Chapter 9
Candice’s POV
“Ano yan?” tanong ko kay Dashniel habang may hawak-hawak itong isang librong nakalutang. Ang astig talaga ng mga tao, este mga Engkantado sa loob ng bahay na ito. May mga kung ano-ano silang kakayahan na sobrang nakaka-manghang tignan. Gaya nalang ng librong ito na nakalutang. Kaagad na bumigay yung gravity ng libro at bumagsak ito sa kamay ni Dashniel at itinago ito sa kanyang likuran. Kinulit ko siya sa kakatanung kong ano iyong librong itinatago niya sa kanyang likuran. At dahil sa sobrang nakulitan na siya sa akin. Sinabe na rin niya. Book of Life. Raw ang tawag dito. Inexplain pa niya sa akin kung paano gumagana itong librong ito. Para siyang isang walkin census. Yun ang pagkakaintindi ko ah? Base sa sinabe ni Dashniel. Ito raw ay naglalaman ng mga impormasyon sa mga Engkantado. Noong binuksan nito ang libro may isang pangalan na lumabas doon sa libro. Anyvil. Tapos may apoy sa gilid nito. Ang mga katulad lang raw nila Dashniel ang nakakaintindi ng mga nakasulat sa librong iyon. Maski sila Luhan at ang ibang Engkantado ay hindi na iintindihan ang nakasulat sa Book of Life. Ang ibig sabihin ng apoy na iyon, ay ang buhay ng Engkantado. Malakas ang apoy ni Anyvil. Ibig sabihin, buhay parin ito. Medyo naiintindihan ko na siya ngayon. Kaagad nang tinago ni Dashniel ang librong iyon sa kanyang bibig. Oo kinain niya lang naman yung librong iyon. Napaka-importante raw iyon, kesa sa kanyang buhay. Kaya sa loob ng katawan nito tinatago ang bagay na iyon.
Pinuntahan ko naman si Luhan sa kwarto nito bitbit ang isang tasa ng kape. Alam ko na hindi niya ako inutusan na dalhan ng kape o gumawa nito para sa kanya. Para kasing nasanay na ako kanila Tita Kiya eh. Kaya ayun, parang automatic na. kumatok ako sa kwarto nga niya, pero walang sumagot. Saan kaya siya ngayon? Baka nasa Reeve’s Eye? Pero noong tinanong ko si Dashniel ay wala naman raw ito doon. It’s Sunday. Wala siyang pasok ngayon sa University. At ako? Wala din akong pasok ngayon. Pero niyaya ako kahapon ni Ana na pumunta sa kanila. Pero yung iniisip ko palang na tatapak ako sa bahay ng hambog na lalakeng iyon? Hays! Baka ano pang gawin niya sa akin sa loob ng pamamahay niya? Pero simula noong sinagot ko siya? Ay hindi na niya ako ginugulo? Ano kayang nakain ng lalakeng iyon? Ni pagpansin sa akin ay hindi na niya ginagawa. Hindi na rin niya ako kinukulit. Tsk! Bakit ko ba iniisip ang lalakeng iyon? Tumunog ang Cellphone ko. Oo may cellphone na ako. Binigyan kasi ako ni Luhan. Kekelanganin ko raw ito, pang contact narin sa kanila. Pero iniisip ko? Wala naman akong katext eh. I mean, wala naman akong mga ibang taong kilala na pwedeng gamitan nito. At hati’t sundo naman nila ako, halos sabay rin naman kaming umuwi ni Luhan galing sa school. Kaya para saan ko ito gagamitin? Kinuha ni Ana ang numero ko. At ngayon tumatawag siya sa akin. Sinagot ko ang tawag niya, saka tumingin ako sa paligid, baka kasi may makarinig sa aming pag-uusap.
“Buti naman sinagot mo. Akala ko kasi, ahm. Basta aantayin kita mamaya sa bahay ah? Birthday ko ngayon Candice at sana magawa mo yung inuutos ko sa iyo.” Oo may inutos siya sa akin. Ang lakas ng loob diba? Inutos niya sa akin na, isama ko raw si Prof. Luhan sa kanyang birthday party. Tsk! Kung papayag yun. Eh sobrang busy nang taong iyon. Eh, pagkauwi galing sa school, libro kaagad ang kaharap. Kung hindi libro, computer. Tapos sa Reeve’s Eyes. Minsan naman nawawala ito, dahil kelangan raw nilang hanapin yung nawawalang Etir at yung Prinsesang galan ng kanilang mundo. Joke lang! ninakaw raw kasi ng isang tao ang prinsesa nila, tapos tangay pa nito ang pinaka-importanteng bagay sa kanilang mundo na siyang nagbibigay liwanag at kapayapaan sa kanilang mundo.
“Ah eh.?” Napakamot ako sa ulo ko. At nag-iisip ng pwedeng idahilan sa kanya. Paano ko masasabi sa kanya yun? Eh hindi ko nga siya makita sa laki ng bahay na ito eh? Maski yung mga Engkantado dito, wala. Hindi ko makausap ng maayos. Hays!
“Sige bye. Aantayin kita dito ah? At si Luhan bye.” Saka nito ibinaba ang tawag. Good luck Candice! Paano ba naman kasi ako naka-oo sa babaeng iyon? Hays. Muli kong kinatok sa kwarto nito si Luhan. Kelangan ko talaga siyang makausap. Hanggang sa nakaramdam ako ng lamig sa aking batok. Kinapo ko pa ang aking batok, dahil sa parang biglang may bigat akong naramdaman dito. Saka ko unti-unting nilingon ang aking likod, at halos matumba ako sa kinatatayuan ko noong makita ko kung sino ang taong nakatayo sa likuran ko? Bakit hindi ko man lang siyang naramdaman na nasa likuran ko? Para siyang multo leche! Papatayin niya talaga ako sa sobrang kaba.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Unti-unti kong iniwas yung katawan ko sa kanya. Medyo malapit kasi kami sa isa’t isa. Pero nakatitig parin ito sa akin ng masama. Well, lagi naman siyang ganyang makatitig, wala na ring bago diyan Candice.
“Nababa ko ang iniisip mo Candice. Hindi!” hala? Sabi ko na nga ba eh. Hindi ko pa siya na tatanong. May sagot na kaagad siya sa akin. Hiwakan ko yung kamay niya. Saka siya napatitig dito. Nagmakaawa ako sa kanya.
“Please na. para sa kaibigan ko, gusto ka lang naman niyang makita, makasama.” Nakatitig parin siya sa pagkakahawak ko sa kamay ko sa kamay niya.
“Tanggalin mo yang kamay mo sa kamay ko.” Utos pa nito. Pero ayaw kong sundin yung utos niya.
“Ayaw ko. Hindi mo pa nga sinasagot yung pakiusap ko sa iyo eh.”
“Sinagot ko na. and the answer is still no.”
“Bakit ba kasi ayaw mo?”
“Gusto mong malaman?” nilapit niya ang sarili niya sa akin. Napasandal ako sa likuran ng pintuan. Seryoso yung mukha niya na nakatitig sa aking mga mata. Pero this time, bakit parang nasanay na akong nakatitig sa mga mata niya? Bakit parang hindi na ako napapaso sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya? Bakit hindi ko na nararamdaman yung init sa mga mata niya? Pero pinagpapawisan ako ngayon? Kasi nakatitig siya sa akin.
“Ano ba kasi?” inis kong tanong sa kanya.
“Ayaw ko ng ingay.” Tumawa ako ng marahan at saka ko siya tinulak, nagpalit kami ng pwesto siya na ngayon ang nasa likuran ng pintuan ng kwarto niya. At ako? Naka-cross arm sa harapan niya?
“Ang boring mo naman pala. No wonder wala ka pang girlfriend kasi ang boring mo. Kahit ako hindi magkakagusto sa iyo kasi ayaw ko ng ingay. So ayaw mo pala sa akin?” bumilis yung t***k ng puso ko? Ano ba kasi itong mga pinagsasabi ko? Mukhang nagiging seryoso na si Luhan sa akin. Mukhang galit na talaga siya sa akin ngayon.
“Sino naman ang nagsabing, magugustuhan kita? Kahit kelan, hinding-hindi ako papatol sa isang taong mahinang katulad mo. Diyan ka na nga.” Sabay binuksan nito ang pintuan at saka pumasok. Wala na! wala na talagang pag-asa. Pasesnya na talaga Ana.
☼☼☼
Luhan’s POV
Binasa ko nang warm na tubig na lumalabas sa shower ang buo kong katawan. Habang bumabalik sa aking isipan yung sagutan naming dalawa ni Candice tungkol sa pangungulit nito sa akin na pumunta sa isang party ng kaibigan niyang nagngangalang Ana.
“Ang boring mo naman pala. No wonder wala ka pang girlfriend kasi ang boring mo. Kahit ako hindi magkakagusto sa iyo kasi ayaw ko ng ingay. So ayaw mo pala sa akin?”
Ambisyosang mortal? Sino ba siya para sabihan ako ng ganun? At bakit hindi na gumagana sa kanya yung kapangyarihan ko? Bakit parang unti-unti na siyang nasasanay na tumingin sa mga mata ko? Bakit hindi na siya napapaso sa tuwing tumitingin dito? Kakaiba talaga siya. Patuloy na tumutulo ang tubig sa aking hubad na katawan ng minutong iyon. Nakatingin ako sa harapang ng salamin. At tinanong ko ang aking sarili. Gaano nga ba kaimportante ang buhay pag-ibig? Malaki ba ang kabawasan sa pagiging Engkantado ko kung hindi ako magmamahal? Kung hindi titibok itong puso ko? Hanggang sa kaagad ko itong iwinaglit dahil sa pumasok sa isip ko ang mukhang isang babae. Si Candice. Hindi pwede! Mortal siya. Hindi ako pwedeng mahulog sa isang mortal. Kaagad kong pinatay ang shower at kinuha ang towel at kaagad kong itinapis sa aking magandang hubog ng katawan.
Maraming mga kababaihan ang nahuhumaling sa akin. Maski noong nasa mundo pa kami ng Candelaria, marami ng mga Engkantada ang nagkakagusto sa akin. Kahit na mga Fairies ay nahuhumaling sa kagwapuhang meron ako. Hindi naman sa pagmamayabang. Pero mayabang na kung mayabang .pinanganak kasi akong Gwapo! Oo ito ang tawag dito sa mundo ng mga tao. Pero sa amin ang tawag sa mga gwapo. Gibio. At maging dito sa mundo ng mga mortal, ay mas dumami ang mga humahanga sa akin. Pero hindi ko sila pinagpapapansin. Dahil sa wala naman talaga akong pakielam sa kanila. Pwede nilang akong tignan, pero hindi nila ako pwedeng hawakan. Kundi susumpain ko sila.
☼☼☼
Hindi ko alam. Hindi ko alam, kung bakit nandito ako ngayon sa harapan ng kwarto ni Candice. Kakatok ba ako? O palalabasin ko nalang siya gamit ng kapanyarihan ko? Pero huli na. binuksan na niya ang pintuang ng kwarto niya.
“Anong ginagawa mo dito?” inis niyang tanong sa akin. Nakataas ang kilay nito at naka-tali ang dalawa nitong patpating, kamay sa bawat kilikili nito.
“Late na tayo sa birthday ng kaibigan mo.” Sabi ko. Ano ka ba Luhan? Parang kanina lang ayaw mo siyang samahan ngayon? Bakit parang lumalabas na pinipilit mo siyang pumunta doon?
“Ayaw ko nang pumunta. Sinabihan ko na si Ana. Ayun nagalit sa akin. Kasalanan mo ito.” Ramdam ko yung pagkainis nito sa akin. Namumula na siya sobrang inis. Lalo na noong nakita niya ako. Pero hinila ko lang yung kamay niya, at ipinikit ko ang aking mata at nasa harap na kami ng bahay ng kaibigan niya.
“Paano?” gulat niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Ang labo mo rin no?” saka niya binitawan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.