CHAPTER 2

1059 Words
"Ate, totoo ba ang nakikita ko?" Sinundan pa rin niya ng tingin ang doktor hanggang sa pumasok na ito ng clinic. Tumawa ang Ate niya sa sinabi niya. Talagang namangha siya sa taglay na kagwapohan ng binatang doktor. "Oo, ano pa ba? O ngayon, masisisi mo pa ba ang mga pasyenteng magpapacheck-up sa kanya?" Umiling siya rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakita kanina. Parang bumaba sa langit ang lalaki dahil sa sobrang gwapo nito. "Hindi, Ate. Talagang ang gwapo talaga niya." "Ewan ko sa'yong babae ka!" Napailing ito at natawa sa reaksyon niya. Sorry naman! Hindi pa rin kasi siya naka-move on sa kagwapohan ng lalaki. May asawa na kaya ito o 'di kaya may nobya na? Sana nga wala, para malaya siyang makalapit sa lalaki. Gusto niya itong makilala. Unang tingin, nabihag nito ang puso niya. "Babae naman talaga ako ah," pangising-ngisi niyang sabi, at akmang babatukan siya nito ng sinamaan niya ito ng tingin. "Nakarami ka na huh!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Kung hindi ka lang buntis, sasabunutan talaga kita!" naiinis niyang sabi rito. Umilap ang mga mata nito. Alam niyang may gagawin ito sa kanya. "Alam ko na iyang tingin mo, Ate," she said and raised her left brow. "Kapag ganiyan ang mga mata mo at hindi ka makatingin ng diretso, may gagawin ka sa akin." Umismid lang ito at umirap sa kanya. Ay! Ang taray, nagsusungit ang buntis. Ang sarap tusukin ng mga mata nito. Kung hindi niya lang ito kapatid baka matagal niya na itong ilublob sa drum. "Ate, " tawag niya rito at napahawak siya sa kanyang dibdib, "I think I'm in love." Kung titingnan ang kanyang mga mata, mahahalatang na love at first sight siya sa lalaki. Hindi nakatakas sa kanyang paningin nang pag-irap nito at tinaasan siya nito ng kilay. " You think?" she said, sarcastically. "Sa isip mo lang iyan. Hindi mo pa naramdaman talaga." Lumukot ang mukha niya sa sinabi nito. "Kanino ka naman in love sa doktor na iyon?" nagtatakang tanong nito sa kanya at siya naman ay tumango siya. "Nakuha niya ang puso ko sa isang tingin," saad niya na para siyang nasa alapaap. Ganito talaga kapag nagkagusto ka. "Ano iyon love at first sight?" "Ay, hindi! Love at second sight. Diba, ngayon ko lang siya nakita? Shunga lang te?" pabalang niyang sabi kaya umusog siya nang makitang tinaas nito ang kamay. "Tumigil ka diyan! Babatukan na talaga kita. Paano ka nakakasiguro na in love ka talaga sa kanya?" She clasped her both hands and looked at her intently. "Paano ako nakakasiguro?" Turo niya sa kanyang sarili. "Alam mo iyong feeling na tumibok ng napakabilis ang puso mo?" Sasagot na sana ito ng tinawag na ang pangalan ng Ate niya. "Halika na, ipapacheck-up din kita," yaya nito sa kanya habang hila-hila siya nito papasok sa loob. Nagtaka man ay hinayaan niya lang itong hinila siya papasok ng clinic. "Good Morning, Dr. Mentez," bati ni Ate Gina. Ngumiti ang doktora at binati rin sila. Napatitig siya sa taglay na ganda ng Doktora. Nagtataka lang siya, lahat ba ng Doktor dito ay may itsura? Talagang mukhang anghel ang dalawang Doktor na nakita niya. Iyong kanina na nagpabihag sa kanyang puso at ito naman si Dr. Mentez ay sobrang ganda rin. "Sino si Gina David?" "Ako, doktora," sagot ni Ate sa Doktor. "Pero, ipapacheck-up ko rin ang kapatid ko." Pinaupo sila ng doktor bago tinuon ng doktor ang sinabi ng Ate niya. Napatingin siya sa kapatid at nagtataka siya sa sinabi nito kanina. Bakit pati siya kasali sa check-up? Wala naman siyang naalalang may sakit siya o 'di kaya buntis siya. "Buntis ka ba?" direktang tanong ng Doktora sa kanya. Kaya nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig dito. Mabilis siyang umiling at natawa sa tanong nito. "Hindi po, doktora," she said while shaking her head. "Agad-agad buntis? Ay! Huwag ganiyan, doktora." "Kung hindi, ano pa lang sakit mo?" kunot-noong tanong ng kaharap. "Wala po, doktora." "Kung wala naman pala, ano itong sinabi ng kapatid mong magpacheck-up ka?" naguguluhang tanong ni Dra. Mentez sa kanya. "Doktora," sabat ng Ate niya, "Ganito po kasi iyan, kanina nang dumaan si Dr. Santino sa harap namin ay bigla na lang siyang natulala at bumilis daw ang pagtibok ng puso niya. Baka may sakit po siya." Tumawa ito sa tinuran ng Ate niya. "Matanong ko lang, may sakit ka ba sa puso o 'di kaya may history ang pamilya ninyo na may sakit sa puso?" tanong ng doktor sa kanya. "As far as I know, doktora, Our parents and grandparents both died as a result of cardiac arrest," walang pag-alinlangan na sagot ni Ate kay Dra. Mentez. Tumango ang Doktor sa sinabi ng kanyang kapatid at bumaling sa kanya. "Do you have any chest pain?" "Wala po, doktor." Tumayo ito at sinuri siya. Tinapat nito ang stethoscope sa kanyang dibdib at pinakinggan ang t***k ng kanyang puso. Mga ilang minuto lang ay tumigil ito at nakangiti siyang pinagmasdan. "Wala namang komplikasyon ang puso mo, Miss--" "Georgia po," tugon niya. "Georgia, wala kang sakit sa puso. Itong peklat mo ay hudyat na kagagaling mo lang sa heart transplant. Para makasigurado tayo may irerekomenda akong dktor, si Dr. Santino." Pagkatapos siyang suriin ay umupo na ito. "Doktora, diba ob-gynecologist iyon? Bakit siya ipapa-check doon kay Dr. Santino?" naguguluhang tanong ni Ate. Pati nga siya'y naguguluhan din sa sinabi ng doktora. Tumawa ito bago sumagot, "Oo nga, ob-gynecologist siya, pero isa rin siyang magaling na doktor sa puso." Napaawang ang kanyang at namangha dahil sa napaka-talented ng lalaki. Napaka-talented pala ng my loves niya. Tama! Gusto niya ang lalaking kahit ngayon niya lang nakita. Naniniwala siya sa Love at first sight, or 'We might be destined to be together'? "Alam mo, Gina, " tawag atensyon nito sa kapatid, "hindi naman natin siya masisisi ang kapatid mo. Alam ko kung bakit bumibilis ang t***k ng puso niya dahil may pagtingin siya kay Dr. Vince Santino o baka naman in love na talaga." Ngumisi ito sa kanya. Ngiting panunukso, pero nakita niyang may lungkot sa mga mata nito. Bakit kaya? May problema ba ito? "Tama po kayo, doktora. In love na talaga ako sa kanya!" Tumatalon-talon siyang parang bata habang nakadipa ang mga braso niya. "I think I'm in love. I think I'm in love with him," kumakantang aniya habang sumasayaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD