Ako si Hilda, nasa 30 taong gulang na ako at may dalawa na akong anak na babae. Ang aking asawa ay nasa trabaho ngayon. Madalas kami ng mga anak ko lang ang naiiwan sa bahay. Ang bahay namin ay maliit lamang at sa tabi nito ay may maliit na kanal. Pero ewan ko ba dahil sa tuwing makikita ko ang kanal na yun ay parang nakakakilabot ang hitsura.
Isang araw, mga dapit hapon ito naganap. Naglalaba ako, sa oras na yun at aking mga anak ay mahimbing natutulog. Nang biglang... nag iba ang ihip ng hangin at bumibigat ang aking pakiramdam. Kaya't naman binilisan ko na lamang ang aking paglalaba at maya maya m
ay may biglang may tumawag saakin. "Hilda, Hilda" rinig ko na tawag saakin. Agad agad kong hinanap kung saan yun nag mula nang biglang.....HILDAAAHHH" ultimong boses ng matandang humihingi ng tulong mula sa ilalim ng kanal. Nanginginig ako sa takot at dahil sa taranta ko ay pumasok ako sa bahay at ginising ko ang aking dalawang anak. At dali dali kong pinuntahan ang pinsan kong lalaki at kinunwento ang buong pangyayari maging sya ay natakot sa narinig kong boses ng isang matanda mula sa maliit na kanal na yun kaya't naman hindi na sya nag dalawang isip na samahan kami sa bahay hangga't hindi pa dumadating ang aking asawa. Hindi na nagtaka ang aking pinsan na lalaki dahil marahil alam nya na ako ay may kakayahang makakita at makarinig ng mga bagay nakakakilabot sa mga paligid ligid.
Lumipas ang isang oras at dumating na ang aking asawa at ikinuwento ko ang buong pangyayari kanina at dahil doon ay madalas na kaming pinapasamahan sa aking pinsan na lalaki o kung minsan naman ay sa mga kamag anak nya para naman daw e may makakasama kami habang nasa trabaho sya.
Kaya't hanggang dito na lamang at maraming salamat. Nawa'y hindi nyo maranasan ang ganitong nakakakilabot na pangyayari kaibigan.