06

1324 Words
06 "I thought he's not going with us?" Ilang minuto na lamang kasi bago kami sumakay ng eroplano papuntang Palawan nang biglang dumating si Darius at ang secretary niya. "Aba, malay ko," sagot ni Kia at umiling sa akin. I sighed. Paano na lamang ako magfofocus kung kasama namin si Darius? "Good morning, Miss Chavez." I cleared my throat as I smiled to Darius. "Good morning, Sir." Kasunod niya sa paglalakad ang secretary niya na tila pinagbagsakan ng langit at lupa. Anong meron? "Uh, I thought you're not going with us, Sir?" tanong ko. He gave me a half shrug. "My schedule was cancelled." Rinig ko naman ang bahagyang pag-angil ng secretary niya. Ano ba talagang mayroon? I'll just talk to her later. Mayamaya pa ay pinatawag na kami para sumakay sa eroplano. "Monika naman, ako nga ang uupo diyan!" reklamo ni Kia kaya't tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo naman na sa may bintana ako parating umuupo, hindi ba?" She rolled her eyes. "Doon ka nga palaging umuupo kaya iparanas mo naman sa akin na diyan sa may bintana umupo." "Dito nga sabi ako uupo." Umupo na ako sa may window seat pero hinila niya ako patayo. "Ako nga diy—" "What's happening here?" Kapwa nanlaki ang mga mata namin nang magsalita si Darius. Kasama nga pala namin siya sa iisang eroplano. I swallowed the lump on my throat as I looked at Kia. Ayaw pa kasing umupo sa tabi ko. "Si Monika po kasi, Sir. Ako po dapat sa window seat kaso gusto niyang doon umupo," reklamo ni Kia. Nanlaki naman ang mga mata ko at masama siyang tiningnan. "Excuse me? Ako talaga ang dapat na uupo dito." "Dali na kasi. Kahit ngay—" "My seat is a window seat." Sabay kaming napatingin kay Darius nang magsalita siya. My brows furrowed, still looking at him. "Saan po kayo uupo, Sir?" tanong ni Kia. Darius shrugged before jerking his finger towards Kia's seat. "Hindi naman kaso sa akin kung saan umupo," sagot niya. "Talaga po, Sir? Maraming salamat po!" tuwang-tuwang sabi ni Kia at naglakad na papunta sa likod. Umupo na naman sa tabi ko si Darius. I wet my lower lips as I look outside. This is kinda awkward. Pagkatapos ng ilang minuto ay umandar na ang eroplano at lumipad. I let out a harsh breath before closing my eyes. Sobrang aga akong ginising ni Kia at iilang oras lamang ang naitulog ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at tumingin kay Darius na mukhang napatingin din sa akin. "Is it alright if I sleep?" tanong ko. He shrugged. "I don't mind." Nakahinga naman ako ng maluwag. Baka kasi ayaw niyang may natutulog kapag kasama siya. Ewan. Pet peeves iyon ng iba, e. Kia for example. Muli kong ipinikit ang aking mga mata,umaasang makakatulog ako dahil isang oras pa naman bago makarating sa Palawan. At unti-unti nga ay hinila na ako ng antok. "Hey. Wake up." Agad kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Darius sa tabi ko. My brows furrowed as I look at him. "B-Bakit?" tanong ko. "We're already here." Napatingin naman ako sa labas ng bintana at tama ng siya. Naka-land na nga ang eroplano. Ibig sabihin, nasa Palawan na kami. I cleared my throat. "Salamat." He just shrugged his shoulders before rosing up from his seat. Agad ko namang tiningnan ang aking sarili sa dalawa kong compact powder na may kasamang salamin. Mukha pa rin naman akong presentable. Dali-dali akong nag-powder at nag-lip tint para makahabol sa pagbaba ng mga tao sa eroplano. "Kia!" tawag ko kay Kia na nasa labas na pala. "Bakit mo ako iniwan?!" reklamo ko sa kaniya. Taka naman niya akong tiningnan. "Sabi ni Sir Darius, siya na raw ang gigising sa iyo kaya iniwan na kita. Hindi ka ba niya ginising?" "Ginising." I sighed. Mayamaya pa ay pinasakay na kami sa van papunta sa location. Diretso photoshoot na kasi kami pagdating sa location. "Ayos na ba ang katawan mo?" tanong ni Kia nang makasakay kami sa loob ng van. Nasa kabilang van naman sina Darius. Ang tanging kasama namin ay ang ibang staffs. I nodded. "Nag-work out ako kagabi." "Good," she remarked before leaning against her seat. Napailing na lamang ako at muling tumingin sa labas. **** "Such a nice body, Miss Chavez," papuri ng photographer ko matapos kong hubarin ang aking robe. We're going to do a swimsuit photoshoot for the summer collection of Inara. Sabi ng secretary ni Darius ay bihira raw na bagong model sa Inara ang binibigyan ng ganitong trabaho kaya dapat ay galingan ko. Pumuwesto na ako sa buhangin at nag-pose kasabay ng pag-click ng camera. Pinapanood naman akong mag-trabaho ni Darius at nasa tabi siya ng photographer. "Can you get into the water?" tanong sa akin ng photographer. Agad naman akong tumango. "Sure, Sir." "Hoy, ikaw! Tulungan mo nga si Miss Chavez," utos niya sa isang staff na part ng lighting crew. Dali-dali namang sumunod 'yung lalaki at inalalayan ako papunta sa dagat. I was about to say thank you when he suddenly held and squeezed my butt. "Motherfucker!" Malakas na sigaw ko bago siya malakas sinampal. "Hindi ko napigilan. Ang ganda kasi," walang modo niyang sabi. I gritted my teeth and was about to slap him again when Darius suddenly went to our direction. He held my wrist. "I'll handle this. Sumama ka muna sa manager mo." Sinamaan ko ng tingin ang lalaking bumastos sa akin bago naglakad papunta sa direksiyon ni Kia. Agad naman niya akong inabutan ng robe na agad ko rin namang isinuot. "Take a photo of him and print it," utos ko bago ako naglakad pabalik sa loob ng hotel. My legs are shaking out of anger and disgust. Bakit may mga taong katulad ng lalaking iyon sa mundo? Kadiri! **** "Stupid motherfucker!" Sigaw ko bago pinakawalan ang huling dart sa kamay ko. Bahagya naman akong napangiti nang tumama iyon sakto sa gitna ng mukha niya. "Monika, ayos ka lang ba diyan? Puwede na ba akong pumasok?" tanong ni Kia sa labas ng pinto. Tumayo ako at muling kinuha ang mga nakatusok na darts sa dartboard. Nang maipon ko na muli ay saka ako bumalik sa pagkakaupo. "Monika. Uy, Monika! Magsalita ka naman diyan, please." Muli kong binato ng dart ang dartboard na may nakakapit na mukha ng pangit na lalaking iyon. Nakakasuka ang mukha niya. Nakailang tira pa ako nang maramdaman kong bumukas ang pinto. "Hindi ba't sinabi kong huwag kang papasok, Kia?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang hindi si Kia ang pumasok sa loob. I gulped. Anong ginagawa niya rito? "Nasaan si Kia?" tanong ko. "Nasa labas," he answered as he close the door. "Anong ginagawa mo rito?" "Pabalik na sana ako sa room ko tapos nakita ko ang manager mo na nasa labas," sagot niya at umupo sa kabilang bahagi ng sofa. Napatingin naman siya sa dartboard na halos mapuno na ng nakatusok na darts. He suddenly offered his hand. "Can I have some?" Taka ko naman siyang tiningnan bago ako nag-abot ng isang dart. Agad naman niya iyong ibinato sa dartboard. "Palagi bang nangyayari ang ganoon?" he asked. I shook my head. "Minsan lang. Pero matagal bago makalimutan." Tears immediately rolled down into my cheeks. Dali-dali ko naman iyong pinunasan. "That simple touch would stay on my body. Kahit ano pang paligo ko, hindi iyon maaalis. That's f*****g disgusting," inis na sabi ko. "I cannot let someone to touch me like that. Hindi puwede hangga't hindi ko mahal. Kaya tangina niya dahil hindi ko naman siya mahal. Hindi ko nga 'yun kilala," dugtong ko. "Nasa labas pa ba ang gagong iyon?" tanong ko bago lumingon kay Darius na seryoso ang emosyon sa mukha. He shook his head. "I already fired him." "As you should," bulong ko. "If something like that happens again, do not hesitate to tell me. I will fire everyone who tried to hurt you." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD