AURORA'S POV
Kararating ko pa lang sa school namin at isang metro na lang upang makarating ako sa room ay hinarangan ako ni shan at ang grupo niya....
"kailangan mo?"bored kong tanong dito
"Ikaw...ngano naa kay problema?ayaw pag inisog"[bakit may problema ka ba?wag kang magmatapang]sabi niya kaya ngumisi na lang ako...
"hoii mukhang tubol!!anong tapang tapang yang sinasabi mo?ngano kompleto nakag bukog?ingna lang ko kay arun makakita kag unsa ko ka isog"[bakit kompleto na ba buto mo?sabin mo lang para ipakita ko sayo kung gaano ako katapang]sagot ko sa kaniya sabay pakita ng kamao ko sa kaniya...
Nasabi ko na ba sa inyo na taga cebu province ako nakatira?dahil kong wala pa oh ayan nasabi ko na charoooot!!!
"tsk...yabang pandak naman HAHAHA"sabi niya sabay tawa..
"pandak nga pero itong pandak na to ang babasag sa bungo niyo"sabi ko sa kanila sabay suntok kay shan sa mukha habang tumatawa....
Tumilapon sya at dumugo ang ilong na nasapak ko..sumugod ang mga kaibigan niya ng sabay sabay papunta sa akin kaya bumwelo ako at tumalon ng mataas dahilan ng paglanding ko sa mukha ni jude kapatid ni jules at dumugo ang ilong at bibig niya...pagkatapak ko sa semintadong hallway ay tumambleng ako at sinipa sa tyan si axyle tapos tumayo at hinawakan ang buhok niya habang dinudurog ko ang mukha niya..
"WAAAAHHH ANG ASTIG!!"
"GOOOOOO A!!!"
"HALA KAWAWA NAMAN SINA SHAN"
"OO NGA HINDI MAKALABAN"
"TULONGON NIYO SINA SHAN ANO BAHHH!!"
"PIGILAN NIYO SI A!!!"hindi ko na lang pinansin ang sigawan sa paligid...
Nang tigilan ko na ang pag suntok kay axyle ay hindi ko na ilagan ang suntok na papalapit galing kay Ream kaya natabingi ang mukha ko...bigla namang tumigil ang tiliin at sigawan ng mga tao sa paligid namin dahil sa suntok na tumama sa mukha ko...Ha!bwes*t mga putang*na nga naman...
bigla naman akong nabalik sa hwesyo ng maramdaman kong may kung anong tatama sa akin kaya umilag ako ng napakabilis at sinalo ito........baseball bat
"Tsk....dili mo ka pildi nako nanginahanglan pa gid mog baseball bat?pest* mga bayot"[hindi niyo ako matalo at kailangan niyo pang gumamit ng baseball bat?pest* mga bakla]pang aasar ko sa kanila...
nag agawan naman kaming dalawa sa baseball bat habang hawak ng dalawa kong mga kamay ang bat ay sumusugod naman ang iba pa kaya busy din ako kakasipa sa kanila....nang mapagod ako kakaagaw ay binitawan ko ito bigla at napaupo naman ang may hawak na baseball bat sa hallway....
humarap ako sa apat na nasalikod ko at walang warning kong sinipa ang isang kaibigan ni shan na nasa may right side ko kaya napaupo din ito habang sinasapo ang nasaktan niyang tyan...tumingin naman ako sa tatlo at sabay sabay kong sinipa ang mga mukha nila tapos sinuntok ko ang naka violet na lalaki sa kaniyang mukha nang hindi na siya makalaban ay bumaling naman ako sa isa pa tapos dumagan ako sa lalaking naka pantalon at t shirt na puti sa tyan nito at walang sawang pinag susuntok ang mukha niya....
"SH*T STOOOOP"
"WHAT THE~"
"WOOOOH GALING MO A NA TALO MO ANG MGA MAYAYABANG NA YAN!!!!"
"SIGE LANG A DURUGIN MO ANG MUKHA NANG MGA YAN!!"sigaw nila kaya na pangisi ako
wala pang ilang minuto ay sumugod yung isa na natamaan din sa mukha...paghampas niya sa baseball bat ay sinalo ko ito gamit ang siko ko at dahan dahang tumayo hindi ko na ininda ang sakit na nag mula sa sikong pinalo ng sira*long ito at sinakal ko siya sa leeg,gamit ang isa kong tuhod ay itinaas ko ito papunta sa tyan niya at walang tigil na pinag tutuhod ang tyan.....
"WAAAAAH!!!PIGILAN NIYO SIYA"
"TAMA NA YAN A BAKA MAPATAY MO SIYA!!"
"ANO BA SOMEBODY HELP HIM!!"sigaw nila,hindi ko sila pinansin at pinag patuloy sa ginagawa...
Umikot ako paharap kung baga kaharap ngayon ng lalaki ang likod ko habang nasa leeg na niya ang braso ko at bumwelo sabay yuko at tinaas siya sa ere tapos binagsak siya pabaliktad sa hallway....
Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang t shirt kong black tapos kinuha ang bag lalakad na sana ako ng may humawak sa balikat ko kaya hinarap ko ito at biglang sinapak sa mukha....nang bumulagta ang katawan ng guard ay doon ko lang na realize na kaharap ko na pala si Dean...
"AURORA DOVIL GO TO MY OFFICE NOW!!!"sigaw ni kalbo sabay alis
"tsk...ang panget mo mukha kang tubol na hindi makalabas sa pwet"sabi ko kaya na patigil ito sa pag lalakad at humarap sa akin na pulang pula ang mukha...
"Ano ba namang mukha yan,mukhang hinapas ng isang truck"nang aasar kong dagdag kaya mas lalong ikinapula sa mukha ni Dean...
Total naman ma kikick out rin lang naman ako edi dapat may remembrance ako para hindi ko mamiss ang school na ito...psh
"Go leave and don't came back because your kick out of this school,now get your *ss out of here "sabi niya sabay turo sa akin...
"Pakyu tandang kapatid ni majinbu,ano namang pake ko ang panget nga ng school mo ei tsaka wala ka rin namang kwenta dahil mas inuna mo pa ang eotin ang tetser!!"sabi ko dito at pinakita ang middle finger....sa totoo lang mabilis akong mapikon at short tempered pa kaya lage akong napapaaway sa kahit saang lugar man ako mag punta...
Tumalikod ako at umalis na sa school na yun iniwan ko silang nakanganga tsaka wala ng pinag bago lage lang naman akong na kikick out at wala na akong pake doon...
Importante buhi!!!
Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil tiyak na papagalitan lang ako ng tita ko,pumunta na lang ako kina nikki at doon nakisiksikan sa kanilang bahay...
"Oh?ano ginagawa mo dito A?"tanong niya sabay upo sa sofa dito sa tabi ko...
"Aish....may alam ka bang school na paglilippatan at papasukan ko?"tanong ko sa kaniya sabay de kwatro na pang lalaki
"Wala na"sagot niya
"doon sa school niyo?"tanong ko
"Hindi na sila tumatanggap ei,lagot ka sa tita mo pag nalaman niyang kick out ka na naman"sagot niya..
"tsk...lagot talaga"nakangiwi kong sabi dito
"Ano na plano mo?tiyak na sesermonan ka niya buong taon"sabi nito
"alam ko kaya nga ako nag hahanap na mapapsokang school ei"sabi ko at tumayo na dahil pupunta muna ako sa kambal na si devon at devie...
"Alis na ako pupunta muna ako sa kambal baka may alam silang school na pwedeng mapag enrollan"dagdag ko at tumalikod
"sige hanap well"sagot niya...
pag alis ko sa bahay ni nikki ay pumunta ako sa bahay ng kambal...malayo layo kasi yun nasa kabilang baranggay pa ang bahay nila...
Hindi pa man ako nakakatawid sa kabilang kalsada ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan ang caller..
Lagot patay!!!
"Ehem...hello?"sagot ko
"nasaan ka ngayon A?"tanong ni tita
"Nasa school,bakit?"
"Anong school school ang sinasabi mo ha?sabi ng klasmeyt mong si juan ay na kick out ka daw dahil binogbog mo ang anak ni kapitan tsaka binastos mo daw ang dean niyo..ano ka ba namang bata ka kailan ka titigil sa pambobogbog mo?"sermon niya
"Hindi ko kasalanan yun no sila ang nauna tinapos ko lang para kasing walang balak ei"sagot ko
"Hayst nasaan ka umuwi ka na dito,bilisan mo ha?"sabi niya sabay baba sa tawag
ang tita kong yun!!ang bilis kumalat ng balita parang virus lang tsk....umuwi na lang ako sa bahay baka bugbugin pa ako ng tiyahin kong yun...tsaka saan naman kaya ako hahanap ng bagong mapapasokin ei halos lahat ng school dito ay napasukan ko at ang kinalabasan lang ay naki kick out ako....
napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa kakaisip kong saan ako hahanap ng bagong malilipatan na school...tae lagot na naman ako sa sermon ng tita kong yun...AISH!!
'Kung bakit ka ba kasi sumagot kay panot ayan tuloy na pala mo'sigaw ng kabilang isip ko....Hayst pano nato...
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang tita ko na naka upo sa sofang andoon sa aming sala at may papel na hawak...ano kaya yon?
"Tah!ano yang hawak mo?"biglang tanong ko...
"Sus santa maria kang bata ka..nakakagulat ka naman"sabi niya habang sapo sapo ang dibdib...
"Sorry namn...pero para saan yan?"tanong ko at tinuro ang papel na nasa mesa...
"Ayun na nga mag impake ka na dahil aalis tayo may bago na akong trabaho"sagot niya sa akin...
"Oh ei!saan naman tayo lilipat at bakit pa mag iimpake?"tanong ko
"Pupunta tayong manila dahil doon na ako naka base nakuha ako sa inaapply yan kong trabaho..tsaka mag impake ka na dahil mamaya lang ay aalis na tayo ano naliwanagan ka na?"sagot niya tumango lang ako at pumunta sa kwarto....lumabas ako ulit at nakita ko siyang parang ang lalim ng iniisip...
"uh..wag na lang siguro"bulong ko at pumasok ulit tapos nag impake na dahil iyon ang utos ni tita baka ma judo pa ako ng tiyahin kong iyon....mabali pa buto ko edi wala nang magandang Aurora at mag si iyakan pa ang mga lalaking naghahabol sa akin......