"ANG KUWENTO NI PROFESSOR LEO"

452 Words
Si Professor Leo, ay mahilig magkuwento about sa past life nya. Minsan kasi may sharing na nagaganap sa klase namin at gusto nya kasi na hindi kami maboboring sa mga topics na tinuturo nya saamin. Isang araw, may ikinuwento sya saamin about sa college days nya. May thesis daw kasi sila nung time na yun pero ewan ko kung anong topic yun, matagal kasi itong naikwento ni professor. Dahil nga kailangan nilang mag experiment about sa topic nila, naisipan nilang mag experiment sa lumang school na malapit lang sa kanilang paaralan dati. Alam nyo bang ang experiment na ginawa nila ay "spirit of the coins" related daw ito sa topic nila kaya yun ang naisipan nilang gawin. Naisipan nila gawin ang spirit of the coins ng mga hating gabi sa lumang paaralan na yun. May mga dala daw sila camera at mga materials na kanilang gagamitin. Marami daw sila e nasa limang katao sila. Edi naka ayos na daw ang mga gagamitin nila para sa kanilang gagawing spirit of the coins. Sa umpisa ay nagdasal muna daw sila then saka sila nagtanong sa spirit na nandoon. Si Professor ang unang nagtanong na, "May kaluluwa bang nakatira dito? unang tanong ni professor habang ang kanilang mga daliri ay nasa coins. Pero maya maya ay bumitaw ang isa nilang kasamahan kasi akala daw ay walang mangyayari kaya ito'y bumitaw agad. Makalipas ng isang minuto biglang gumalaw ang coins na kung saan nakalapat ang kanilang mga daliri. Tumapat daw ang coins sa "Yes". Edi nagulat daw sila, tapos sinundan daw ni professor na tanong na kung ilang kaluluwa daw nasa paaralan na yun. Maya maya daw e gumalaw ulit at itinapat ito sa "30" ibigsabihin nasa mahigit 30 sila na kaluluwa na nandoon. Maya maya ulit nagtanong daw ulit si Professor na, Bakit daw hindi sila matahimik o bakit pa daw sila nandoon? " wala daw sumagot pero bigla nalang nagliparan ang kanilang mga gamit. Nagwala daw ang kaluluwa sa tanong na yun. Ewan daw kung bakit pero doon daw nilang nagpantanto na hindi daw kaluluwa ang nakausap nila kundi isang demonyo. Kasi hindi daw ganun kalakas ang puwersa kapag isang kaluluwa lang. At dahil sa takot nila ay agad agad daw sila nagsitakbuhan at naiwan kanilang mga gamit. Kinabukasan daw na nila nakuha ang mga gamit na naiwan nila. At laking pasasalamat nila ay wala namang masamang nangyari sa kanila sa araw na iyon at hanggang sa pag uwi nila. Kaya't ikaw o kayo, wag dapat paglaruan ang hindi dapat paglalaruan. Hindi biro ang makaranas ng ganito. Pero gusto nyo makaranas nang ganito eh dapat malakas ang loob nyo at pananampalataya. Yun lang mga kaibigan at dito na natatapos ang isa nanamang maikling kuwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD