Third Person's POV
"I forgot
...To bring them." malamig at walang emosyong sabi ni Vandeon sa harapan nina Riley at Almika.
Nanlaki ang mata ni Almika, nagsimula na ring manginig ang kanyang mga binti, tila kakapusin din s'ya ng hininga. Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na lalaban s'ya, magkamatayan man silang dalawa ni Vandeon ipaglalaban niya ang anak niya.
Bata pa lang s'ya'y tinuruan na s'ya ng magulang niya kung paano makipaglaban, sa tingin niya ito na ang pagkakataon para gamitin niya ang natutunan niya. Nagda-dalawang isip s'ya, nag-aalala s'ya sa anak niya na baka matakot ito sakanya. Maaring makapatay s'ya ng tao at ayaw niyang saksihan iyon ni Vandish. Ika nga bata pa ito at wala pa sa tamang edad.
Pinunasan ni Almika ang kanyang luha, mahigpit niyang hinawakan sa kamay ang anak. Magwawala talaga s'ya kapag mawalay sakanya ang bata. Mahal niya si Vandish lalo na't ang anak niya na lang ang karamay niya sa buhay, bahala na kung maghirap s'ya basta kasama niya ang anak.
"You know each other?" Kunot noong tanong ni Riley kay Vandeon na ngayong madilim na ang mukha. Hindi talaga magka-lapit si Riley at Vandeon dahil umpisa pa lang natatakot na si Riley na kausapin ito, lagi itong may sariling mundo. Sa magka-kaibigan, si Vandeon lamang ang taong ayaw niyang diktahan, seryoso ito, sa sobrang seryoso na tila papatayin kana sa mga tingin niya.
Masama naman si Kiefer pero hindi ganito ka sama kay Vandeon, pero balang araw magbabago din si Vandeon, magiging mabait rin ito kagaya ni Kiefer. Pagsubok lamang 'to.
"Yeah. Tumabi ka Riley, kukunin ko sila,"
Tumikhim si Riley, hindi niya kayang tumingin ng deretso sa mga mata nito. Kaya't imbes na sumagot pa, hinayaan niya na lamang si Vandeon na lapitan sina Almika.
Gusto nang humagolgol ni Amilka na pakawalan na sila ni Vandeon at tigilan na, kung ano man ang kasalanan ng pamilya niya kay Vandeon matagal na niyang binayaran 'yun, pinatay niya na ang magulang nito, ano pa ba ang kailangan niya? Hindi pa ba tapos ang binata sa plano niya?
"Wag kang lalapit sa'kin! Ma'am Ladeo! Hindi ko kilala ang taong 'yan! Please help us! Tulungan mo kaming makalabas dito. Gusto niya kaming patayin ng anak ko."pagma-makaawa ni Almika kay Riley. Pero tila hindi naniniwala si Riley, kilala naman s'ya ni Vandeon bakit sila papatayin? Si Vandeon na mismo ang nag sabi na magkakilala sila, at sigurado siyang anak ni Vandeon ang bata dahil kamukha niya ito. Baka may LQ lang ang dalawa, 'yan ang nasa isip ni Riley pero gaya rin ni Almika kinakabahan rin s'ya.
Lumingon siya kay Almika na ngayong umiiyak na habang hawak ang bata. Naawa s'ya sa babae pero hindi niya ugaling sumali sa problema ng iba, baka may pinag-aawayan lang sila. May tiwala s'ya kay Vandeon. Lumapit s'ya kay Almika, hinagod niya ang likod nito.
"Parang awa mo na tulungan mo kaming makalabas dito, sige na. Hindi ko kilala ang taong 'yan maniwala ka naman sa akin." Pagsusumamo ni Almika sa bisig ni Riley.
"Hindi mamatay tao si Vandeon, Almika, kilala ko s'ya at isa s'ya sa mga kaibigan ng taong mahal ko at ama ng anak ko,"
"Mabait ba ang asawa mo? Hindi ba s'ya pumapatay ng tao?" tanong nito kay Riley. Kumalas naman sa yakap si Riley. Natamaan s'ya sa tanong nito. Nuong nag-aaway sila ni Kiefer pumapatay na ito ng mga tao at hindi ordinaryong tao. Hindi niya maitatangging natamaan s'ya.
Umatras si Riley. "Hindi ko problema 'to, may dapat pa akong tapusin, Ms. Monteverdi, ikaw na ang bahala sa secretary ko Vandeon." hindi makagalaw si Almika sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan niya lamang ang palabas na bulto ng kanyang boss. Hindi man lang s'ya nito tinulungan. Mas naniniwala pa ito kay Vandeon.
"Pwede ba? Tigilan mo na kami! Ano bang problema mo! Pinatay mo na nga magulang ko pati ba naman kami idadamay mo? Anong klaseng tao ka!" galit na sigaw niya mismo sa harapan ni Vandeon.
"Hanggang ngayon hinahanap mo parin ako? Ganiyan ka na ba kakati? Gusto mo talaga akong patayin! Kailan ka pa mananahimik! Hayaan mo naman kami oh! Gusto naming mamuhay ng payapa!"
Mabilis na nilagay ni Almika ang bata sa kanyang bisig, hindi nya pinakita ang mukha nito. Pansin niya din ang pamumula ng mga pisnge ni Vandish.
"Baby? Close your eyes please... cover your ears too,"utos niya sa bata na agad naman nitong sinunod. Nanatili lamang nakamasid si Vandeon sa kanilang dalawa.
Hindi alam ni Almika kung anong iniisip nito pero kung ano man 'yun? Kailangan niyang paghandaan.
"'Wag mo namang gawin 'to sa harap ng anak ko. He's only 5 years old for damn sake! Ayokong ma-trauma ang anak ko sa ganitong edad. Maawa ka nama..."
"Mercy? Do you think I can give you that after what you did to me? Do you think I can forgive them? Especially you?!" mariing sigaw ni Vandeon at humakbang papalapit kay Almika. Panay naman atras niya. Kita niya sa mga mata ni Vandeon ang galit.
"No. I have no mercy when it comes to killing. They deserves to die, once they mess up with me? I won't think twice, Almika, I'll shoot them."
"Ano ba ang ginawa ng magulang ko at pati kami idadamay mo!"
Ngumisi ng mala-demonyo si Vandeon. Hindi nagustuhan iyon ni Almika.
"They both took my parents away from me. Pinatay ng walang hiya mong ama ang magulang ko. We're even." Umawang ang bibig ni Almika, natulala s'ya bigla.
"I'm not yet done with you two. Since you're related to your parents? I'll kill you too."
May luhang tumulo na naman galing sa mata ni Almika. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ng bata. In the first place pamilya niya ang may kasalanan kaya naghihiganti si Vandeon. Ganito na ba talaga s'ya kababa?
"'Wag mong idamay ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo." bulong niya pero sapat na para marinig ni Vandeon.
Tumawa si Vandeon, nilabas niya ang baril sa kanyang likuran at kinasa ang gatilyo nito, tinutok niya sa ulo ng bata ang nguso ng baril sanhi ng panlalaki muli ng mata ni Almika.
"STOP! DONT YOU DARE PULL THE TRIGGER, VANDEON!"
"Why? Is there something you want to say before shooting your son in front of you?"
Nag tagis ang kanyang mga ngipin.
Tila gumuho ang mundo ni Almika. Bumuntong hininga s'ya at hinalikan ang noo ni Vandish, hindi niya namalayan na nakatulog na pala ang anak niya sa bisig niya.
You'll regret this day Santford, how dare you point your gun to my son's head! You don't know him at wala akong planong sabihin sa'yo ang totoo.
"Hindi ka ba mag-mamakaawa ulit? Gusto mong mamatay ang anak mo? Hmm... sino ba unahin ko? Ikaw or ang batang 'to?"
She cleared her throat. Sinuklay niya 'yung buhok muna ni Vandish bago tinitigan ang baril na nakatutok sa ulo ng anak niya.
"Choose yourself." bulong niya at sinipa niya ang kamay ni Vandeon para mailayo 'yung baril, ngunit mautak din si Vandeon, bago pa man umatake muli si Almika hinila niya ang damit nito at kinuha ang bata sa bisig niya.
Nag mulat naman ng mata si Vandish at inosente itong nakatingin kay Almika pero alam ni Almika na kinakabahan narin ang anak niya.
"'WAG! TANGINA MO IBALIK MO ANG ANAK KO SA AKIN!"
"Last words for your son?"
Cont...
****