Chapter 2 - Mine

1729 Words
To my beloved man, I know one thing I am sure of, and that's that I like football. But you know what? You are more likable even with your flaws; you are perfect— you are perfect, let's end that there. Ang pinakamamahal kong Flag ng Argentina na pinaghirapan kong ipatahi, kahit hindi ako nagtahi pero gumastos ako! Para lang mailagay sa maliit na stick rod sa harap ng railings ng covered bleachers rito. Halos lahat kasi ng watawat ng ibang bansa ay nakatayo roon kaso nga lang nawawala ang bansa ng Argentina kaya inisip kong lagyan, ang kaso ay naiwan ko ito sa sidelines noong isang araw at 'di ko na mahanap, hinigaan niya lang pala. “Alam mo bang isang kasalanan ang ginawa mo? Binaboy mo ang Flag ng Argentina, de puta! Makukulong ka niyan!” Dinuro ko ang gwapong lalaki. Ang bago kong crush na medyo kriminal! Isang krimen ang ginawa niya pero papatawarin ko pa rin naman siya. "Stop cursing me! You're pesky," sabi nito at winaksi nito ang hintuturo ko na kahit mahina ay nainis akong bigla. "You disturbed my nap, and you still had the guts to talk to me like that?" sabi nito sa mahinahon pa ring pamamaraan. Uy Spokening Millions! Hindi ito sumisigaw, pero alam kong galit ito, kahit nakakunot ang noo nitya at halos mag-abot ang mga kilay nito, masasabi kong soft speaker ang binata, na para bang hindi sanay sa argumento pero may diin iyo at kayang makipag-debate kong sakali. "Oo! K-kaya kita ginising sa sinasabi mong idlip na mukhang natutulog na ang tawag doon, ay para kunin sayo 'to, gago 'to! Ito lang talaga ang dahilan ko! 'Di mo man lang ba naisip na kung 'yong flag kaya natin ang babuyin ng mga foreigner anong mararamdaman mo?" Wait! Parang ang dami kong nasabi? Minata ako ng lalaki na para bang sinasabi nitong – 'Ang dami mong sinasabi, wala akong pakialam.' "Blah! Blah! Gabby." Umirap ito at yumukod para kunin ang mga gamit nito at iniwan akong naguguluhan. "Hoy! Hindi Gabby ang pangalan ko ah? Lokong 'to, ginawa pa kong lalaki! Theresita Ligara pangalan ko!" pahabol kong sigaw— ops! Pasimpleng pakilala baka maalala! Hinarap niya akong nakahalukipkip habang nakataas ang kilay, napalaki ang mata ko parang mannerism nitong magtaas ng kilay. "It's an adjective," pormal na sabi nito. "Wala akong panahon para mag-aral ng Parts of speech, ikaw ang dapat sermunan dahil hinigaan mo—"Figure of Speech ata 'yon o same lang sila?" Sumenyas lang ito na i-zipper ang bibig ko. "I thought it's a rag, it doesn't look like a flag," sabi nito, nainsulto ako. Tinitigan niya lang ito nang masama pero habang tumatagal ang titig na 'yon ay naglalaho ang mga salitang sasabihin ko. "Shoo," sabi nito. Talagang pinapaalis ako na para bang aso habang iniwagayway ang likod ng kamay at itinataas ang kilay nito. Mabilis ko siyang tinalikuran, magkahalo ang nararamdaman ko, kabado ako, kinikilig at nababangag. Sa sumunod na mga araw ay dalawa na ang dahilan ko para pumunta ng San Roque High School, ang makapaglaro ng soccer at ang makita si Kuyang maputing gwapo. Aba kahit mataray 'yon, crush ko pa rin siya! Bawat araw ay nakikita ko siya, minsan nakasilong sa pinakamalaking puno sa dulo ng field o kaya naman sa bleachers o kaya naman ay sa mini park ng school grounds, minsa nakaupo sa bilugang sementong upuan sa mga puno. Alas dos pa lang kaya’t wala pa ang aking mga kalaro. At ngayon ngang nakita ko siyang nagbabasa ng libro sa ilalim ng malaking puno ay sinapian ako ng treseng dimunyu nang nakaisip ng magandang ideya. Masamang ideya pero para sa aking naisip na posibleng mangyari, maganda ideya nga ang naisip ko. Diniribble ko ang bola at tumatakbo palapit sa puno dahil hindi na sakop ng soccer field ang pinipwestuhan nito, pero dahil nga papansin ako kaya patuloy akong tumakbo papuntang gilid. Tinatantiya kong aabot ang bola kung sisipain ko ito palapit sa katabing punong sinasandalan ng gwapong lalaki, mas lumapit pa ko sa lokasyon nito. Tatamaan ang malaking kawatan ng punong sinasandalan nito at mapapansin nitong may gumulong na bola sa tabi niya, tapos mapapalingon ito, pagkatapos ay lalapit ako sa bola at kukunin ko yon, syempre manghihingi ako dispensa, pwede sasabihin niya na ‘okay lang’, hindi ako pansinin, o kaya ay susungitan ako. Saan man sa mga resultang mangyayari, beneficial sa akin dahil makakalapit ako sa kanya. At magkaroon ako ng dahilan na malapitan siyang muli tapos dadaldalin ko na lang siya, malay ko baka turuan niya ako ng mga alam niyang figure of speech tapos, magtatanong-tanong ako ng kung ano-ano, tapos doon na magsisimula ang love story namin. Siguro magandang theme song naming dalawa ay iyong kay Taylor Swift na ‘Mine’, because he’s the best that’s ever been mine. Wala pa mang nangyayari kinikilig na 'ko! Nang malapit na ay pinakiramdaman ko ang paligid, iniisip kong goalpost ang puno habang 'ang crush ko ang Goal keeper na dapat hindi nito mahawakan ang bola. Umatras ako upang bumwelo at sinipa nang ubod na lakas ang bola. Ramdam kong tatama ito malapit sa puno, tumama nga ito— tatama ito ngunit sa mismong—gwapong lalaki. Siguro sa sobrang lakas ng sipa ko ay malakas din ang impact ng tama nito sa kanya. Parang biglang nawalan ng kulay ang mukha ko at mabilis ko itong nilapitan, natatarantang hinila ko ang kamay niya para itayo. "S-s-sorry," kabadong sabi ko, nang napaupo na ito mula sa pagkakatumba ay napasabunot ako sa aking buhok. Hindi ko man marinig pero parang may mga inusal ito, mahina man ang ungol nito pero may kasamang galit iyon. Papansin ka kasi Thress. Nakayuko itong pinupunusan ang ilong nito na siyang lalong nagpaputla sa akin, dumudugo ang ilong niya. "Naku... kuya pasensiya na talaga hindi ko sinasadya!" Gago, sinadya mo! Sinubukan ko siyang hawakan sa balikat para tulungan ito pero hinawi nito ang kamay ko nang mahina. "Don't go near me," mahinang sabi nito at agad na tumayo matapos pulutin ang librong nabitawan niya nang matamaan ng bola at ang bag nito. "Leave me alone." "K-kuy— sir, dadalhin kita sa clinic!" Habol ko, hindi magkandaugaga sa sasabihin, nilingon ako ng lalaki at tinignan nang ubod na talim, bigla akong napaatras. "Sorry... hindi ko sinasadya." Gaga sinadya mo! Ambisyosa ka kasi! Napadaop ko ang aking mga palad na parang nanalangin na mapatawad siya nito. "You ruined my day," sabi nito at may dinurang dugo matapos pahiran nang marahan ang dugo sa sa ilong nito. Iyon ang araw na sobrang panghinayangan ko, sinisisi ko ang aking sarili sa paggawa ng bagay na hindi pinag-iisipan nang maayos. Tanging magagang resulta lang ang iniisip ko at hindi ang posibleng masamang mangyayari. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ko na ito muling nakita sa mga sumunod na araw. Gumagala na ako sa garden, sa covered bleachers at kahit sa campus hallway, hindi ko na siya nakita pa. Sige magpapansin ka pa! I regretted the stupidity. I only thought that the result I'm contemplating in my head would be a movie-like scenario. Nakakatawa! Hanggang sa nakapagtapos na lang ako ng High School ay hindi ko na siya ulit nakita. Kinaya nga ng utak kong makapasa sa University of Santo Tomas-Recoletos, ang training pa kaya? Sa summer, nag-training ako sa Futsal, kapag nagustuhan ang performance magiging opisyal na akong atleta at maaaring mailagay ako sa final line-up list, makakakuha na ako ng half-tuition scholarship, kapag lumaban na ako ay magiging seventy-five percent hanggang sa ma full-scholarship na ako pag inayos ko pang lalo. Kaya namang mabayaran ng magulang ko ang tuition fee sa kahit na anong nais kong paaralan. Isang Lieutenant Colonel ang aking ama at may maliit na negosyo ang aking ina, isa itong event planner at maayos ang trabaho ng tatlo kong kapatid, gusto ko lang talagang maging atleta at maging proud din ang aking mga magulang sa akin. Dahil ang totoo ay hindi naman talaga ako magaling pagdating sa acads kaya dapat bawiin ko sa ibang bagay kung saan ako marunong. At kung kaya ko namang mabawasan ang perang mailalabas at maigagastos ng aking magulang ay gagawin ko. May benepisyo akong makukuha sa aking ginagawa, ang maging atleta ng football. I can play football but I'm not that great. I had to work so I could gain skills in my passion. – Oh! Englishera! At ang aim ko sa buong summer ay ang gumaling sa laro at makasurvive sa summer training, kahit indoor game ang futsal ay nangitim ako dahil sa field minsan ginagawa ang mga drillings. Magkaiba ang court dimension ng isang outdoor at indoor soccer, may naibang rules pero hindi naman nakakapanibago. Enrollment na at habang nasa registrar ako ay nakita kong nag-iinquire ang gwapong lalaki sa registrar. Natulala ako. 'Ang crush ko!' At hindi lang ako ang natulala medyo marami-rami kaming natulala sa kanya. 'GRABE!' Iyon ang tanging nausal ko habang kinakain ako ng aking kaba, pananabik at saya, naghahalo sa isang emosyon lahat ng iyon. Thress, 'wag ka na gagawa ng katangahan ah? 'Wag ka na magpapansin kahit sapian ka pa ng daan-daang dimunyu. Destiny ata kami! Harot! Matapos ang araw na iyon ay naghanap ako ng impormasyon tungkol sa kanya, medyo mahirap mang-stalk pero dahil devoted akong tao pati paghihintay sa labas ng university ginawa ko ng dalawang linggo. Isang araw nakita ko itong papasok sa campus at dahil nga bago pumasok sa campus ay kailangang i-swipe iyong i.d sa entrance at lalabas ang identification ng isang estudyante sa monitor na binabantayan naman noong guard, nalaman ko ang kursong kinukuha nito. Sinundan ko siya sa building na pinasukan nito. College of Tourism. Mataman kong tinitigan ang nakapaskil sa nakaarkong daanan ng building na pinasukan nito habang paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung kaya ko bang isuko ang kurso kong BS Biology para lang sundan ito. Sabi ko nga sa sarili ko, medyo hindi ako matalino, tamad pa, walang gaanong konkretong plano sa buhay— pero nang makita ko siya bigla akong nagkaroon ng misyon. Bahala na, tutal naman nag-eenie meenie miney moe lang din naman ako sa kursong 'yon. Ang naisip ko lang nang kunin ko ang kursong iyon ay dahil pwede akong pumasok bilang biomedical equipment technician o kaya’y las scientist sa military pero, bahala na. Eeniee meenie miney moe, baby, baby now I choose you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD