CHAPTER 28

2781 Words

Bakit pakiramdam niya may kaagaw siya sa atensyon ng nobyo? Napa-paranoid na ba siya o baka naman wala lang ito? Tapos na nga si Coleen pero ito na naman? Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo saka napabuga ng hininga. Gusto niya na sa kaniya lang ang atensyon ng kasintahan pero paano na ngayon? May kahati na naman siya? Nakakairita lang talaga. "Mahal ko," malambing na tawag sa kaniya ng nobyo. Umismid siya at humalukipkip. Bakit ba palagi na lang siyang may kahati? Nakakainis na kasi. Palagi na lang may naghahabol sa nobyo niya. Sinamaan niya ito ng tingin at bigla niyang sinapo ang pisnge nito. "P’wede ba magpapangit ka naman para wala ng babaeng magkakagusto sa 'yo, mahal ko?" nakasimangot niyang pakiusap na ikinatawa nito. "Bakit nagseselos ka?" balik tanong nito sa kaniya. "Ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD