Naalimpungatan na lang si Vince nang may tumapik sa kaniyang pisnge. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay nasilayan niya ang mukha ng ina ni Georgia na nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili para bumati sa mga magulang ng kaniyang nobya. "Good morning po, Tita't Tito." "Good morning din," nakangiting bati sa kaniya ni Tita George. Napansin niyang may namumuong luha sa mga mata nito "Alam mo ba? Noong bata pa ang Georgia namin ay napakakulit niyan, hindi iyan timitigil sa kakakulit sa amin. At kapag may gusto iyan, hindi iyan titigil hangga't hindi niya nakukuha. Hanggang ngayon, iyan pa rin ang ugali niya. Wala pa ring pinagbago kasi napakakulit pa rin at masayahin," sabi nito habang hinahaplos ang buhok ng babaeng mahal niya. "Naalala ko noon, habang namamasyal ka

