"ANG LOLA KO"

430 Words
Ako si nina, at si liza naman ang aking kapatid na babae. Isang linggo na ang nakakalipas nang mawala ang aking lola. Mahirap man ang kanyang pagkawala pero kailangan kayanin. Si mama ang sobrang naapektuhan dahil mahal na mahal ni mama si lola. At si liza naman ang favorite apo ni lalo dahil nga siguro masunurin, mabait, at malambing na bata si liza. Noong nakaraang linggo lang ito nangyari bago ilibing si lola. Tahimik ang bahay sa oras na yun, wala gustong mag ingay dahil sa biglaang pangyayari. Ako at si liza ang nasa itaas ng bahay namin sa mga oras na yun. Habang sila ay abala sa mga dumadating na bisita para makiramay saamin. Ito ang kuwento ni liza, nasa kuwarto kami sa mga oras na yun. At si liza ay naisipan nyang mag cr. Sa loob ng cr ay may salamin kaming medyo malaki na kayang makita ang kalahating katawan mo rito. Sa pagpasok ng pintuan ng cr ay agad makikita ang salamin na ito. Kaya paniguradong makikita mo agad ang sarili mong repleksyon mula sa salamin. Yun nga pumasok na sya sa cr, sa pagpasok nya sa cr hindi nya naman agad itong napansin dahil siguro sa pagod at dahil na rin sa sobrang antok mula sa magdamagang pagbabantay sa kabaong ni lola. Siguro mga ilang sigundo bago nya ito napansin na......nakita nya ang kanyang sarili na salamin at.... may babae sa likod nya. Ang babae daw na ito ay nakakulay puti at isa daw itong matandang babae. Si lola ang nasa isip sa mga oras na yun. Dahil sa nakita nya, hindi daw sa maka galaw at walang boses daw na lumalabas sa mga bibig nya sa mga oras na yun. Nagtataka na ako kasi ang tagal nya bago lumabas mula sa cr. Wala na akong nagawa kundi sundan sya cr. Pagkabukas ko ng pintuan ay si liza nakaupo na sa sahig. Wala syang lakas para tumayo. Nataranta ako sa mga oras na yun, agad ko syang inalalayan mula sa pagkaka upo. At nang mahismasan na sya ay ikinuwento nya ang buong pangyayari saamin habang sya ay nasa cr. Dahil sa pag alala ng aking ina na baka gusto isama ni lola si liza sa kanya siguro dahil paborito nya itong apo. Agad pinatanggal ang lahat suot ni liza sa mga oras na yun at pinasunog sa labas ng bahay. Hindi lang sa mga oras na yun nagparamdam si lola. Marami pang sumunod dahil na rin siguro may nais pa syang ipahiwatig. Pero hindi kona ikikuwento sa susunod na lamang. Hanggang dito nalang ulit mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD