Ang magagandang sandali sa buhay ng doktor ay bigla na lang naglaho. Ang napakaespesyal na araw niya ay magiging masaya sana kung hindi lang biglang naging malungkot. Sa isang pangyayari ay nawasak ang kaniyang damdamin. Gusto niyang magwala, manuntok, sumigaw nang pagkalakas-lakas para maibsan ang sakit na naramdaman niya ngayon. Sa isang iglap lang ay bigla na lang nawasak ang puso niya sa hindi inaasahang pangyayari. Lahat sila ay nagulat. Lahat sila ay nasaktan. Napatingin siya sa loob ng silid na puro puti. Nakita niya ang si Georgia na maraming nakakabit na tubo sa katawan. Nanghihinang napahawak siya sa salamin at hinayaang tumulo ang kaniyang mga luha. Naaawa siya sa mahal niya dahil sa sinapit nito. Naramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat na agad naman niyang nilingon.

