Ate Tep:
Joan, may nahanap ka na bang apartment? tanong saakin ni ate Tep.
Joan:
Opo, may nahanap na kami ni Anna" sagot ko naman sa kanya
Anna:
Sasama kaba saamin ate Tep" tanong naman ni Anna sa kanya
Ate Tep:
Titingnan ko muna" matipid na sagot nya kay Ann
Tatlong araw ang lumipas, ngayong araw ang paglilipat ng aming mga gamit sa bago naming lilipatang apartment actually hindi sya bago lumang apartment kumbaga.
Joan:
Oh ate Tep, bakit dipa nakaayos ang mga gamit mo? tanong ko sa kanya
Ate Tep:
Titingnan ko muna yung lilipatan natin bago ako mag aayos ng mga gamit ko" sagot naman nya saakin
Joan:
Ganun ba ate, sagot ko naman
Mga 15 minutes bago kami nakarating sa lilipatan namin, medyo malapit lapit lang naman sa dati naming tinutuluyang apartment.
Aling Gina:
Heto na ang susi, magsabi nalang kayo kung may mga kailangan kayo ahh at kung mayroong problema sa bahay. Sabi nya saamin habang inaabot ang susi
Anna:
Sige po, aling Gina. Salamat po" sagot naman ni anna sa kanya
Joan:
Nandito na kami sa harap ng pintuan at binubuksan ko na gamit ang susi na ibinigay ni aling Gina saamin.
Pagkabukas ko ay, biglang nag salita si ate Tep.
Ate Tep:
Parang hindi ako sasama sainyo dito joan, pasensya na. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko sa bahay na ito. Sabi saamin ni ate Tep.
Singit ko lang ahh, si ate Tep kasi ay may kakayahang makaramdam at makakita ng mga kababalaghan. Kaya't siguro nasabi nya yun saamin dahil may nararamdaman syang kakaiba sa apartment na ito na may pagkaluma na ang mga istraktura at mga disenyo.
Joan:
Ganun ba ate Tep, Edi kami nalang dalawa ni Anna dito" sagot ko naman sa kanya
Ayun nga ang nangyari, kaming dalawa lang ni Anna ang nakatira sa lumang apartment nila Aling Gina, sa totoo lang maganda naman itong apartment dahil malawak ito i mean isang buong bahay yung apartment namin. May tatlong kuwarto ito at nasa pinakadulo ang cr nito.
Kapag wala pa si anna sa ang ginagawa ko na lamang ay nanunuod ng tv pagkadating ko galing trabaho o kaya naman naka headset ako. Kaya't wala naman akong napapansing kakaiba kahit medyo may pagkadilim itong tinutuluyan namin.
Isang araw biglang may sinabi saakin si anna.
Anna:
Joan, alam mo bang hindi masyado akong nakakatulog kapag gabi" Sabi nya saakin
Joan:
Bakit naman anna? maayos naman ang tulog ko" pagtatakang sagot ko sa kanya
Anna:
Alam mo, wag kang matatakot ha.
Para kasing laging may nakamasid saatin kapag gabi o kahit hindi gabi. Napaka panlaw ng paligid (Sobrang tahimik) animo'y kahit sa kuwarto may nanunuod saatin kapag natutulog" Tahimik na sagot nya saakin
Joan:
Natahimik nalamang din ako sa sagot na yun ni joan, dahil hindi lang naman si joan ang nakaramdam ganun. Nung una kasi ay si ate Tep ang unang nagsabi na mabigat daw ang kanyang pakiramdam. Kaya't siguro di na saamin sumama dito sa apartment na ito.
Kaya't sa pangyayaring yun, si joan ay nangungulit na lumipat na daw kami sa ibang apartment kasi hindi na daw nya kaya ang nararamdaman nya dito sa bahay na ito. Kaya wala na akong nagawa kundi lumipat kami.
Nagpaalam ako ng maayos kay aling Gina, pero hindi namin sinabi ang totoong dahilan sa paglipat namin. Nagulat nalang kami sa sinabi nya na...
sa bahay na daw na yun ay mismong namatay ang kanyang kapatid na lalaki at ito pa ahh sa mismong kuwarto pa na tinutulugan namin, kaya pala ganun nalang nararamdam ni anna na parang may nakamasid sa amin habang natutulog. Ang kapatid daw ni Aling Gina ay may problema sa pag iisip kaya't ikinulong daw nila sa kuwartong yun at doon na nga namatay.
Dahil siguro ikinuwento narin yun saamin ay aalis narin naman kami sa bahay na iyon pero bago kami umalis doon ay may bagong dating na dalawa ding babae. Hindi pa nila alam kung anong meron sa bahay na yun.
At hanggang ngayon sa paglipat namin ay kung nandoon pa sila lumang apartment na yun at kung ano na ang nangyari sa kanila ngayon. Yun lang mga kaibigan, hanggang dito nalang ang aming maiksing nakakatakot na kwentuhan.