Continue... "What the hell!" agad na sigaw ni Kace dahil sa gulat. Nakatayo sa kanyang harapan ang katawan ni Vandeon, ayos at tuwid pa ito, parang hindi man lang tinablan ng suntok sa mukha at katawan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay habang ang dugong nanggaling sa kanyang braso ay patuloy na umaagos pababa sa baril na hawak niya. Hindi kumibo si Kace, wala siyang pinakitang emosyon sa kaibigan, natatakot s'ya kay Vandeon pero hindi niya lamang pinapakita, kung tutuluyan man s'ya ni Vandeon ngayon? Lalaban parin s'ya ng patas. Tumikhim si Kace bago sinalubong ang tingin ni Vandeon. "Kahit anong pilit mong habol sa kanila Vandeon, you can't still get them, why? Because when it comes to hiding? Miss Monteverdi is good at it. Keep that in your mind, tol." hilaw siyang ngumiti

