"ANG PAGMAMAHALAN NILA JEROME AT MARIA"

346 Words
Siyam na taon nang mag nobyo sina Jerome at Maria. Ilang linggo nalang ang kanilang hihintayin bago dumating ang araw ng kanila inaasam asam. Dahil nga napakabait nang binata ay agad namang sinang ayunan ng pamilya ni maria ang kanilang balak na magpakasal at ganun din sa pamilya ni Jerome. Handa na ang lahat, mula sa mga susuotin, dekorasyon, at mga pagkakain na ihahanda pati na rin mga ninong at ninang. Hindi na makapag antay ang dalawang magnobyo sa kanila darating na kasalan maging ang kanilang mga pamilya. Na witness nang kanilang pamilya kung gaano kamahal nila nag isa't isa kahit noon pa na magkaibigan palang ang dalawa. Isang araw, umalis ang mag nobyo. Gamit ang motor ni Jerome sa kanila pagbibiyahe. May aasikasuhin pa sila para sa kanila kasal. Masaya silang magkasama habang nakasakay sila sa motor. Wala silang ibang nadarama kundi excitement at kaba sa darating nilang kasal. Maayos naman ang takbo ng motor sa oras na yun. Pero napapansin ni Jerome na parang umiiba ang takbo ng motor, unti unti na syang kinakabahan lalo't kasama nya si maria. Hanggang sa hindi na inaasahan na pangyayari, nawalan sila ng preno. Dahil sa kaba at takot ni Jerome ay agad nyang tinulak si Maria mula sa motor upang hindi sya mapasama sa pagbangga sa isang malaking kahoy. Dahil sa bilis na pangyayari di na nila ang buong pangyayari. Nabalitaan nalang mga pamilya nang mag nobyo ang nangyari sa dalawa. Sa kasamaang palad maraming tinamong pinsala si Jerome sa kanyang katawan kaya't hindi na ito nakaligtas at pati si Maria na kahit pa ito itinulak mula sa motor ay maging ito di rin nakaligtas sa kamatayan. Walang nagawa ang pamilya nila kundi tanggapin ang pangyayari. Nakiusap ang pamilya ni Maria na kung maaari ay ipagsama ang libingan ng mag nobyo na kahit sa huling hantungan ay sila parin ang magkasama hanggang sa kamatayan. Minsan talaga kung sino pa yung nagmamahalan ng wagas sila pa yung hindi pinapalad na mabuhay ng matagal, napakalungkot isipin ang ganyang bagay na nangyayari. Hanggang dito nalang mga kaibigan at maraming salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD