PROLOGUE:
AURORA'S POV
PROLOGUE:
"A-a. si B-bert h-hinarang nina P-paul"hinihingal na sigaw ni butchoy
Naka upo kasi ako sa karenderyahan ni aling bebeng habang umiinom ng coke tapos bigla na lang sumulpot si butchoy na tumatakbo na akala mo hinabol ng asong ul*l...
"Saan?"maikling tanong ko at tumayo na sa kina uupuan...
"A-andon *ha* sa k-kabilang eskinita"sagot niya habang hinihingal...
"Aish...tara"sabi ko at tumakbo na sumunod naman sa akin si butchoy
ilang minuto pa ay nakita ko sa di kalayuan ang limang kasamahan ni Paul habang pinapalibutan si bert...huminto ako at nag lakad ng dahan dahan...
dahan dahanin muna natin baka tumakbo pa ang mga hinay*pak na to...
Nang nasa likod na ako ni Gerry isa sa mga kaibigan ni Paul ay kinalabit ko ito...bigla naman siyang lumingon kaya sinuntok ko siya sa mukha natumba naman siya at sinapo ang dumudugong ilong...napaatras naman ang iba pang kasamahan niya...umayos ako nang tayo at tiningnan sila isa isa nakita ko naman si bert na akay akay ni butchoy...
"Nasaan si Paul?"tanong ko
"N-nasa-"
"Hanap mo ako A?anong atin?"putol nang lalaking papalapit sa aming pwesto...Paul
"Hindi pa ba halata?"tanong ko
nang makalapit na siya sa akin ay bigla ko siyang sinuntok kaya nabuwal siya hinigaan ko ang dibdib niya at binigyan siya ng maraming suntok sa mukha lalapit na sana yong mga kasamhan ni Paul nang binigyan ko sila ng nakakatakot na tingin kaya napaatras ang mga ito....
Nang mawalan ng malay si Paul ay tumayo na ako sa pagkakaupo sa kaniya at tiningnan ang mga kasamahan niyang nakayuko lang at ngumisi....
"Hoy...sa sususnod na malaman kong bumalik pa kayo sa teritoryo ko babasagin ko yang mga mukha niyo"maangas na sabi niya sa mga ito
"Tsaka sabihin niyo sa Paul na subukan niyang gumanti ng matangal ko ang ulo niyang walang laman"dagdag ko pa dito at binigyan sila nang pagbabantang tingin...
"O-oo A s-sa sasabihin n-namin sa k-kaniya"na uutal na sagot ni jude isa sa mga kasamahan ni Paul...
"Tsk..buti namn"sabi ko...tumalikod na ako sa kanila at nag simulang maglakad paalis sa eskinitang yon nakasunod naman sa akin sina butchoy at bert...pagdating namin sa karinderya ni aling bebeng ay pinaupo agad ni butchoy si bert sa upuang nandoon...
"Aysus maryusip!naunsa man ka bert naa man kay daghang samad?"[aysus maryusip!anong nangyare sayo bert at ang dami mong sugat?]nababahalang tanong ni aling bebeng...
"Ay nay! kani mang gud si bert gi atngan nila Paul didto sa pikas eskina"[Ay nay! ito kasing si bert hinarang nina Paul sa kabilang eskinita]sumbong ni butchoy...
"Aysus!!katong bataa to mag gara gara niya kung mabalusan dayun rabag demanda murag si kinsa anak rag tanod"[Aysus!!iyong batang yun ang yabang yabang kung magantihan demanda agad akala mo kung sino anak lang naman ng tanod]iiling iling ni aling bebeng...
"Oh!ikaw A gi pangita naka sa imo iya an"[oh!ikaw A hanap kana ng tita mo]sabi niya sa akin....
"Ari sa ko"[uwi nako]sabi ko
tumango lang si butchoy at si aling bebeng kaya umalis na ako doon..pag dating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto at naligo baka malaman pa ng tiyahin ko na nakipag away na naman ako...pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako nang pambahay at lumabas..pumunta akong kusina pagpasok ko pa lang ay may naramdaman akong bagay na papalapit sa akin kaya umilag ako...
"WHAT THE?!"sigaw ko habang nalalaki ang matang nakatingin sa kutsilyong tumarak sa pinto ng kusina namin...
"Ikaw bataa ka diin na man sad ka gikan ha?nawa ma kag kalit?sigi kog pangita nimo na abot na lang ko ila ka divine sig pangita nimong laagana ka!!"[Ikaw na bata ka saan ka galing ha?bigla ka na lang nawala?hanap ako ng hanap sayo napunta ako kila divine kahahanap sayong lakwatsera ka!!]sermon niya sa akin habang hinahalo ang niluluto niya...
"Dyan lang ako sa tabi tabi"sagot ko at umupo sa upuan kaharap ng mesa
"Ano namang ginawa mo?naghanap ka na naman ng away siguro no?"tanong niya sabay lingon sa akin...
"Hindi no"pag sisinungaling ko...
"Hindi!ayusin mo talaga buhay mo A pag nalaman kong nakipag away ka na naman ipadadala kita sa mga pulis"sabi niya habang tinuturo ako ng sandok...
"Wala"sabi ko....
"Talagang ayusin mo buhay mo dahil malilintikan ka talagang bata ka at ipapulis kita"sabi niya at pinag patuloy ang pagluluto...
"parang kaya mo"bulong ko habang nakasimangot...
"ANO?!"tanong niya at lumingon uli sa akin...
"sabi ko gutom na ako"sagot ko
"Oh kumain ka na"sabi niya tapos nilagay ang pinggan sa harap ko pati na ang ulam na ni luto niya...sinigang...
"Ikaw..ayaw mo kumain?"tanong ko habang nag sasandok ng kanin at ulam sabay subo...nakita ko kasi siyang tumayo at papalabas ng kusina
"mamaya na busog pa ako galing kasi akong birthdayhan"sagot niya at umalis ng tuluyan....tumango lang ako at nag patuloy sa kinakain habang nakataas ang isang paa at pinatong sa upuang nasa gilid ko....
SIYA NGA PALA SI AURORA DOVIL ANG BABAENG ASTIGIN AT BASAGULERA SA KANILANG BARANGAY....SA CEBU SILA NAKATIRA NG TIYAHIN NIYA WALA NA SIYANG MGA MAGULANG....