Chapter 8

2423 Words
Chapter 8 Percival’s POV Hindi ko siya maintindihan. Maraming mga babae ang nagkakandarapa makasama lang ako. Mahawakan lang ang kamay ko. Pero siya? Bakit parang ang lamig-lamig niya sa akin? China-challenge niya ako. Gusto ko ng mga babae ganito. Yung matapang, yung kayang pantayan yung lakas ko. Yung kayang harapin yung isang tulad ko. Yung hindi nagpapacute sa akin, yung kaya akong labanan. She’s so interesting. May mga bagay akong tinanong sa kapatid kong si Anastacia tungkol sa kanya, pero gaya nang inaasahan ko. Wala siyang ibinigay sa aking impormasyon. Kaya ako nalang ang gumawa ng paraan upang may manahanap akong butas sa kanya, kapag nagkaharap ulit kami. Sinundan ko siya, sinundan ko siya kahit saan man siya pumunta. Actually pwede ko naman ipagawa ito sa ibang tao, pero ewan ko ba kung bakit parang may nagtutulak sa akin para alamin ang tunay na siya. She’s so interesting. Pagkatapos ng huli niyang klase ay sinundan ko na nga siya. Kaagad itong lumabas ng kwarto at agarang pumunta sa parking lot. Halos tatlong pung minuto itong nag-antay sa kinatatayuan niya. Palingon-lingon sa paligid ng parking lot. Nakatitig lang ito sa isang kotseng kulay puti. At pagkalipas nga ng tatlong pung minuto ay may isang lalakeng na halos kasing edad lang din namin ang lumapit sa kanya. Binuksan nito ang pintuan ng kotse saka naman pumasok na sa loob ng kotse itong si Candice. Iniwasan ko sila sa ganoong pagtingin. Bakit parang nakaramdam ako ng sakit. Kirot sa aking dibdib, nang hindi ko namamalayan? Parang naiinis ako. Parang gusto kong manapak ng dis-oras? Bakit ko nararamdaman ito? Epekto ba ito ng alak na ininom namin ng mga kaibigan ko kanina? O ito ang epekto sa akin ng babaeng iyon? She’s driving me crazy. Kaya imbis na sundan ko pa siya. Mas pinili ko nalang na puntahan yung mga kaibigan ko na kanina pa raw nag-iintay sa akin sa bahay ni Greco. May house party kasing nagaganap sa bahay na iyon. At nasa ibang bansa ang mga magulang ni Greco kaya okay lang magyaya ito nang mga kung sino-sino sa kanyang bahay at magkaroon ng ganitong kasiyahan. “Oh? Andito na pala si Lover boy eh!” asar pang bungad sa akin Sixto sabay akbay nito. Siniko ko siya nang malakas, at nasaktan siya dito, kumirot ang tiyan niya ng mga minutong iyon dahil sa ginawa ko. Saka ako padabog na umupo sa couch at kaagad na kinuha yung isang bote ng alak at kaagad na tinungga ito. “Anong problema mo lover boy?” tanong naman ni Greco sa akin habang akbay-akbay ang isang magandang babae nabihag na naman niya. “Ako nga tigila niyo sa pagtatawag sa akin ng Lover boy. Nakakaasiwa!” saka muling laklak ng alak. “Tigilan niyo na nga si Perci. Pare, kamusta naman yung pagsunod at pagmanman mo kay Candice!” mahinahong tanong ni Rafa sa akin. Sa lahat ng mga kaibigan ko itong si Rafa ang medyo matino. Sa lahat kasi, siya lang itong nakakaintindi sa akin. Minsan nga tinatanong ko baka bakla ito, pero kaagad niyang sinasabe na hindi. Sa gwapo raw ba niyang iyon pagkakamalan ko pa ba siyang bading? Minsan sagot ko oo. Para lang asarin siya, tapos bibigwasan na niya ako ng isang suntok sa tiyan. “Ano?” antay pa ni Sixto sa sasabihin ko. Para pa siya itong excited sa mga ikikwento ko sa nangyari kanina. “Tss. Uminom nalang tayo. Para mawala itong sakit na nararamdaman ko.” Saka ko itinaas ang bote ng alak at nilaklak ito ng husto. “May problema nga siya.” Bulong naman ni Greco kay Rafa. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila. Pagkalipas ng ilang minuto. Lasing na silang lahat, yung iba nagsasayawan na at lango na sa alak. Ako itong marami nang na inom pero bakit parang hindi parin ako natatamaan ng pagkalansing? Kaya lumabas ako ng bahay at humigop ng malinis na hangin sa labas ng malaking bahay nila Greco at humit-hit ng isang sigarilyo. Nang may biglang umakbay sa aking kaliwang balikat napatingin ako dito at mukha ni Rafa ang siyang nakangiting bumungad sa akin. “Baka gusto mong magkwento. Makikinig ako” offer pa niya sa akin. Ningitian ko lang siya. Saka na ako nagsimulang magsalita nang kung ano-ano. “Tangna na mga babaeng yan? Puta! Akala ko, single! Bakit hindi niyo naman sinabeng may boyfriend na pala yun? Anak naman ng tokwang baboy. Dapat pala pina-imbestigahan ko nalang, para kahit malaman ko na may boyfriend siya ay okay lang. pero yung makita ko ng dalawang mata ko kung gaano siya kasiya na makita yung boyfriend niya kahit na pinag-antay siya ng halos 30 minutes. Rafa! 30 mins yun. Ang tagal nun pre! Pero willing siyang mag-antay ng ganun! For Pete sake! True love yun pre!” naiiyak kong sabi sa kanya. Hanggang sa dumapo nalang ang matigas niyang kamay sa batok ko. Huli ko nang naramdaman na masakit pala yung ginawa niya sa akin. Seryoso ang mukha ni Rafa sa akin ng mga minutong iyon. Itinaas pa niya yung makapal niyang kilay at saka nagsimulang magsermon sa akin. “Paano mo naman nasabi na boyfriend niya yun? Nagkiss ba sila noong nagkita sila? May conversation bang naganap? Yakap o kahit anong sweetness sa isa’t isa? Meron?” muli kong inalala yung nakita ko kanina. Pero wala naman akong nakita na may ginawang ganun si Candice sa boyfriend niya. Umiling ako, sagot ko kay Rafa. “Yun naman pala eh. Anong dinadrama mo diyan? Para kang gago! Alam kong first time mo lang ma-inlove. Sa aming lahat ikaw itong pihikan sa mga babae. Hindi ka katulad namin, kumbaga, abnormal ka. Lahat na nang mga babaeng pinakilala namin sa iyo, iniiwan mo lang sa ere. Kahit na nga nakahubad na nga hindi mo parin pinapatos. Kasi ikaw itong naniniwala sa true love.” Muling ang sermon si Father. Joke! Si Rafa. Ganyan yan. Lagi niya akong pinagsasabihan. Pero sa totoo lang, mas matanda pa ako sa kanya ah? Mga tatlong buwan nga lang. “Eh kahit na. May boyfriend na siya.” Pagmamaltol ko pang sagot. “Puta! Boyfriend palang niya yun. Hindi pa niya asawa. Maagaw pa yan Perci. Kung kelangan mo lang ng tulong andito ang mga ungas mong mga kaibigan. Handa ka naming tulungan sa ngalan ng tunay na pag-ibig.” Saka ngumiti si Rafa. “Ang bading mo!” saka ko siya tinulak at muli na akong naglakad pabalik sa loob, pero pinagbabatuk-batukan parin ako ni Rafa habang sabay kaming papasok sa loob habang sinisermunan. ☼☼☼ Candice’s POV “Hindi kita, pinagbabawalan na makipag-kaibigan ka sa mga ibang tao. Pero sana piliin mo at mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.” Eto ang mga bagay na sinabe ni Luhan sa akin bago kami pumasok sa loob ng Academia. Kumunot ang noo ko sa sinabe niyang iyon. Ang kapal niya akong pagsabihan ng ganun ah? Well! Sa totoo lang, may point siya? Concern lang siya sa iyo Candice. CONCERN niya mukha niya. Ako na nga itong nag-antay ng halos 30 minutes. Pinapapak na nga ako ng mga lamok sa parking lot na iyon tapos mukhang siya pa itong may ganang magalit sa akin? Kapal! “Mag-bihis ka na, at tulungan mo na ako sa paghanda ng makakain.” Bungad din sa akin ni Dashniel saka ito sumunod kay Luhan. Kararating lang din ni Yeusen at masaya akong nitong binati. “Gumaganda ka ata ngayon Candice.” Papuri pa sa akin ni Yeusen. Kahit na pilyo itong si Yeusen, ay naniniwala ako minsan sa mga sinasabe niya. Lalong lalo na kapag sinabe niyang maganda ako. Joke lang!n alam kong binibiro niya lang ako. Sa kanyang likuran may nakita akong kumislap. At noong ilabas nito ang kanyang kamay na galing sa kanyang likuran. Lumaki ang mga mata ko sa bagay na ibinigay nito sa akin. Isang pulang rosas. Inamoy niya muna ito saka niya ito ibinigay sa akin. “Rosas para sa pinaka-magandang babae sa bahay na ito” saka siya ngumiti. Dumating na si Tyra binangga naman nito si Yeusen sa likuran nito. At binigyan ng kakaibang tingin doon naman binawi ni Yeusen ang kanina lang ay sinabe nito sa akin. “Hehe. Pero si Tyra ang diyosa sa lahat ng diyosa.” Nag peace sign pa ito sa harap ni Tyra saka nagpatuloy na sa paglalakad ang babaeng gusto ni Yeusen. Lumapit ako kay Yeusen. Saka tinapik ang balikat nito. “Hehe. Okay lang yan Yeusen. Kaunting push pa. mahuhulog din yan sa iyo. Sa gwapong mong iyan? Tiyak may gusto din yan sa iyo. Nagpapakipot lang.” bulong ko pa sa kanya. Pero malungkot parin ang mukha ni Yeusen ng mga minutong iyon. “Sana nga. Pero kasi…may iba na siyang gusto. At kahit na anong gawin ko. Hindi ko kayang labanan ang nararamdaman niya sa lalakeng iyon.” Doon na niya ako iniwang mag-isang lutang sa mga sinabe niya. So inlove si Yeusen kay Tyra at alam nama ito ng dalagang engkantada? Pero inlove si Tyra sa iba? Sino naman kaya yun? ☼☼☼ Kakatapos lang naming maghapunan noong tinawag ni Luhan sina Yeusen at Tyra sa Reeve’s Eye na sinasabe ni Luhan na hindi ko raw pwedeng pasukin nang walang pahintulot ko. Tsk! So maiiwan na naman ako dito? Mukhang magmumukmok na naman ata ako sa loob ng kwarto ko? Bakit kasi sa lakit ng bahay na ito ni wala man lang TV o Radyo? Tinanong ko na ito kay Dashniel. At kay Yeusen, pero pareho lang ang sagot nila sa akin. Ayaw raw ng ingay ni Luhan. Tsk! Edi sana sa simbahan nalang siya tumira o di kaya sa isang isolated na island yung walang ingay na maririnig? Ang boring kaya? Kaya noong nagsimula na silang magtayuan ay kaagad ko nang sinimulang linisin yung mga platong pinagkainan namin. Saka umakyat na kaagad sa kwarto ko. Pinag-aralan ko nalang yung mga lesson kanina sa school. Kahit na mahirap ay kinakaya ko parin. Biglang pumasok sa isipin ko ang mga kamag-anak kong kampong ng kadiliman. Kamusta na kaya sila Tita Kiya at Noemi? Hinahanap din kaya nila ako? May mga tao kaya silang binayarang upang hanapin ako? Sana wag na nila akong hanapin. Hindi pwede. Ayaw ko nang bumalik sa kanila. Hinding-hindi na ako papayag. Kaagad kong iwinaglit sa aking isipan yung kanila Tita Kiya. Kelangan ko nang mag-move on. Hindi ako magiging masaya hanggang iniisip ko parin yung mga nangyari kahapon. Inihiga ko nalang ang sarili ko saka ipinikit ang mga mata ko. Kinuha ko pa ang isang unan sa aking gilid at niyakap ito ng mahigpit. At naka-idlip. ☼☼☼ May dalawang lalake sa aking harapan. Pareho lang sila ng tangkad, pero hindi ko gaaanong maaninag ang kanilang mga mukha. Yung isa, nakahawak sa bulsa ng pantalon nito. Habang yung isa naman ay nakapamewang. Kilalang-kilala ko yung posing na ganun. Yung nakabulsa ay si Perci. Mayabang kasi yun eh. At parang may kung anong laging nakalagay sa bulsa nito at laging nakatambay mga kamay niya doon. Samantala sa kanyang tabi ay si Luhan naman. Napamewang ito, halatang bossing ang dating. Pareho silang nakatitig sa akin. Oo dalawa silang nakatingin sa akin. Kung bakit? Hindi ko alam. Hanggang sa sabay silang nagsalita, at iisa lang ang lumabas na salita sa kanilang mga bibig. Please be my Girlfriend, Candice. At sabay silang napatingin sa isa’t isa. Nagulat dahil pareho sila nang nararamdman para sa akin. Ang ganda-ganda ko noong ng oras na iyon. Dalawang nagkikisigan lalake ang nag-aaway para sa akin? Diba? Lakas maka-fairytale? Hanggang sa dumating ako sa point na kelangan ko nang pumili dahil, nagkakasakitan na silan dalawa dahil sa akin. At ang pinili ko ay si….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD