PROLOGUE

339 Words
"Ate!" malakas niyang tawag sa kapatid pagkababa pa lang niya sa sasakyan. "OH MY GOD! Nahalikan ko siya!" Tili niya nang makalapit na siya sa ate niya. s**t!kinikilig siya to the highest level. "Sinong hinalikan mo, Gia?" narinig niyang tanong ni Kuya Edric na asawa ng Ate Gina niya. Katabi ito ni Ate na nanonood ng television. "Si Doc. Vince!" tiling sagot niya. "Tingnan mo ang babaeng ito, namumula ang mukha. Alam kong kinikilig ka diyan dahil para kang kiti-kiti na hindi makaperme sa kinatatayuan," nakasimangot na sabi ng kanyang ate, pero hindi pa rin nawawala ang kilig niya. "Wow! Iyong pinakita mo sa akin na larawan na naka-white coat...siya ba ang nahalikan mo, Gia?" Tumango siya sa tanong ng kanyang Kuya Edric niya. Minsan na kasi niyang pinakita rito ang picture na nasa wallet niya. "Ikaw na talaga," natatawang sabi sa kanya ni Manang. Napuno siya ng tukso at kantyaw sa buong maghapon iyon. Ramdam naman niya kaya sige lang tuksuhin ninyo pa siya sa mahal niya. Mas lalo siyang ginanahang ipursige ang panliligaw kay Vince. Maaga siyang nagising dahil ipinaghanda niya naman ng makakain ang my loves niyang si Vince para naman masilayan niya ito bago pumasok sa trabaho. Palagi kasi siyang pumupunta sa hospital na pinagtatrabahuan nito. Palihim niyang kinuntsaba ang assistant nurse nito na ibigay ang dala niyang pagkain para hindi makaligtaan nitong kumain. Ngayon ay napagdesisyon niyang siya ang magbigay ng pagkain para sa future boyfriend niya. " Hi, Vince! May dala akong lunch box para hindi ka magutom sa pagtatrabaho mo," nakangiting sabi niya rito at inilagay sa mesa ang lunch box na dala niya. "You don't need to do that," malamig nitong sabi. "Gusto ko dahil nililigawan nga kita." Lumapit siya dito at hinawakan niya ito sa pisngi. "Pabigay naman ng lakas kahit isang minuto lang?" Wala pa ngang isang minuto ay umatras na ang binata kaya natanggal ang palad niya sa pisngi nito at saka marahas itong tumayo at tinalikuran siya. Ngumiti lang siya kahit nasaktan siya sa ginawa ni Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD