tanong nito sa akin. Nakita ko na kumunot ang noo ni Luhan at medyo sumingkit ang mga mata nito. Hindi na gustuhan ang tanong ng kaibigan ni Perci. Magsasalita na sana ako upang ipagtanggol ko ang sarili ko laban sa panghuhusga nito kung magkarelasyon nga ba kami ni Luhan na kasama ko. Pero…nagsalita ulit siya. Yung totoo? May balak kang pagsalitain ako Sixto?
“Wala pala talagang laban ang Perci namin sa kagwapuhan ng boyfriend mo Candice.” Halos nanginig ang tuhod ko sa sinabe ni Sixto. Ang daldal talaga ng lalakeng ito? Daig pa ang babae sa tabas ng dila nito. Napatingin ako kay Luhan, iniiwasan nitong tumingin kay Sixto. Hinawakan ko ang kamay niya. At ang init-init na nito, kahit na medyo nakakaramdaman na ako tensiyon ay mas lalo pa akong nakaramdaman ng tensyon noong makarinig uli ako ng isang pamilyar na boses sa likuran ko.
“Anong sabi mo?” medyo mataas ang tono ng boses nito. Napalingon ako sa aking likuran and it’s Perci na siyang nakasuit and tie ng oras na iyon. Ang gwapo niya sa suot niyang iyon. Tapos ang astig pa ng dati. Nakatago ang dalawa nitong mga kamay sa bulsa ng suot nitong slacks. Papaexit na sana si Sixto nang biglang tinawag ito ni Perci. Nanginig ang tuhod ni Sixto sa pagtawag sa kanya ni Perci. Haha takot na takot talaga sila sa kaibigan nilang ito.
“Ah. Eh. Hahanapin ko lang sila Greco at Rafa. Bye guys enjoy the party.” Sabi pa nito na para bang siya itong nagyaya sa amin sa party na ito saka tumakbo palayo sa amin. Eto na nga ba yung sinasabe kong tensyon. Si Luhan nakatitig nang masama kay Perci. Paano ko na sabi na masama? Ganun kasi talaga siya makatitig, yun para bang papatay siya sa titig niyang iyon? Hays! At ito naman si Perci. Hindi papatalo sa titig niya rin. Palaban din ang loko. Gusto ko man siyang balaan na wag masyadong tumitig sa mga mata ni Luha dahil baka ikapahamak niya ito, pero hindi. Parang hindi siya natitinag sa tingin ng masama ni Luhan. Kaya kaagad ko nalang hinila ang kamay ni Luhan palapit sa akin at ipinakilala ko ito kay Perci.
“Nga pala. Si Luhan, at luhan siya si Perci. Ang kapatid ni Ana.” Hindi parin nawawala yung titig nila sa isa’t isa. Nakakapaso.
“Asan na nga pala si Ana?” tanong ko kay Perci.
“Boyfriend mo?” tanong nito sa akin. Dahan-dahan niyang inilingon ang mga matingin siya sa akin. Seryoso ang mukha ni Perci noong tanungin niya ito sa akin. Ngumisi ako saka tumingin kay Luhan.
“Ah? Hindi ah? Kaibigan ko lang itong si Luhan. Mukha ba kaming magkasintahan? Hehe, close lang talaga kami kaya kami ganito.” Pagsisinungaling ko pa.
“Nasa paligid lang si Ana. Kinakausap yung ibang bisita, iwanan ko na kayo. Enjoy the party Candice.” Saka kami nito iniwan. Hays! Nakahinga din ako nang malalim. Muli akong tumingin kay Luhan. Nakangiti na ito. Parang kanina lang seryoso ang mukha nito ngayon nakukuha na niyang ngumisi.
“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya sabay hampas sa dibdib niyang matigas. Oo parang ako pa ata itong nasaktan sa ginawa kong paghampas sa dibdib niya.
“Hindi tayo close at wag kang mag-assume na magkaibigan tayo. Dahil hindi yan tototo.” Giit pa niya.
“Tsk! Kelangan ko lang sabihin yun para hindi na niya tayo kulitin. Bakit gusto mo bang isipan niya na magkasintahan tayo?”
“Tsk! Wala sa bukabularyo ko ang magkaroong nang kasintahan. At higit sa lahat, hindi ko pinangarap na isang mortal ang makatuluyan ko.” Sabi pa nito saka nagsimula nang maglakad palayo sa akin. Ang sama talaga ng ugali ng isang ito? Siguro bakla ito? Tsk! Hindi siya naniniwala sa pag-ibig? Baka na broken hearted? O di kaya? Lalake ang type niya? Waaaaaaaaaah? Anong iinisip mo Candice. Iniwan ka na ni Luhan. Baka makuha siya ng iba sa iyo. Hindi mo siya pagmamay-ari Candice.
☼☼☼
Hinanap ko si Luhan sa paligid pero hindi ko siya makita hanggang sa may humila sa kamay ko. At napalingon ako sa kanya. “Kanina ka pa dito?” tanong nito sa akin. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang Pink na Gown. Huhuhu favorite ko yan eh. Bakit kasi blue itong pinasuot sa akin ni Luhan? Ang pangit ng taste niya sa mga damit. At saan kaya niya ito nakuha? Hindi niya ba alam na favorite color ko ang Pink? Huhuhu.
“Ah? Kararating ko lang.” sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
“So? Hindi mo kasama si Prof. Luhan?” malungkot na tanong nito sa akin. Tinapik ko ang balikat niya saka bumulong ako sa tenga niya.
“Siyempre bitbit ko siya. Mas excited pa nga siya sa akin na pumunta dito eh.” Sabi ko sabay ngisi nang kaunti. Ngumiti na ulit ang maganda kong kaibigan ni si Anastacia.
“Talaga? Asan siya ngayon?” tumalikod pa si Ana upang hanapin ang lalakeng nagpapatibok raw ng puso niya.
“Ah. Eh. Nandiyan lang siya sa paligid. Baka nagutom, naghanap ng pagkain.” Hinila ni Ana ang kamay ko at sinabe na hanapin raw namin si Luhan. At nakita na nga namin ito. Kasama ang ibang barkada ni Perci. Nag-iinuman sila sa may isang table.
“Oh? Andito na pala ang birthday girl.” Bungad pa ni Greco na halatang lasing. Tumingin pa ito sa akin.
“Si Candice ba ito? Bakit parang ang ganda-ganda mo ngayon?” lumapit ako sa kanya at saka ko piningot ang tenga niya.
“Lasing ka na boy. Magpahinga ka na kaya.” Sabi ko sa kanya. Saka ako tumabi kay Luhan at siniko ko ito na at bumulong na tignan nama niya at pansinin itong si Ana na kanina pa nagpapacute sa kanya.
“Pero bigla nalang tamayo itong si Luhan.” At saka hinila ako patayo.
“Bakit?” gulat kong tanong sa kanya.
“May problema ba?” tanong pa ni Rafa sa amin.
“Ah? Wait lang ah? Kakausapin ko lang itong kaibigan ko. May topak ata.” Saka ko hinila palayo sa kanila si Luhan na inaatake na naman ng kabaliwan nito.
“Anong problema mo? Bakit ka biglang tumayo doon? Ni hindi mo man lang pinansin si Ana?” inis kong sabi sa kanya.
“Uuwi na tayo.” Utos pa niya.
“huh? Eh hindi pa nga tayo nagtatagal doon eh. At isa pa. hindi pa ako nagpapaalam kay Ana.”
“Magkikita naman kayo sa school diba? Sabihin mo nalang na umalis ka na dahil may emergency na nangyari.” Hindi mapakali si Luhan sa kinatatayuan niya. Tingin dito. Tingin doon. Ang likot-likot ng mata niya na para bang may nagmamatyag sa aming dalawa.
“Ano ba kasing problema?” medyo tumaas na ang tono ng boses ko. Naiinis na ako sa kinikilos ni Luhan. Kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Pinagpapawisan na yung kili-kili ko. Hanggang sa…yakapin ako ng maghigpit ni Luhan. At biglang nabalutan kami ng nagbabagang apoy sa aming paligid. Mas lalong lumalakas ang apoy. At yakap-yakap parin ako ni Luhan ng minutong iyon. Tapos tumingala ako at may mga nakikita akong mga tao na nakalutang sa itaas. Marami sila halos lima ata silang nakalutang. Mas lalong humigpit ang yakap ni Luhan sa akin. At natakot na talaga ako. Ramdam ko yung bilis ng t***k ng dibdib ni Luhan and next thing I knew, nasa bahay na ulit kami. At nanghihina si Luhan sa pagteleport na ginawa niya.
“Anong nangyari?” Pag-aalalang tanong ni Tyra kay Luhan. Kaagad na hinubad ni Tyra ang suot na coat ni Luhan at kitang-kita ang sunog na balat ni Luhan sa likuran nito. Halos hindi ko matignan ang malaking paso na natamo nito sa kanyang likuran. Yun siguro ang dahilan, kung bakit niya ako niyakap ng ganun kahigpit. Sinalo niya ang apoy na iyon na sana ay tatama sa akin.
Natatarantang lumapit si Dashneil dahil sa nangyari sa kanyang Master. Kaagad namang lumapit si Yeusen at may kung anong inilabas ito sa kanyang kamay. Isang garapong walang laman. Pero noong binuksan niya ito may mga maliliit na nilalang ang lumabas doon. At kaagad silang lumapit sa likuran ni Luhan. Para silang mga fairies. Pero maliliit talaga. Sa dami nila, par a tuloyg nagkaroo ng mga gamo-gamo sa loob ng Academia ng minutong iyon.
“Saan ba kasi kayo galing?” galit na tanong ni Tyra sa akin.
“Sa…” magsasalita na sana ako pero kaagad na tumayo si Luhan at inayos ang sarili nito.
“Kelangan natin mag-usap. Sa Reeve’s Eye. Dali” sumusunod parin ang mga Gamo-gamo este mga faries sa kanyang likuran pero noong tignan ko ito, ay unti-unti na itong naghihilom. Nakakamangha talaga ang mga kakayahan nila, ang bilis naman. Pero mahina parin ang katawan ni Luhan. Bigla akong nag-alala sa mga nangyari kanila Ana. Sana okay lang sila. Pero nakatanggap ako ng tawag galing mismo kay Ana.
“Are you guys okay? Bigla nalang kasi kayong nawala? Nagkaroon kasi ng sunog dito sa bahay, and we don’t know kung anong nangyari o kung paano nagkaroon na biglang nagkaroong ng sunog. Don’t worry we’re okay.” Naging kalmado lang siya noong sinabe ko na nakauwi na kami ng bahay. Hindi ko alam kung nagulat din ba siya, pero bahagya siyang napahinto sa pagsasalita noong sabihin ko na okay lang kami. Saka na niya ibinaba ang tawag. Sumundo ako sa kanila. Bukas ang pintuan kaya pumasok ako. Kahit na walang permisso nila. Nakatingin silang lahat sa akin.
Nagtataka. Nagtataka sila kung anong ginagawa ko dito?
“Paano siya nakapasok?” tanong ni Tyra.
“Bayaan mo na. dito ka Candice.” Yaya pa ni Yeusen sa akin. Saka naman ako umupo. Sa tanong naman ni Tyra kung paano ako nakapasok? Siguro bukas ang pintuan kaya ako nakapasok?
“Diba may spell ang kwartong ito? Paano siya nakapasok?” tanong ni Tyra sabay tingin ng masama sa akin.
“Tinanggal ko.” Sagot naman ni Luhan. Doon na nagtakip ng mukha nito si Yeusen.
“Ano ba ang pag-uusapan natin ah?” tanong naman ni Yeusen sa Master nila. Na halatang iniinda parin ang sakit na natamo nito kanina.