Chapter 1 - Raven Eyes

2254 Words
To my beloved man, I still remember the time I laid my eyes on you, God! That was the best thing I ever did. I gazed at you like a magnum opus. You were perfectly made by an expert. "Pass it to me, Sita Faster!" Nabuburyo na ako sa sigaw ni Ehran, kaya dinribble ko na ang bola at ipinasa ito gamit ang back foot pass sa kanya. Noong ito na ang nagdid-dribble ng bola, tumigil na muna ako sa paghabol sa mga kalaban namin, marami naman akong kakamping dumedepensa. Hindi ko lang kasi talaga kayang kalaro ang mga lalaking ito, eh. Haler? Babae pa rin ako at hindi kasing tibay ang endurance ng babae kompara sa mga lalaki. Ilang segundo'y itinuloy ko ang pagdepensa sa likod ni Ehran. "Aray!" reklamo ko. May bumunggo sa kaliwang balikat ko at malakas ang impact noon dahil tumatakbo si Sedin. "Sorry Sita." Niyakap ako ni Sedin nang hindi ako tuluyang matumba mula sa malakas niyang pagkakabangga sa akin. "Pahinga ka muna," sabi nito saka ginulo ang aking buhok. "Ang sakit mong manakit ah?" iningusan ko siya. "May masarap bang masakit?" Tumatawa itong binalikan ako para yakapin ulit. "Sa gitna kayo ng laro huwag kayong gumawa ng commercial rito!" sigaw ni Cedence sa amin, ang kambal ni si Sedin. Nagtaas na lang ako ng kamay at nag-cross arms kay Cedence na siya namang Line man sa laro namin. Suhestiyon niyang maging line man, ayaw niya kasing pagpawisan ngayong araw. Tamad kasi ito minsan makipaglaro, kaya taga-tingin na lang ito ng linya kung lumabas ba ang bola o hindi. Hingal at pawisan akong lumabas sa field habang pinalitan naman ako ni Lindon, nahahapo ako habang umupo sa sidelines na upuang bakal habang umiinom ng tubig. Pinapanood ko ang mga kalarong nagsisigawan. Nakikita kong patakbo-takbo si Teyson na siya namang referee sa laro ngayon. Referee ang pinakamahirap na gawain dahil bukod sa kailangan mabilis ang mata para makita ang mga penalties ay kailangan maging fair at minsan magrereklamo pa ang mga players, tapos makikipagtalo pa. Simpleng laro lamang ito, pampalipas oras ng iba, training para sa iba kapag busy ang coach, sa kaso ko ay libangan ko lang ito. Kahit ganoon ang sistema ay nais namin na nakasunod kami sa regulasyon ng laro. Kaya't hindi sasapat kung walang linemen dahil napakalawak ng field. Si Teyson ang palaging nagdedesisyon na maging referee at senior nila ito nila Ehran. Malaki ang pangangatawan ni Teyson, malaking bulas sa eda na dise-siete, maangas tingnan para bang palaging galit at pag tumitingin sayo ay para kang ininsulto. And obviously, I'm the only girl playing with these indefatigable twerps. Nang naka-goal si Ehran bigla akong napatayo at napasigaw pa na may kasamang talon, ninety minutes ang official time ng isang soccer game. Ang kaso extended ito dahil may nag-iinarte na nai-injured 'daw', may nangyayaring wasting of time, kaya sa haba-haba ng paglalaro namin ay nakapag-goal ang team namin ni Ehran, limang minuto bago matapos ang ibinigay na silver time sa amin ni Teyson. Wala gustong magpatalo, kahit maextend pa nang maextend ang oras, kaya nang nakalusot si Ehran napatalon ako. Lahat kami sineseryoso ang laro. Kahit nga ako ay may gasgas na ang tuhod at siko. Kulang ng manlalaro ang isang team dahil sa pag-iinarte ni Cedence, kaya ako ang pumalit sa puwesto niya. Sanay na akong masaktan at banggain ng mga ito, hindi naman sinasadya noong iba, kung tutuusin ay may 'special treatment' pa nga sakin ang mga lalaki dahil magaan silang makipaglaro kapag na sa akin ang bola o kaya’y dumidepensa sila. Nagkagulo na ang mga kasamahan at sinuntok-suntok pa ako sa balikat ni Ehran, mahina lang ang kaso ay masakit kaya binunggo-bunggo ko rin siya. "Nakalusot ka lang ngayon!" sikmat ni Meep, ang goalkeeper ng kalaban namin, magaling ito ngunit nakalusot si Ehran kaya binelatan siya nito. Nagkabasaan na ng mga dala nilang tubig ang iba at nagbabatuhan ng mga mineral bottles. Ang iba'y naghubad na ng mga damit at pinaghahampas sa kung sino mang mahampas ng pawisan nilang damit. Pagkatapos ng laro ay tropa na ulit kami. "Ang baho Ehran! Ilayo mo sa'kin 'yang amoy kulob mong damit!" reklamo ko, sa totoo lang ay amoy perfume iyon, ang kaso basa kaya nandidirin ako. Iniikot-ikot niya kasi ang kanyang damit na parang cowboy tapos tumatama sa mukha ko. "Mabaho pala hah? Oh sige amoyin mo pa!" Lalo pa nitong nginudngud ang pawisang damit sa akin. Hindi naman mabaho ang kaso nga ay mukhang kapag piniga may tutulong pawis. "Maghubad ka na Sita, wala namang makikita sayo bukod sa balat!" kantiyaw sa'kin ni Cedence na tumatawa pa. Inirapan ko siya. “Wala kang karapatan makita ang maganda kong katawan?’’ sagot ko at binelatan siya. Naghiyawan ang mga lalaki at mas lalong nag-asaran. Hindi naman ako nagdalawang-isip at hinubad ang aking damit at nginudngod din sa mukha ni Ehran, may sando naman ako sa loob. "Tama na Sita, ang panghi ng damit mo," pang-aasar ni Ehran na nakahandusay na sa field. "Sita, alam ko na ang masakit pero masarap." Tumatawang sabi ni Sedin habang hinihila ang braso upang patayuin ko sa pagpatong kay Ehran. "Manahimik ka Sedin, alam kong walang kwenta ang sasabihin mo," sabi kong sinabayan ng irap. "Pag nadevirginize ka— Aray! Dude!" Ipinahilamos ni Javen ang palad nito sa mukha ni Sedin upang hindi matuloy ang sasabihin nitong puro kabulastugan lang. Napadako ang tingin ko sa gawi ng bleachers kung saan nakikita ko na naman ang isang babaeng nakadungaw sa amin tamang sabihin na— sa iisang tao lang ito nakatingin. Nakatitig lang ito kay Sedin, matagal ko nang napapansin ang babaeng nakaupo sa taas na parte ng bleachers. Nginitian ko siya nang mapansin nitong nakatitig ako sa babae, dinagdagan pa ng pagkaway ng aking kamay pero yumuko ito. Conservative ito sa suot na top na may mahabang manggas at mahabang skirt hanggang bukong-bukong, may suot itong hijab. Alam ko na ang relihiyon niya, sa suot pa lang nito. "Sedin, kilala mo ba 'yong babaeng 'yon?" tanong ko at nginuso ko ang babaeng hindi na magkadaugaga sa pagligpit ng mga gamit. "Saan?" tanong nito. "Ayun oh!" Ilang turo pa ang ginawa ko upang makita ni Sedin ang babaeng yukong-yuko. "Ah—si Aifa? Schoolmate ko 'yan at classmate ko noong elementary bakit? — Crush mo no?" pang-aasar nito. "Kadiri ka! Hindi ako tibo no!" Itinulak ko ang balikat nito. "Guys, Jalandon texted me." Putol ni Teyson sa nagkakagulong mga lalaki. Napataas ang kilay ko kung sino sa mga Jalandon ang tinutukoy niya, malamang hindi niya naman siguro itutukoy ang sarili niya bilang Jalandon. "Know where to go!" sigaw ni Chaz ang mahilig sa clubbing at pambababae, magsisipuntahan na naman ang mga ito sa bar para lulunurin ang mga sarili sa mga babae na akala mo hindi menor de edad. Nasa dise-otso na ang iba sa kanila ang iba'y nasa dise sais at dise siete, pero pag may pera exempted minsan sa batas. "Sita, you need to go home," sabi ni Teyson at inakbayan ako, nagmukha na naman akong kuto sa tabi nito. Halatang-halata sa features nito ang pagiging banyaga. "Because you're not allowed in the bar." Nagbelat sa akin si Nef matapos iyon sabihin, as if naman din na sasama ako sa kanila. Wala akong balak sumama sa mga exploits nilang kabulastugan, tanging soccer lang ako makiki-join sa kanila. "Sita, I called Sanji to pick you up," turan naman ni Ehran na ang tinutukoy ay ang aking kapatid na dito nag-aaral. "Papasundo? Kaya kong umuwi no!" Inirapan ko siya at nagsimula na akong magligpit ng aking mga gamit. Nasa field ako ng San Roque High School isang annex school ng University of St. La Salle dito sa Bacolod. Madalas sa mga araw ay isa sa kanila ang maghahatid sa akin sa bahay ang kaso ay tinangghihan ko dahil may pupuntahan ako ngayon. Isa itong pribadong eskwelahan, malaya lang akong nakakapasok dahil naitatakas ako ng mga lalaking ito. Si Ehran lang ang kakilala ko noon hanggang sa ipakilala niya ako sa kasamahan nito sa soccer, ang iba ay kaibigan niya lang na mahilig maglaro. Sa isang pampublikong paaralan ako nag-aaral, mas malapit kasi iyon sa bahay namin, sinisipag lang naman akong pumunta rito kapag nakikipaglaro ng soccer, si Sanji ang nag-aaral rito dahil iskolar ito. Medyo bobo at tamad kasi ako. Si Ehran ay anak ni ninang Hera na Best-friend naman ng Mama ko. I can say I'm one of the boys. Paanong hindi? Apat kaming magkakapatid at ko lang ang nag-iisang babae. Mahilig manood ng sports ang papa ko, palagi kong nakakalaro sa basketball ang mga kapatid ko. Nang minsan akong napanood ng football match ay nagka-interes ako, hanggang sa nagustuhan ko iyong laruin. Nakakahangang panoorin ang mga manlalaro ng Football. Hanggang sa mainlove na ako kay Messi, kay Cristiano Ronaldo, dumagdag sina Antoine Griezmann, Ruiz, and everything— hay! Bias team ko ang Barcelona FC. Matapos kaming magpaalam sa isa't-isa ay naglalakad na ako sa gilid ng covered bleachers para maghilamos at hugasan ang mga gasgas ko, hindi ako pumayag na magpahatid sa kanila. Kaya kong umuwi, exercise din ito para mas lumakas ako. Habang nagpupunas ako ng pawis gamit ang kwelyo ng shing guard na suot ko'y may napansin ang aking peripheral vision. Isang lalaking naka-shades at nakahiga sa pinakagilid ng field kung saan may mga puno at nakaunan ito sa dalawang braso niya. Ang football pitch at napapalibutan ng oval running tracks, sa 'di kalayuang gilid nito ay mga puno. Tulad ng kadalasang escuelahang pribado rito ay isang extra-curricular activity friendly ang San Roque. Habang napatingin ako sa lalaking iyon ay— sinapian ata ako at nilapitan ko siya. Curious lang naman ako kung natutulog ba ito o nagsasun-bathing. 'Mukhang natutulog at nagpapa-tan,' komento ko nang makalapit na ako. Kahit naka-slacks at nakapolo uniform ito, makikitang maputla ang kulay ng balat niya. 'Nasobrahan sa puti, kaya siguro nagpapaitim.' Nakahalukipkip ako habang nakayuko rito, inieksamina. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan nito. He’s got a pointed nose, thin— yet perfectly heart-shaped lips, may cleft chin, nakakadrool iyong umbok ng Adam's apple, Seryoso? Theresita pati Adam's apple napansin mo pa? Lean muscles, pero— hindi bulky, saktong-sakto kung sakaling dise-otso na ito, maganda tignan ang postura sa nakahandusay na isang binti at nakatupi ang kanang tuhod. Sa gandang lalaki nito parang matinee idol ang dating. Artistahin talaga ang mga rich kids! 'OMG! in love na ako, Patawarin mo ako aking Messi pero nakahanap na ako ng forever ko, mas totoo to!' Kung nakaka-akit ito sa ilong hanggang labi, paano pa kaya kung magtatanggal siya ng shades, e di laglag na panga at gilagid ko? Napakagat na lang ako sa qking ibabang-labi at lumunok ng sunod-sunod. Sinapian na naman akong isang dosenang— dimunyu at umupo pa ko sa gilid nito at nag-indian sit. Parang tangang nakangiti habang nakatitig rito. 'Juice ko, Lord—guwapo mga kalaro ko pero mas gusto ko ang isang 'to.' At dahil isa akong dakilang pakialamerang dimunyu, kaya inangat ko nang dahan-dahan ang aking kamay palapit sa matangos nitong ilong. Ngunit bago ko pa nahawakan ang tungki ng ilong ng gwapong lalaki ay biglang kumislot ang ilong nito, suminghot-singhot na para bang may naaamoy. Napalaki ang mata ko, tatayo na sana pero naunahan pa ako ng lalaking bumangon at dahil sa gulat at napaatras ako, napangiwi pa nang naitukod ang aking sikong may gasgas. Kalebel ko na ito ngayon. Napatda ako sa aking kinalalagyan. Huli ka balbon! "A-A-ACHOOOOOO!" Mabilis kong naiharang ang aking kabilang braso sa aking mukha, dahil sa kabastusan ng lalaki— sa harap ko pa ito bumahing. Nakangiwing inalis ko ang aking braso at marahang tinignan itong nagtanggal na ng shades. A deep set of expressive eyes like Raven—like a hunter while I am the willing wildling, offering herself as the prey— ready to be devoured. Hala napa-English ako, proud na mama ko nito! Sa mahahabang pilik-mata pati ang under lashes nito'y mahahaba— Jusko! An angel from the sky— isa akong makasalanang nilalang, patawan mo akong ng parusa, ngayon din! Ang pogi! "Yu de puta— naligo naman ako ah?" komento ko, habang nakangiwing sinilip ang braso ko at baka may tumalsik na kung anong kasalanan doon. Hindi ako napigilan ng magandang view nang nararamdaman ko ang basa sa aking braso— ew! "De puta, kung may sipon ka pala de sana uminom ka ng gamot!" sikmat ko. Pero 'ang lalaki ay nakakunot-noo lang na nagtatakang nakatingin sakin, mukhang hindi pa nakapag recover mula sa panaginip nito. "Nakakadiri!" sigaw ko't nakangiwi nang tinignan ang braso kong binahingan niya, pinahid ko na lang sa aking damit, tutal naman ay madungis na ako. Napatayo ako bigla nang maisip kong madungis ako kaya siguro bumahing ang lalaki. Napasabunot ako sa aking buhok sa pagkapahiya at mabilis na inamoy ang aking sarili, parang ayos naman, madungis lang talaga pero andoon pa rin naman ang amoy ng cologne na nilagay ko bago umalis ng bahay. "What are you doing?" tanong nitong nagsimula nang tumayo at nagpagpag sa likuran nito. Napasilip ako sa hinihigaang makulay na tela nito, napansin ko ang maliit na araw, kaya nanlaki ang aking mata. "Whoa!" sigaw ko at wala sa sariling napaturo sa hinihigaan nito. Siguradong bilog na bilog ang aking mga mata ngayon. "Gago ka ba? ba't hinigaan mo 'to?" pakita ko sa kanyang telang hinigaan. "Not enough, though, for you to curse me," sabi nito at humalukipkip. Nabigla ako nang magsalita ito nakalimutan kong nasa pampribadong eskwelahan ako kaya speaking dolyares ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD