"DILIM"

584 Words
MGA YAPAK Share ko lang ito, mga 6:00 ito ng gabi nangyari. Actually di naman masyadong nakakatakot ito. Gaya nga ng sabi ko mga 6:00 ng gabi ito naganap, abala ako sa pag gigitara sa mga oras na yun habang kumakanta with feelings pa hehe. Then ito na, habang abala ako sa ginagawa ko may narinig akong yapak ng tsinelas mula sa harap ng pintuan namin tapos doon na sya huminto. Nung una hindi ko sya pinansin baka kung ano lang yun. Tapos umulit ulit yung lakad nya papunta sa may pintuan, edi nagtataka na ako nun kaya ang nasa isip ko baka pinaglalaruan ako ng kuya ko. Ang kuya ko kasi palagi akong niloloko kaya naman sinabihan ko sya na " Nako si kuya pinaglalaruan na naman ako sabay tago ko sa malapit nang pintuan namin. Pagkapos, wala namang sagot nung sinabi ko na "Nako si kuya pinaglalaruan na naman ako". Edi nakatago na nga ako sa may pintuan tapos bigla na naman may naglakad pero yung lakad nya ay hanggang likod na nang bahay namin, as in talaga rinig na rinig ang mga yapak kapag naglalakad kung sino man yun. Edi ako naiinis na kasi hindi sya naimik, ang ginawa ko sinundan ko sya hanggang likod. Dahan dahan ako sa paglalakad para di nya marinig, ang kaso pagka dating ko sa likod ng bahay namin walang tao akong nadatnan. Nagtataka ako kasi may harang yung likod namin kaya impossible na walang tao doon dahil yung dinaanan ko lang ang mismong daanan pabalik sa harap ng bahay namin. Alam nyo bang ang likod nang bahay namin ay may puno ng star apple kaya ganun nalang ang pagtataka ko kung bakit walang tao doon. Nang marealize kong na walang tao doon ay bigla nalang akong tumakbo sa bahay ng tita ko dahil sa takot ba naman. Yung akala ko na kuya ko ang nakikipag laro saakin ay hind pala kundi ANO?" Tinanong ko si kuya kung sya ba yung naglakad tatlong beses sa harap ng bahay hanggang likod ng bahay namin. Ang sabi nya ay hindi naman daw sya yun kasi nasa labas daw sya ng gate at kakarating lang daw nya. Natahimik nalamang ako baka guni guni o kaya na iingayan saakin sa pag gigitara ko habang kumakanta. Kaya't hinayaan ko nalang at hindi ko nalang iniisip ang pangyayaring yun. Dahil ayaw ko na ding takutin ang sarili ko baka lalo akong takutin kong sino man yun. NAKA BARONG Si ate elsa ay nakakakita sya at nakakarinig na hindi nakikita at naririnig ng isang normal na tao. Kumbaga gifted si ate elsa. Share ko lang din ito, nasa loob kami ng apartment sa mga oras na nangyari ito. Edi abala kami sa pag seselphone, alam muna yung sss dito sss doon. Napansin kong si ate elsa ay kanina pang tumitingin sa may bintana. Edi tinanong ko sya kasi nga nakakapagtaka na rin. Ate elsa bakit ano meron? kanina kapa kasi tumitingin dyan sa may bintana? tanong ko kay ate elsa ahhh ehh, may lalaki kasing nakabarong sya tapos nakatingin saatin kanina pa" sagot naman nya. Edi kami nagulat sa sinabi nya, Nako ate elsa, wag ka naman manakot eh wala naman akong nakikita" sagot ko naman sa kanya Totoo nga, kanina pa sya nakatingin dito tapos parang may gusto sya sabihin eh" sagot naman nya Napatahimik nalang kami sa sinabi nya, sabagay sanay na kami dahil lagi naman sya nakakakita at palagi nyang kinukuwento saamin. Yun lang kaibigan, hanggang dito nalang ulit. Salamat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD