CHAPTER 1

1009 Words
Matapos niyang magbihis lumabas na siya na dala-dala ang bag ng Ate niya. Magpapasama kasi ito sa hospital dahil ngayon ang schedule sa Ob-gyne. Three months na kasi itong buntis, siya raw muna ang sasama dahil nasa United Kingdom pa kasi ang asawa ni Ate dahil may inaasikaso ito para sa negosyo. "Dalian mo, Georgia!" sigaw ni Ate mula sa baba. Kaya nagmamadaling sinara niya na ang pinto at bumaba na. Napangiwi siya ng makita itong nasasarapang kumain ng mangga na may bagoong lumapit siya dito at humalukipkip. Umangat ang ulo nito nang maramdaman ang presensya niya. "Gusto mo?" alok nito sa kanya. Umiling siya at ngumiwi. Ang asim-asim kaya ng manggang kinakain nito. "Tara na, Ate. Oras mo ng magpacheck- up sa doctor mo," aya niya nang makababa na siya. "Dalian mo, Georgia! Pero heto ka! Kumakain na naman ng mangga at prenteng-prenteng umupo diyan sa sofa. Saan ang hustisya ngayon? Saan na!?" sarkatikong sabi niya. Imbes na mainis sa sinabi niya ay lumiwanag ang mukha nito at napaisip. " Ay! Nasa supreme court. Gusto mo samahan kita?" Napa-face palm na lang siya nang maalala niyang may saltik din pala ito sa utak. "Ewan ko sa'yo. Tumayo ka na nga riyan!" Tumayo naman ito at bitbit ang kinain nitong mangga. Naglakad na ito patungong kusina. Napailing na lang siyang sinundan ang Ate niya. Baka matagalan pa silang pumunta sa hospital. "Tapos ka na ba, Ate?" tanong niya rito "Oo, tapos na," nakatangong saad nito at lumapit na sa kanya nang matapos na itong magpunas ng kamay. Agad itong umabrisyete sa kanyang braso. Kunot-noong tiningnan niya ito. "Bakit tumaba ka na ngayon, Ate?" biro niya. Lumaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya at may namumuo ng luha sa mga mata nito kaya natataranta siya. "M-mataba na ba ako?" "Joke lang iyon, Ate." Napatampal siya sa kanyang noo. Alam naman niyang buntis ito, bakit niya pa biniro? ' Napaka- insensitive mo talaga, Georgia!' palihim na sita niya sa kanyang sarili. Gusto niyang sapukin ang ulo niya dahil sa kagagahan. "Hindi, " Umiiling ito na parang hindi ito naniniwala sa kanya," sabi mo mataba ako." Umiiling siya sa sinabi ng kapatid para sabihin rito na nagbibiro lang siya. Pero ang totoo ay tumaba na nga ang kapatid niya. Dumagdag ang timbang nito at hindi na ito gaya ng dati na payat. "Nagbibiro lang ako. I love you, Ate. Halika na?" yaya niya rito. Hinawakan niya ito sa kamay at lumabas na ng pintuan. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinapasok ito. Umikot siya patungo sa driver's seat at agad na pinandaar niya ang kotse. Nagbusina siya para pagbuksan siya ng gate at agad na tumalima naman ang guard nila. Nang mabuksan ang gate ay agad na pinaharurot niya ang sasakyan. Halos kalahating oras ang biyahe patungong hospital at mabilis lang sila nakarating dahil walang masyadong traffic. Pumasok na sila sa loob ng hospital at tumungo sa clinic nadatnan nilang maraming pasyenteng naghihintay sa labas ng clinic . "Marami din pa lang mga pasyente ang ob-gyne mo, Ate," sabi niya rito. Nakita kasi niyang maraming pasyente mapa-buntis, sexy at kung sinu-sino pa. Ngumisi ito sa tinuran niya. " Hindi ko ob-gyne ang nasa loob ng kwartong iyan, si Dr. Vince Santino," Tinuro nito ang nakapaskil sa pintuan. Sinundan niya ito ng tingin. Totoong hindi ang pangalan ng Doktor nito ang nakapaskil sa pintuan, kung 'di si Dr. Santino nga. Nagtataka din siya kung bakit ito ngumisi sa kanya. "Sino pala ang OB-gyne mo?" "Dra. Mentez. Dito siya nakadestino," sabi nito sabay turo sa kaliwang pinto na kaunti lang ang pasyente. Tumango siya na lang siya kahit nagtataka siya dahil sa kanang pinto ng clinic ay maraming naghihintay na pasyente. Sa kaliwa naman na Ob-gyne ni Ate na si Doktora Mentez ay kaunti lang. "Wait, Ate, napaka-unfair naman." Kunot-noong aniya dahil nagugulumihan siya. ""Bakit dito kaunti lang ang pasyente?" Turo naman niya sa kaliwang bahagi. " Diyan sa kabila napakarami?" Turo niya sa silid na maraming nag-aabang. Umupo muna ito bago sumagot. "Tama ka, unfair nga. Alam mo, nasa pasyente iyan kung gusto nilang magpacheck-up sa kanila. Hindi naman natin sila mapipigilan.'' Napaisip siya sa sinabi nito. Tama naman ang Ate niya, pero basta hindi patas para sa kanya. Narinig niyang nagmamaktol na ang ibang pasyente ni Dr.Santino. Kung bakit daw matagal itong dumating. "Alam mo, Gia..." Huminto ito, "Bakit ganiyan sila o bakit maraming nagpapacheck-up sa kanya? Dahil nalaman ko na sobrang gwapo pala ng doctor na iyan at single rin sa pagkakaalam ko," sabi nito na nakangiti. Kumunot ang noo niya at nagdududang tumingin siya rito. Bibiruin nga niya ito. Tinuro niya ito at nanunudyong tingin ang pinukol niya. "Ikaw huh! May pagnanasa ka sa Doctor na iyan! Baka isumbong kita kay Kuya Edric!" pagbabanta niya rito. Lumukot naman ang mukha nito na hindi nga niya maipinta. Gusto niyang matawa, pero pinigilan lang niya. "Anong pinagsasabi mo riyan? Na- appreciate ko lang naman ang kagwapohan niya, pero mas gwapo ang mahal ko, ano!" pangangatuwiran nito. Umarte siyang parang naduduwal kaya napaigik siya sa sakit nang binatukan siya nito. "Ate naman, ang sakit kaya no'n!" reklamo niya habang hinimas ang nasaktang batok. "Tumingin ka sa likuran mo," sabi nito sabay turo. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Bakit naman siya titingin sa likuran niya? Ano namang meron? "Bakit?" "Basta tumingin ka," nakangiting sabi nito at nakatutok ang atensyon sa likuran niya. Nagtataka man, sinunod niya ang sinabi ng Ate niya. Napatanga siya sa nakikita niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na may ganito pa lang nilalang sa mundong ibabaw. Narinig din niyang impit na tumili ang ibang pasyente. Hindi siya lumingon kung sino ang mga ito. Basta siya tutok na tutok sa nakikita niya ngayon. "Napano ka riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Nagising siya sa katotohanan nang tinapik ng Ate niya ang kanyang pisngi. Napahawak siya bigla sa kaliwang dibdib ng bumilis bigla ang t***k ng puso niya. "Ate, totoo ba ang nakikita ko?" Sinundan pa rin niya ng tingin ang doctor hanggang sa pumasok na ito ng clinic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD