RUMBLE....
Pagkadating namin sa Opisina nong kupal ay umupo agad ako sa sofang nadoon kahit hindi niya sinabing umupo ako....sa makapal mukha ko ei...
"Pinatawag moko?"tanong ko sa kaniya..
"Miss dovil this is your Last Warning..If i ever heard that your in trouble or involve any trouble inside of this campus,next time I will kick you out...UNDERSTAND?!"madiin niyang sabi...
"Teka nga...bat ako lang ata pinaparusahan mo ei hindi naman ako yung gumagawa ng gulo ako lang ang tumatapos sa gulo...napaka ampayr mo ah"sagot ko sa kaniya sabay tayo...
"Tsaka pwede ba bago moko parusahan alamin mo muna ang ugat ng gulo at kung sino na una sa amin"dagdag ko at naglakad papalabas...
"Wag ka mag alala dahil bago ako makick out dito babasagin ko muna yang mukha mo...para may remembrance ako"sigaw ko sabay takbo papaalis doon sa lugar na yun....nakaka bwes*t talaga ang pest*ng yun...
Pagkalabas ko sa D.O ay pumunta ako sa gym dahil yun ang last punishment na binigay ni kupal sa akin....kinuha ko na ang mga gagamitin sa panlinis...pag pasok ko sa gym ay luminga linga ako baka kasi may tao...pero wala naman kaya sinimulan ko ang paglilinis bwes*t naman kasi eii...pag ako nagalit sasaklin ko na talaga ang kupal na yun...isang sagad pa pest* na lang talaga ang walang ganti....ARGH!!!
Habang naglilinis ako ay may dumating naman na mga lalaki at babae dito sa gym may dalang bola at drinible drible kaya na patingin ako sa kanila....aba't mga pest* nga naman Oo akala ba nila madaling maglinis ng ganito ka laking lugar?
"Hoii...pwede ba wag muna kayong maglaro kitang may naglilinis dito"sabi ko sa kanila sabay tayo...
"Oii...siya yung babaeng nanakit kay Ziggy"
"WOW!!!ang kapal naman ng mukha mo no bago ka lang dito pero ang yabang yabang mo!!"ani naman nong babaeng naka short hair...
"Wow!!nahiya din ako sa sayo noh...yung mukha mo abot hanggang dito ohh!!"sagot ko sa kaniya
"Aba't ang yabang mo naman!!hawakan siya!!" Sabi niya...lumapit naman yung mga lalaki sa akin bale lima silang lalaki at tatlong babae..... nang makarating na sila sa harap ko at hahawakan na sana nang bigla kong hinampas sa kanila ang mop na dala dala ko sabay sipa sa isang lalaking naka polo at tinaas ko ang kanang paa ko tapos sinipa sa sintido ang lalaking naka pula ang buhok parang manok na panabong lang ei....
Sumugod naman ang dalawang lalaking mag kamukha kaya tumalon ako at sinipa silang dalawa tapos tumambling ako pabaliktad at nag split nang sipain ako nang isang pang lalaking naka kaki short..tumayo ako tapos lumapit sa lalaking naka kaki short sabay kuha sa kaliwang kamay niya at pilipit nito,sinipa ko ang tyan niya ng dalawang beses...nang mag sawa ako ay sinuntok ko siya sa may batok niya kaya siya na walan ng malay.....
Huminto sa pagsugod ang apat nang makita ang nangyare....tumahimik ng ilang minuto at nag tinginan ang apat...tumalikod na ako ng makita kong parang sumusuko na sila...kinuha ko ang mop at tinuloy ang paglilinis...habang naglilinis ay may mga benteng lalaking dumating kaya inangat ko ang ulo ko....napa buntong hininga naman ako at tiningnan sila ng walay buhay na tingin...
"Siya ba ang sinasabi mo fritz?"tanong nong lalaki sa babaeng short hair...
"Oo josh"sagot naman nong fritz 'kuno'
"Tsk...ang liit liit mo pero ang tapang tapang mo baka gusto mong tirisin kita dyan ha?!" Mahinang sigaw niya sabay turo sa akin...
"Baka yang maitim mong pag mumukha ang titirisin ko?"balik kong tanong sa kaniya...
"Hah!!napaka yabang mo!!"sigaw niya sabay tango sa mga kasamahan niya....
"Tingnan lang natin kong hanggang saan yang kayabangan mo!!"sabi niya at sumugod silang LAHAT sa akin...
Susuntokin na sana niya ako ng ilagan ko lang ito...sabay sabay naman silang sumugod sa akin kaso iniilagan ko lang ito ng walang kahirap hirap...
"BENTE PLUS APAT LABAN SA ISA?!Napaka boring naman...wala na ba kayong idadag dag? Yan na lahat?baka meron pa papuntahin niyo na"sabi ko habang iniilagan ang mga suntok at sipa nilang lahat....tsk....
"ANG HAMBOG MO!!TINGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN YANG KAHAMBOGAN MO!!" Sigaw niya sabay labas ng kutsilyo...psh...
napaka bading ang puta...
"Oh?!yan lang?baka may baril ka dyan ilabas mo na!!"mahinang sigaw ko sabay talon sa isang bleachers na nandoon at tiningnan silang lahat sa baba sabay ngisi....
Ilang minuto ang nag daan ang katahimikan na nakiramdam sa isat isa...kung sino ang unang susugod sa kanila....
Tumalon ako ng mataas na mataas sabay landing sa mukha nong isang lalaki kaya dumugo ang ilong nito at nawalan ng malay sa sobrang lakas ng impak...one down twenty three to go....paglapag ko sa sahig ay tinaas ko ang paa ko sabay ikot kaya natamaan ang anim na lalaki sa kanilang sintido at nawalan sila nang malay...Lumapit ako sa kanilang boss 'kuno' at sinipa ko siya sa tyan...sumugod naman ang labing dalawa sa akin kaya yumuko ako nang hahampasin na sana ako nong isa...
LILY'S POV
Nang gumising ako ay nilibot ko ang paningin sa lugar na kinalalagyan ko...napatingin naman ako sa nurse na nakatingin sa akin...
"ahm...sino po ang nag hatid sa akin dito?" Tanong ko sa kaniya sabay upo sa kinahihigaan ko...
"Hindi ko kilala ei pero sabi niya siya daw ang tumulong sayo nang malapit kang marape" sagot niya sa akin...kaya napaisip naman ako sa sinabi niya...
Tumulong?!!
Rape?!!
......................
Ahh!!naalala ko na...yung sa C.R nang boys pero si-
"Aurora!!!nasaan yung babae?"sigaw ko sabay tayo...
"Ahm...sabi niya irereport daw niya ang nangyare sayo pero hanggang ngayon hindi na bumalik"sagot nong nurse...
"Sige po alis na po ako Thank you po"sabi ko
"Ayos na ba pakiramdam mo?"tanong niya
"Opo...maayos na..Thank you po ulit!"sagot ko sabay alis...pumunta ako sa Dean Office baka andin si Aurora...pagpasok ko ay walang tao kaya pumunta ako sa Presidents Office....Hindi na ako kumatok at pumusok agad napa tingin naman sa akin ang mga Officers...nilibot ko ang tingin baka andoon si Aurora...
"ahm...Hi?"mahinang sabi ko sabay wave sa kamay
"How can we help you?"tanong nong isang lalaking may glasses
"Ahm...nakita niyo ba si Aurora?"mahinhin na tanong ko
"Sa pag kakaalam ko andoon siya sa gym nag lilinis"sabat naman nong isang lalaking baliktad ang damit...
"Bakit siya andoon?"tanong ko
"Kasi parusa niya yun dahil may binogbog siyang lalaki"sagot niya...
"Bakit siya pinarusahan ei tumulong siya sa akin tsaka tinulungan niya ako nang malapit akong marape doon sa loob C.R ng boys....baka anong nangyare sa kaniya..baka nabalian siya sa nangyare tapos pinalinis niyo siya sa buong gym anong klase kayong tao?"nagpapanic kong tanong
"ANO?!"sigaw nila...
sasagot na sana ako nang may biglang pumasok na lalaki habang hingak na hingal...
"T-tulong....y-yung bagong s-studyante pinag t-tulungan ng grupo ni josh ha!!"sabi niya habang hinihingal...
"The f**k!!"sigaw ng mga officers at tumakbo paalis kaya sumunod ako sa kanila...
Pagdating namin sa gym ay nakita namin ang mga lalaking nakahandusay sa loob ng gym na puro dugo tapos sa bandang kaliwa ay nadoon ang sampong lalaki na nag rarumblelang nangyayare kasama na si Aurora doon na hinihingal....sisipain na sana si aurora galing sa likod niya nang yumuko siya....sinipa ng kasama ni Aurora ang lalaking sumipa sa kaniya...
SAMPO LABAN SA LIMA!!!
meron pang dumating na mga kalalakihan at sinugod sina Aurora....bale LABING LIMA LABAN SA LIMA?!!ang dami ng kalaban nina A.
lalapit na sana ako ng makita ko ang kaibigan ng kapatid ko na tumutulong kay A...kaya hindi ko na tinuloy ang paglapit baka pagalitan ako ni kuya pag nalaman niyang sumali ako sa gulo...tsaka hindi ako marunong sumuntok....di katulad ni A.parang aksyon star...Heheheehe
"STOP!!"dumagundong ang nakakatakot na sigaw sa loob ng gym kaya napatigil ang iba pero si A patuloy parin sa pag suntok sa lalaking hawak nito...
"Ms.DOVIL!!"sigaw ulit ni pres...kaya hininto niya ang pag suntok sa lalaki at binitawan ito...
"Ibigay mo na sa akin ang ika tatlo at apat na punishment..ahh wag na lang pala bigay mo na sa akin ang card ko"sabi niya at lumapit kay pres ng walang takot....kung ako sa kaniya baka naihi na ako sa sobrang kaba dahil sa pinapakitang ekspresyon ni pres...
'Sorry ka na lang lily..hindi siya ikaw'sabat ng kabilang isip ko...oo nga naman....
"First go to my office now,don't let them go shun,dalhin niyo sila sa D.R"malamig na sabi ni pres sabay alis...sumunod naman si A.umalis na ako doon at pumunta sa cafe...doon ko na lang hihintayin si A.
AURORA'S POV
Nang makarating kami sa opisina ng kupal na to ay umupo ako sa sofang nadoon...tiningnan naman niya ako sabay upo sa swivel chair niya at pinag cross ang braso sa may dibdib nito...at bumuntung hininga...
"You haven't change"sabi niya sa akin at matiim akong tiningnan...
"Pinag sasabi mo?"nabobored kong sagot
"tsk...nothing!you may go now..i will send your card to your home...you have five days to attend your class"sabi niya kaya tumayo na ako sabay alis...
"What the f*ck!!ibigay mo na sa akin ang card para makahanap na ako ng bagong school na lilipatan"sabi ko...
"Watch your mouth ms.dovil!"mahinang sigaw niya....
"Stupid I can't watch my mouth but I can touch it"sabi ko dito....
"tss...leave!"sabi niya saby hilot sa noo niya...
"F*ck your ass,jerk"sabi ko at umalis doon...
Pag labas ko sa opisina niya ay nakita ko yung mga lalaking kasamahan niya pero hindi ko na sila pinansin at pumunta sa likod ng school at doon ibinunton lahat ng galit sa lalaking yun...bwes*t kasi siya....
Sa sobrang galit ko ay na suntok ko ang pader at nabutas ito tapos dumugo ang kamay ko...
Nang maramdaman kong may nakatingin sa akin ay ibinababa ko ang kamay kong nasa pader at pinasok sa bulsa ng pants ko...
"Nabutas ko ata"sabi ko at nag kibit balikat...
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko
"ah...eh...A siguro kailangan mong pumunta sa clinic ngayon na baka mapano yang kamay mo" sagot niya...
"Lily...i can handle myself,go to your next class" sabi ko dito at tumalikod at umupo sa may ilalim ng puno doon...
"teka lang ha!"sabi niya at tumakbo paalis...
Humiga ako at natulog na lang...
.
.
.
.
.
Na gising ako dahil sa hapdi na nang gagaling sa kamay ko kaya binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ang kamay kong hawak hawak ng taong nasa tabi ko habang ginagamot ni ~ KUPAL.....
"Anong ginagawa mo?"mahinang tanong ko habang nakahiga parin...
"Cleaning your bruises"sabi niya...
"Tsk...stop doing that kaya kong gamutin ang sarili ko"sabi ko at pilit na kinukuha ang kamay kong hawak niya
"Aray put*ng*na ka!!!"mahinang sigaw ko ng bigla niyang pisilin ang kamay kong may sugat kaya napa upo ako....
"Wag ka malikot"malamig niya sabi
"kupal ka talaga....dali a na kay aron dili teka ma patay animala ka"[bilisan mo dyan para hindi kita mapatay hayop ka]sabi ko dito...hindi naman siguro niya naiintindihan ang sinabi ko noh?!siguro!!
"Ug kong ako ni dalion basin masakitan ka"[kung bibilisan ko to baka masaktan ka]sabi niya kaya nanlaki ang mata ko...halah ka!!!! marunong siyang mag bisaya...
"Marunong ka mag bisaya?"tanong ko
"Mala~"
"A. Ito na lilinisin natin ang suga~ oii pres anong ginagawa mo dito?"putol ni lily sa sasabihin ni pres...
"I have to go"sabi niya at dahan dahang nilagay ang kamay ko sa hita ko at tumalikod...
"Kilala mo si pres?"tanong niya at umupo sa tabi ko at tinapos niya ang paglilinis ng sugat ko
"No!"sabi ko
"Weeeh?!bakit ka niya ginamot ei ayaw nga lumapit noon sa mga babae..ikaw lang nilapitan" sabi niya at mahinhin niyang nilagyan ng betadine ang sugat ko.....
"Stop asking....just focus to what your doing" sabi ko dito...
"Suss...umiiwas ka lang ei....ayieee lumalovelife kana A"tukso niya kaya nag salubong ang kilay ko...
"Yahh!!stop that...concern citizen lang siya"sabi ko
"Suss....walang awa si pres nohh!!"tukso parin niya kaya tumayo na lang ako at umalis doon narinig ko pa ang sigaw niya....
"AYIEEEEE!!!ALAM MO ANG CUTE NIYONG TIGNAN KANINA!!" sigaw niya.....arrgh!!mang asar ba daw...sira ulo talaga....