"Mahal ko, anong gusto mong susuotin ko? Ito bang itim na polo o puti?" Tumigil si Georgia sa pagguhit ng damit at kunot-noong tiningnan si Vince. Tinitigan niya nang mabuti kung ano ang mas bagay na polo na susuotin ng nobyo. Kahit ano namang polong suotin nito ay mas lalo pa rin gumagwapo ang doktor. "P'wede bang kahit ngayong araw lang Vince ay pumangit ka? Bakit na sa 'yo na ang lahat ng katangian na gustong-gusto ko sa isang lalaki?" nakasimangot na tanong ni Georgia. Nakangising sumampa lamang ang doktor sa kaniya sa kama. Kinuha nito ang hawak niyang sketchpad at lapis saka inilagay sa bedside table niya. "Walang gwapo at pangit sa mundo, mahal ko. Dahil sa mga mapanghusgang mga tao, kaya naging ganoon na ang nakasanayan." Humiga ito sa tiyan niya at para siyang kinikiliti sa si

