Chapter 7

1245 Words
Third Person's POV "Will you stop doing this, Vandeon. Tinatakot mo ang mag-ina!" galit na sigaw ni Kace sa harap mismo ni Vandeon na ngayong duguan na ang ilang parte ng kanyang katawan. Pinalilibutan s'ya ng mga kaibigan niya ganu'n din ng mga tauhan ni Riley, pinipigilan s'ya ng mga kaibigan niya na sumulong kay Almika, dahil kapag ito makalapit sa mag inang 'yon paniguradong wala na silang bukas pareho. Ngumiti lamang si Vandeon. Pinunasan niya ang dumudugong labi, tinitigan niya isa-isa ang kanyang mga kaibigan 'saka s'ya agad sumeryoso. Iba na ang mukha ngayon ni Vandeon dala ng mga pasa niya sa mukha, patay lahat 'yung mga tauhan niya kaya s'ya na lang mag-isang lumalaban. Nagkapasa rin naman 'yung mga kaibigan niya pero hindi nga lang sobra, kunti lang. "Nagtulong-tulong pa kayo? Ganiyan na ba ako kalakas?" seryosong tanong niya. Umatras si Sendrix habang binabantayan ang kilos na maaring gawin ni Vandeon. "Bakit hindi mo na lang sila tantanan, Vandeon? Tol maawa ka naman sa kanila. Na trauma pa ang bata nang dahil sa'yo." usal ni Evadne. Nilingon naman s'ya ni Vandeon. "Gusto mo bang dagdagan ko pa 'yang putok ng labi mo, Evadne? Sabihin mo lang at pati mukha mo babasagin ko na." Hindi nila alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Vandeon, kahit puro pasa na ang buong katawan nito, mukhang matigas parin ang bungo niya, hindi talaga magpapatalo. "Stop this already, Vandeon! This isn't you! Nasaktan mo na sila, kinuha muna ang lahat kay Almika, ano pa ang gusto mo?" kalmadong tanong ni Kace pero deep inside gusto niyang suntukin si Vandeon ng paulit-ulit hanggang sa mawalan ito ng malay at magising sa katotohanan. "Pakialam mo ba kung hindi niya ako sinaktan, Kace? Are you really my friend? Kinakampihan mo 'yon! Bakit Kace, ikaw ba ang ama ng dinadala niya! Sagutin mo 'kong hayop ka!" galit na sigaw ni Vandeon at mabilis na kinwelyuhan si Kace Hindi man lang ito nabigla, alam niyang mangyayari 'to. Sabagay s'ya nga naman ang nagpatakas kay Almika kaya't iniisip ni Vandeon na s'ya ang ama ni Vandish. "Bakit hindi mo alamin? Tutal ang hilig mong maghabol at mag hanap tol. Para kang aso na pakalat-kalat." ngumiti s'ya ng matamis kay Vandeon, sanhi nang pag angat ng kamao nito. Naging alerto naman 'yung ibang kasamahan nila, ambang pipigilan na nila si Vandeon nang suntukin nito ang mukha ni Kace. "Fvck you! Kace! Fvck you!" Tumawa ng malakas si Kace. Pinikit niya pa ang isang mata niya dahil sa inindang sakit ng pisnge, sinenyasan niya pa ang mga kaibigan na 'wag silang lalapit kay Vandeon. "May alam ka tol, ayaw mo lang maniwala, bakit? Natatakot ka na bang pandirian ka ng batang 'yon? Poor him mamatay tao ang ama niya." Hinawakan ni Kace ang kamay ni Vandeon na nasa kwelyo niya. Padarang niya itong winaksi at pinagpagan ang damit, inayos ang pagkakakunot nito. "Tama lang na umalis sila Almika palayo sa'yo, ayaw niya ring makilala ka ng anak niya dahil umpisa pa lang? Kamatayan na nilang dalawa ang gusto mo. Kaibigan kita tol, hindi ka naman ganito noon pero anong nangyari? Pumikit at dumilat lang kami saglit pumapatay ka na ng mga pamilya nang hindi namin alam? Anong balak mo? Ubusin ang mga merong pamilya dito sa pilipinas? Tol maawa ka naman sa sarili mo, mas masahol ka pa sa hayop," mahabang lintanya ni Kace at ngumisi ng palihim. Mabilis namang nilabas ni Vandeon ang kanyang baril, tinutok niya ito sa noo ni Kace pero tila walang lang kay Kace, nginisihan niya lamang ang kaibigan. "You don't know me, yet! Hindi mo alam ang lahat, Kace! Manahimik kang gago ka!" galit na singhal ni Vandeon at kinasa ang gatilyo kaya't sabay na sabay na lumusob ang mga kaibigan niya at pinigilan s'ya ngunit matigas talaga ang bungo ni Vandeon, lumaban talaga s'ya. "You'll regret this day, Santford. Malakas at matapang ka nga pero mahina ka parin sa paningin ko! You can't even pull the trigger! Pinapatagal mo pa ang kamatayan ko. Malas mo naman." hindi s'ya pinansin ni Vandeon dahil busy ito sa mga kaibigan niyang nagsusuntukan na at nag-aagawan na ng baril. Tumayo ng tuwid si Kace, tumingala s'ya sa second floor at laking gulat niya nang makita ang anak ni Almika na nakatingin sa kanila, walang emosyong pinapakita ang bata. Nagulat s'ya, magulo ang buhok ni Vandish, nakasandal ang dalawang kamay nito sa hamba ng hagdan. Ni hindi man lang s'ya nasindak sa mga nangyayari. Anong klaseng tao rin ba ang anak ni Vandeon? Bakit walang bakas na takot ang kanyang mga mata? Halos mapatalon si Kace sa kanyang kinatatayuan ng tumingin sa kanya si Vandish, bumungad sa kanya ang malalim na mga pilak na mata nito, nakikita niya ang emosyon nito kay Vandeon, sa kaibigan niya na ngayon ay hawak na ng mga kasamahan niya sa braso. Pilit paring nagre-reklamo si Vandeon ngunit hinang-hina na s'ya. Duguan ang noo, pati leeg, labi, at pasa naman ang natamo niya sa buong katawan ngunit may ngisi parin sa labi si Vandeon. "Is that him?" Agad na lumingon si Kace sa kaibigang tumabi sa kanya. "You know him?" balik na tanong nito. Tinapik ni Kiefer ang kanyang balikat at tumango rito. "Kaya pala pamilyar ang batang 'yan. S'ya lagi ang pinupuntahan ni Vandeon sa lumang bahay duon sa Tagaytay." Mabilis na kumunot ang noo ni Kace. "What the hell are you talking about?" bulong tanong niya. Ngumiti si Kiefer sa kanya. "He saw that kid when he was talking to me at the nations mall. He really looks like him, akala ko anak ni Vandeon," "Kaya hindi na ako magtataka ngayon kung bakit ginagawa ni Vandeon 'to. He wants to take that kid away from his Mother. Paalisin mo silang dalawa dito tol, ako na bahala kay Vandeon, dahil paniguradong pagkagising nito maghahanap na naman s'ya." Walang naintindihan si Kace, gulong-gulo ang utak niya pero tumango parin s'ya kay Kiefer pero bago 'yun? "Bakit gusto niyang makuha ang bata?" "It's not my story to tell, but Vandeon knew already that he had a son and it was from Almika's bomb." "What the hell?! Bakit niya pinahihirapan si Almika?! Gago pala s'ya e!" "He's mad alright! Akala niya anak mo 'yan noong tinakas mo! Jerk!" "Kailan niya nalaman?" "When Almika's brought his son to Riley's office, he found out immediately by glancing at the child's face. Magkamukha." Tumango s'ya, dahil pati rin s'ya kumbinsidong anak ni Vandeon si Vandish at hindi talaga nagkakalayo ang kanilang mukha pwera na lamang sa kakaiba niyang mga mata na namana nito kay Almika. "Look at his eyes, there's no emotion in there, he's cold stare pointing at Vandeon's side." Manang-mana kay Vandeon pati ang ugali. Ngumiti muli si Kiefer kay Kace at tuluyan ng umalis sa kanyang harapan, muli siyang tumingala sa itaas, kasama na ni Vandish ang ina at nag-aalala ito habang nakatingin sa kanya pero nag thumbs up lamang s'ya. Tumango si Almika at hinila na si Vandish papasok sa kwarto. Umiwas naman ng tingin si Kace, naalala niya ang babaeng papakasalanan niya na sana kaso naaksidente ito at nalaman niya na lamang na may asawa na ito ngayon at may anak na, nakalimutan na s'ya ng babae at sobrang sakit nun para sa kanya. "Are you done staring at my son?" Umikot ang kanyang paningin. Nakatayo sa likuran niya si Vandeon, at sa likuran naman nito ang mga kaibigan niyang wala ng malay. "What the hell?" Cont... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD