11 "Are you mad at me?" seryosong tanong niya. Tumingin muna ako sa kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko bago ko inilibot ang paningin ko sa mga taong nakatingin sa amin. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay agad din silang nag-iwas ng tingin. Muli naman akong timingin kay Darius. "Bakit naman ako magagalit, sir?" "I don't know. What did I do?" tanong niya. "Hindi ako galit at wala rin naman po akong karapatang magalit, sir." "But you're acting different..." nagtatakang sabi niya. I cleared my throat first before answering him. "Antok lang po, sir." "O-Oh, okay?" he answered, unconvinced. "Puwede niyo na po ba akong bitiwan? Pinagtitinginan na po tayo ng ilan niyong empleyado." Agad naman siyang bumitaw sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko at iginala ang tingin sa

