Chapter 2

1284 Words
"Mom? Are we hiding?" Kunot noong tanong ni Vandish habang nakatingala din sa pintong sinisilipan ko. Hinila ko s'ya at niyakap ng mahigpit. "Yes, baby, we're hiding. 'Wag kang maingay, okay?" paalala ko sakanya at muling sumilip sa pintuan, ngunit nanlaki ang mata ko ng makitang nasa harapan ko na silang tatlo, nakatalikod sila pero ramdam ko ang panlalamig. Tila napapaso ako kaya't agad kong kinalong ang anak ko, nag tago kami sa likuran ng pintuan. s**t! What I'm going to do now! "Mom, I'm scared," "I'm sorry baby. Please cooperate with me okay?" Hinalikan ko ang kanyang noo kasabay nito ang pag bukas ng pintuan. Unang niluwa nito ay ang isang lalaking matangkad, naka suit pa ito, kasunod naman si Vandeon na ang angas parin ng porma. Seryoso ang kanyang mukha habang kausap ang lalaki sa likuran niya. Walang ka emosyon-emosyon ang mukha, may dala siyang malaking case. Argh, pinagpawisan ako! Paano na 'to, paano kung bigla na lang dumating si Riley at hanapin ako? Pero imposible iyon, may pupuntahan si Ma'am. Hinarap ko ang anak ko, tinakpan niya ang bibig niya para hindi maka-sanhi ng ingay. Naawa ako sa anak ko, pero kailangan namin mag tago. Hindi madaling kalabanin si Vandeon, kailangan ko nang matinding pag pla-plano kapag haharapin ko s'ya. He's a Santford for damn sake! Pangalawang mayaman sa buong mundo! Yumuko ako. Kanina pa kumalabog ng malakas ang dibdib ko, kinakabahan ako para sa anak ko, hindi sa sarili ko. Bata pa si Vandish at wala pa s'ya sa tamang edad para maranasan at makita kung anong klaseng tao ang ama niya. Lagi ko na lang sinasabi sakanya na 'wag niya nang hanapin ang ama niya, hindi naman importante. Umupo si Vandeon sa sofa kaharap ang dalawa niyang kaibigan. Bakit ba sila nandito sa office? "What's the plan now, Vandeon?" tanong ng lalaking naka suit. Kinagat ni Vandeon ang kanyang labi, imbes na sumagot sa kaibigan ginala niya ang paningin niya sa buong paligid kaya naman yumuko muli ako. "Mommy..." bulong ng anak ko. "Shhh, Vandish. 'Wag kang maingay anak," gusto kong umiyak dahil sa anak ko pero pinipigilan ko. Hanggang kailan ko ba gagawin 'to? Hanggang kailan ko itatago ang anak ko? I want to spend more time with him without hiding, 'yung tipong walang matang nagbabantay sa'yo, 'yung tipong walang nagbabanta sa buhay mo. Palayain mo naman ang anak ko, Vandeon. "Someone is here." saad ni Vandeon at unti-unti siyang tumayo. Naging alerto naman ako at halos isiksik ko na ang sarili ko sa pinto para lang mag tago. What the hell! "What do you mean, Pre?" "May na-aamoy akong babae." "Ganu'n din naman ako, Pre, pero baka naiwan lang 'yun dito ang amoy ni Riley since mahilig sa pabango ang mahal ni Kiefer." tila natatawang usal ng kaibigan ni Vandeon. Narinig ko ang pag hinto ng yapak ni Vandeon papalapit sa amin, duon ako nabuyahan ng hininga. Pero akala ko hihinto na s'ya, nagpatuloy parin pala s'ya. Damn it! Don't you dare, Vandeon! Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko. Sobra na ang kaba ko ngayon, hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko, kung saan ako titingin, sa anak ko ba or sa mga yapak ni Vandeon na papalapit. "Pre, tumigil ka na nga baka papagalitan ka pa ni Riley sa pangingialam mo diyan," "Will you please shut the fvck up." iritadong sagot ni Vandeon. Kasabay nito ang pag tayo niya sa pintong pinagtataguan ko, I can sense his presence, nakatayo s'ya pero walang ginawa. Rinig ko pa ang kanyang paghinga. "Mommy..." "Baby, 'wag kang maingay." "Who's there? Come out." mahinahon na tanong ni Vandeon pero hindi ako nagpatinag, pinipigilan kong huminga baka marinig niya ako. Lagi kong tinitingnan ang anak ko, alam kong nahihirapan na rin s'ya sa posisyon namin, but we need this para hindi kami makita ni Vandeon. Damn this! Damn this. "Alam kong may tao diyan, come out now." nagtitimping sabi niya pero hindi parin ako gumalaw. Please stop Vandeon. "I said come ou..." "What's going on here, Vandeon? Sino 'yang kausap mo sa pinto?" rinig kong boses ni Ma'am Ladeo na kararating lang. Minulat ko ang mata ko, may tumulong likido galing sa mata ko. I'm still scared, takot na takot parin ako. Please let us go, we need freedom. "Nothing. I have to go." bumuntong hininga si Vandeon at walang sabi-sabing lumabas ng opisina ni Riley. Rinig ko namang tumawa 'yung dalawa niyang kasamahan. "Anong problema non?" tanong ni Riley. "We don't know too. 'Ge alis na kami Riley, kita-kits na lang," "Sige, mag-iingat kayo ah." "Sure, Ma'am Montefalco." "Loko!" Nang marinig kong papalayo na ang mga yapak nila bigla akong napaluhod, bigla ring lumayo sa akin si Vandish, pawis na pawis rin ang kanyang noo at namumula na ang matambok niyang mga pisnge. I feel sorry for my son. Hindi ko s'ya kayang protektahan, lagi kong sinasabi sa sarili ko na pro-protektahan ko s'ya ngunit kapag malapit si Vandeon tila umuurong ang tapang ko. Anong meron sa mamatay tao na 'yon? Hanggang kailan niya gagawin sa amin 'to? Humagolgol ako sanhi ng pag agaw namin ng pansin kay Ma'am Ladeo. "Baby...Baby... I can't give you a better life, but please stay with me okay? Don't leave me, baby. Mahal na mahal mo naman si Mommy kahit ganito tayo 'di ba?" Hinawakan ko sa kamay ang anak ko. "I'm so sorry, baby, takot lang ako na patayin ka ng mga big guys, takot na takot si Mommy at hindi man lang kita ma-protektahan." Niyakap ko ang anak ko. Damn this life! Bakit si Vandeon pa ang ama mo, I loathed him. "Jusko! Almika! What are you doing there?" gulat na tanong ni Riley at hinila niya ako patayo. Inayos niya ang mukha ko pero umiiyak parin ako. Anong klaseng ina ako? "Baby, what happened? Bakit umiiyak Mommy mo?" Ngumuso ang anak ko sanhi ng pagpikit ng mata ni Riley, matagal niyang tinitigan ang anak ko. Alam kong alam mo na kung saan nanggaling ang anak ko, Riley. Isa siyang Santford. "Tell me about him? But first anong ginagawa niyo diyan sa likod ng pintuan?" "Ma'am Ladeo, I'm sorry." "Don't tell me...wait isang tingin pa lang sa batang 'to Almika may nakikita akong kamukha niya. Isa sa mga kaibigan ni Kiefer, 'yung supladong si Vandeon. Do you know him?" Panandalian akong natahimik. "Tell me the truth." "Ma'am, mali po ang iniisip niyo." "Siguro nga mali lang, Miss Monteverdi." Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong nakayuko. I heard her sigh 'saka niya pinunasan ang luha ko. Nilingon niya ang anak ko na ngayong inosenteng nakatingin lang sa amin. "Kaedad mo ang anak kong si Peyton, baby. Maybe I can bring him here sometimes para makapag-laro kayo, do you like that?" "Really po? Yes po! Yehey! Thank you po!" This is what I want. Gusto kong mapasaya ang anak ko, 'yung walang problema sana pero, paano? "I like your son's eyes, namana niya sa'yo." she smiled at me, hindi ko inaasahan na ganito ka bait ang boss ko. I'm so thankful kahit papano mababawasan na... *CLICK* Sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla na lamang itong tumunog. "Vandeon?" Nanlaki bigla ang mata ko. Dala ng kaba ay kinuha ko ang anak ko at tinago s'ya sa likuran ko. Walang emosyong pumasok si Vandeon, sa aming dalawa ni Vandish ang tingin niya ngayon. What the hell! s**t! "It makes sense now," bulong ni Riley pero hindi s'ya lumayo sa amin. Halos hindi ako makahinga habang kaharap s'ya, gagawin niya ba sa amin ang plano niya? "Bakit bumalik ka, Vandeon?" "I forgot..." Tumingin s'ya sa anak ko bago sa akin. "...To bring them." No! No! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD