CHAPTER 25

2025 Words

Napahagikhik si Georgia nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Vince habang siya naman ay komportable sa kaniyang pagkakadapa sa kama. Tatlong araw na ang nagdaan, miss na miss na niya ang binata. Kahit na birtwal na ang komunikasyon nila ay hindi pa rin sapat sa kaniya na hindi niya ito personal na makita. Gusto na niyang umuwi sa Pilipinas pero naghintay muna siya ng ilang araw para makauwi. She also missed her sister, her cutie pie nephew, her Kuya Edric at lalong-lalo na ang bestfriend niyang sina Sonia at Keisha. "Anong problema mo, mahal ko?" Nakapangalumbaba siyang tumingin sa nobyo. "I miss them." Kumunot ang noo nito. "Sino iyang 'them' na sinasabi mo? Huwag mong sabihin na may iba ka nang ipinagpalit sa akin Georgia?" Humagalpak siya ng tawa sa reaksyon nito. Napahawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD