12 Pagsapit ng gabi ay napagdesisyunan ng ibang staff pati na rin ni Darius na magkaroon ng kaunting salo-salo at kasiyahan dahil uuwi na rin naman daw kami kinabukasan. Kahit na pagod ako ay wala akong nagawa kung hindi sumama. Gusto ko rin namang uminom ng alak kahit papaano. Nang makarating kami ni Kia sa dalampasigan kung saan naroroon ang ilang staffs ay naabutan namin silang nag-iihaw ng pagkain at ang iba ay umiinom na ng alak. "Nandito na pala sina Ma'am Monika!" rinig kong sigaw ng isa. "Good evening," bati ko nang makalapit kami. "Kia, umiinom ba si Ma'am?" tanong ng isang staff kay Kia. Malakas namang tumawa si Kia at sunod-sunod na tumango. "Hindi nalalasing 'to," sagot niya at itinuro ako. Napailing na lamang ako at tumingin sa gawi nina Darius. Katulad kanina ay naab

