Chapter 1

1298 Words
Almika Sheen Monteverdi's POV "Magandang umaga po, Ma'am Monteverdi, tinanggap na po ni Ma'am Ladeo ang resume n'yo, bukas na bukas po ay pwede na kayong mag simula sa trabaho." paalala sa'kin ng isa sa mga empleyado ni Ma'am Ladeo. Tumango naman ako sakanya at nagpa-salamat. Nilagay ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko 'saka ako sumakay sa kotse ko. Tinungo ko 'yung daan pauwi sa inuupahan naming bahay ng anak ko. Mahal kasi ang condo unit, kaya sa maliit na bahay kami tumitira ngayon at 'saka luma naman 'yung bahay pero kapag nilinisan mo? Magbabago ang anyo. Malapit na rin pala ang deadline ng bayarin, hays. Mayaman naman kami pero hindi ko pa pwede makuha 'yung iniwan sa akin hangga't hindi pa ako kasal, wala parin naman akong balak mag-asawa dahil mas priority ko ang anak ko ngayon, titiisin ko muna ito ngayon, kapag mahanap ko na ang taong pwede sa akin? Magpapakasal na ako. Pinark ko ang kotse ko sa gilid ng maliit namin na bahay, hinubad ko ang sling bag ko 'saka pumasok na sa loob. Tumambad sa'kin si Manang, ang nagbabantay sa limang taong gulang kong anak. Kumunot ang noo ko, mas lalo yatang pumula ang pisnge ni Manang ngayon ah, anong meron? "Naku, Ma'am, buti ay dumating na po kayo! Si Vandish po kasi!" tila kinakabahan n'yang saad, hinawakan ko s'ya sa braso para pakalmahin. "What's the problem, Manang? May nangyari ba?" tanong ko habang inaangat ang tingin para hagilapin kung nasaan na naman ang anak ko. "Nilagyan n'ya po ng spicy ketchup ang mukha ko Ma'am, ang anghang!" hindi n'ya na ako hinintay na sumagot dahil mabilis itong lumabas para maghilamos. Hinilot ko nang mariin ang sentido ko. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa kwarto ni Vandish, nadatnan ko siyang tumatawa habang kalaro ang kan'yang robot na laruan, kakabili ko lang n'yan sa palengke, mura lang kaya't binili ko. Nanatili lang ako sa labas ng pinto, pinagmasdan ko ang anak ko na naglalaro. Siguro kung lumaki ito sa ama niya paniguradong lahat nang gusto niya ay makukuha n'ya, s'ya ang mamana sa yaman ni Vandeon, pero ayokong lumaki ang anak ko sa mamatay tao, mas mabuti nang maghirap kesa pakisamahan ang taong anytime ay sasaksakin ka. Meron na akong trabaho anak, lilipat na tayo sa mas komportableng higaan at sa malinis na kapaligiran. Bumuntong hininga ako, unti-unti kong nilakihan ang siwang ng pinto. Napansin n'ya naman 'yun kaya't agad syang lumingon sa akin, I met his silver eyes like mine pero naka contact lense ako ngayon, ayoko lang ibandara ang mata ko. Masyadong nakakaagaw ng pansin at baka mahanap ako ni Vandeon. It's been years past already. Hindi niya ako nahabol ngunit patay naman 'yung driver ni Kace, pinatay ng walang hiyang Vandeon. "Mommy! You're here!" Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ng anak ko, sumubsob naman ako sa leeg niya. "How's my son?" tanong ko at ginulo ang buhok n'ya, sobrang gwapo ni Vandish. Namana niya lahat ang genes ni Vandeon, isang tingin mo pa lang sa mukha n'ya kamukha niya na talaga ang mayamang si Mr. Santford, sana naman hindi mag tagpo ang landas nila. My son deserves a better life. I can give him that. 'Wag lang sanang umepal si Vandeon. "Someone's here kanina, Mommy, kinausap ni Yaya 'yung mga matataas na guys, they also bring big cars, Mom." Mahigpit kong hinawakan sa likuran si Vandish. Kung sino man ang mga taong 'yon posibleng babalik sila sa lugar na 'to, kailangan ko na talaga ng pera, bukas na bukas maga-advance ako ng sweldo para panglipat namin, dadalhin ko din si Vandish, baka isa 'yon sa mga tauhan ni Vandeon, hindi n'ya pwedeng malaman na dito kami nakatira! "Mommy, I'm scared. Para bang kukunin nila ako palayo sa'yo Mommy, don't leave me here, Mommy." Tumango ako sakanya. Niyakap ko siyang muli. Nagsisimula na naman siya, ito ba talaga ang gusto niya? Ang pahirapan kami? Pwes nagkakamali ka Vandeon. When I was a kid tinuruan ako ng magulang ko kung paano lumaban, pasalamat ka't buntis ako sa anak mo noon kaya't hindi ako makalaban sa'yo, inuna ko ang kapakanan ni Vandish pero ngayon? Kaya na kitang harapin, makikita mo ang hinahanap mo. "Sleep now, son, isasama kita sa work ko bukas." "Yeheeey!" Kinumutan ko s'ya, hinalikan ko sa pisnge ang anak ko. Habang pinagmamasdan kita anak mukha ng walang hiya mong ama ang nakikita ko, I hope na hindi ka matulad sa kasamaan ng ama mo. "Good night baby." *** Dinala ko nga ang anak ko sa kompanya, sinama ko na rin si Manang na dala-dala ang maleta namin, iiwanan ko muna sila sa staff room habang ako naman gagawin 'yung trabaho ko, makulit pa namang bata si Vandish, hindi s'ya mapapalagay, gusto niya talagang mag laro nang mag laro. "You behave Vandish, magwo-work lang si Mommy muna ah. 'Wag kang malikot," "Yes, Mommy! I love you!" Ngumiti ako, niyakap ko s'ya at hinalikan sa pisnge at ilong. "I love you more baby." Tumango ako kay Manang na s'ya na muna ang bahala sa anak ko. Nag pakawala ako ng malalim na hininga bago tinungo ang office ni Ma'am Ladeo, hindi ako kinakabahan dahil kita ko naman kung paano mag trabaho noon sa Office namin ang secretary ni Dad. Hays, I hope my parents is still here, I missed them so much. Nang marating ko na ang office ni Ma'am, saglit akong naghintay sa loob. Malinis ang opisina niya, simple lang pero sumisigaw ang pera na ginastos nila sa bawat furnitures na nakikita ko. Hays, kamusta na kaya 'yung mansyon namin? Pina-ambush na kaya 'yun ni Vandeon? Sama talaga ng uri ng lalaking 'yon. Maya-maya pa ay may narinig akong click ng pinto kaya't tumayo ako ng tuwid, pumasok ang isang babaeng sobrang ganda, ang puti puti niya rin, she's like a goddess for me. Ito na yata si Ma'am Ladeo, ang ganda naman ng boss ko. Ngumiti ako. "Good morning, Ma'am Ladeo, I am Almika Sheen Monteverdi, your new Secretary." pakilala ko ngunit tila kinakabahan na ako ngayon. Pinagmasdan niya ako saglit bago tumango, humakbang s'ya palapit sa kanyang desk. "Where are you from? Mukhang may half ka. Foreigner?" tanong niya at umupo s'ya sa lamesa nya. "I'm from the Philippines. Yes my half ako, half Italian." sagot ko. Tumango naman s'ya at humarap sa kanyang laptop. "Cancel all my appointments today, may pupuntahan lang ako." saad niya at sinara niya ang kanyang laptop, tumango naman ako at tiningnan 'yung papel na hawak ko. "Okay, Ma'am Ladeo." Yumuko ako at umatras para padaanin s'ya ngunit akmang lalabas na s'ya ng bigla na lamang tumakbo ang anak ko papunta sa akin. Tawang-tawa pa s'ya, hindi niya alintana 'yung pawis na namumuo sa noo niya, itong batang 'to talaga oh. Inangat ko ang tingin. "Sorry, Ma'am, this is my son, Vandish, wala kasing magbabantay sakanya sa apartment ko kaya sinama ko na lamang. Pasensya na po talaga Ma'am, bukas hindi ko na s'ya isasama," I'm sorry, Manang. Umiling s'ya. "It's okay, you can bring your son here anytime you want. Avoid making mess." ngiting sagot ni Ma'am Ladeo. Nagpasalamat naman ako 'saka ko nilingon si Vandish na ngayon ay mukhang inaantok na. Naku naman. "Your son is so handsome." ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Ma'am." pagkatapos kong sabihin 'yon kumunot pa ang noo niya bago tuluyang nawala sa paningin ko. "Baby, are you sleepy na?" I asked my son, tumango-tango naman s'ya. Ginulo ko ang buhok niya 'saka ko siya kinalong palabas ng opisina kaya lang? Bigla akong napahinto nang may namukhaan akong isang lalaki. "Shut it Roswell, I don't need anything from you, basta tumupad ka sa usapan!" "Gago! Kayaman-yaman mong tao mamburaot kapa." "Kay Kiefer ka magnakaw ng pera ulol." "Gago mo, Vandeon!" Fvck it's really him! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD