07

1154 Words
07 "Can I sue him?" I mumbled under my breath. Darius nod his head. "You have the right to do so. But if it's alright, leave it to me." "How about the media?" "I'll take care of it," sagot niya. "I just want him to learn a lesson that he shouldn't do that. Not because I am modelling for swimsuit brand, that doesn't mean that he can touch my body," I uttered. "Ako na ang bahala sa kaniya." Tumingin ako sa gawi niya. "Hindi ka ba busy?" He shook his head. "You're my employee. I have a full responsibility on the people I work with." Napatango naman ako. An employee. Mapait akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Itutuloy mo pa ba ang shooting?" tanong niya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Marahan akong tumango at bumuntong hininga. "Wala na naman ang lalaking iyon sa labas, hindi ba?" He nodded. "Wala na." "Tell them to wait for me for twenty five minutes. Ipagpapatuloy ko." He looked at my direction. "Are you sure? Why don't you rest for a bit? Bukas na lamang natin ipagpatuloy." I immediately shook my head. "I don't want to be a burden to the staffs. At isa pa, kaya ko pa namang mag-trabaho." "Are you sure?" paniniguro niya. Tipid akong ngumiti at mabilis na tumango. "Don't worry about me. I can do it." He drew in a long breath as he shrugged his shoulders. "I gotta go. If you need something, call me or my secretary." "Thank you," mahinang sabi ko at tipid na ngumiti. Tumango lamang siya at naglakad na papunta sa may pinto. Nang makalabas siya ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. "I will fire everyone who tried to hurt you," bulong ko sa aking sarili matapos niyang lumabas. Ilang beses akong bumuntong-hininga. Normal bang sabihin niya 'yun sa empleyado niya o hindi? Pinaglalaruan lang niya rin ba ako? I swallowed the lump on my throat before up from my seat. I went to the kitchen and hurriedly prepared a glass of water. I immediately chugged it down. "Monika! Ayos ka lamang ba?" Muntik na akong masamid sa pag-inom nang walang pasabing pumasok si Kia sa loob ng kuwarto. "Anong problema mo?" I asked as I wipe my lips with the back of my hand. "Ayos ka lamang ba? Wala namang masakit sa iyo, hindi ba? Makakapag-trabaho ka pa rin ba o gusto mo ng umuwi?" Sunod-sunod na tanong niya at hinawakan ang aking dalawang balikat. Tinaasan ko siya ng kilay bago inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Ewan ko sa'yo. Ayos na ako." Nakahinga naman siya ng maluwag at humawak sa dibdib niya. Umirap naman ako at marahang umiling. "Anong sinabi sa iyo ni Sir Darius? Pinagalitan ka ba?" Muli akong uminom ng tubig at umiling. Ibinaba ko ang baso ng tubig bago tumingin kay Kia. "He already fired that disgusting man," sagot ko. "As he should! Huh, kung hindi lamang ako nakapag-pigil sa lalaking iyon kanina. Anong karapatan niyang hawakan ka? Iniinis niya ako, ha!" Mahina naman akong tumawa dahil sa reaksiyon niya. "Buti hindi mo agad sinaktan," sabi ko. "Syempre! Baka ako pa ang ipakulong ng lalaking iyon kapag sinaktan ko siya, ano!" Tumango naman ako bago naglakad pabalik sa sofa. "Sabagay," sagot ko at nagkibit-balikat. "Tuloy ba ang photoshoot ngayon? Sigurado ka bang kaya mo?" Hindi ko na siya sinagot at tumingin na lamang sa kawalan. Twenty five minutes is too short. Kailangan kong ipahinga ang katawan ko sa loob ng ilang minutong iyon. **** "Sigurado kang kaya mo na?" tanong sa akin ng secretary ni Darius. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. "Kaya ko," sagot ko. "Gusto mo bang palitan natin ang isusuot mo? Masiyado kasing daring," suhestiyon niya. Marahan akong umiling. "Wala sa suot ko kung bakit ako nabastos. This is a beach and people are already expected to wear this kind of clothes. It's not my fault anymore if that guy cannot stop himself from being an asshole." Napatango siya dahil sa sinabi ko at uminom ng buko juice. "Buti nga sa kaniya at pinaalis na ni Sir Darius sa kumpanya. Kahit naman ako ay ayaw ko ng makatrabaho ang ganoong klaseng tao." "Ilang taon ka na nga pala?" tanong ko sa kaniya. "Thirty five na." Napatango naman ako. "Mas matanda ka pala sa akin. May asawa ka na?" "Meron na din. May tatlo na ring makukulit na anak," sagot niya at ngumiti. "Buti hindi sila umiyak noong umalis ka para pumunta rito?" "Hay nako, Ma'am. Sobra nga ang inis ko diyan kay Sir Darius. Ipina-cancel ba naman ang dapat na schedule niya sa mga susunod na araw tapos tinawagan ako kagabi na sasama raw kami dito sa Palawan. Hindi tuloy ako nakapag-handa ng maayos," reklamo niya at ilang beses na umiling. "Akala ko cancelled and mga meetings niya kaya kayo pumunta rito?" "Ay hindi, Ma'am. Si Sir Darius mismo ang nagpa-cancel. Nakakapagtaka nga, e. Wala naman siyang interes sa mga ganito tapos biglang naisipang sumama." Napatango naman ako at lihim na ngumiti. I don't want to assume but there's a part of me that wants to believe that he cancelled his schedules just to watch me. "Uh, ilang taon ka na nga palang nagtatrabaho kay Sir Darius?" tanong kong muli. "Hindi naman talaga si Sir Darius ang boss ko. Iyong panganay na kapatid niya." Awtomatiko namang kumunot ang noo ko. "Nasaan na 'yung panganay?" "Nakabuntis daw, e. Ewan, dinig ko lang sa usap-usapan ng mga tao sa kumpanya." "Dahil wala na ang panganay kaya si Darius ang pumalit?" I asked before I sip on my juice. "Ay, hindi! May pangalawa pang anak. Kaso walang interes 'yun sa pagtatrabaho. Balita ko nga ay itinakwil na 'yun, e." My lips parted as I nod my head. "Tapos si Sir Darius na ang sumunod?" Tumango naman siya. "'Yang mga magkakapatid na Fontanilla, lahat sakit sa ulo. Hindi na nakakapagtaka na ang dalawa ay itinakwil na ng magulang nila." Kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kaniya. "Bakit itinakwil? Anak pa rin naman nila sila, ah?" "Kasi nga, Ma'am, 'yung panganay, siya ang heir ng pamilya. May fiancee na nga 'yun, e. Tapos isang araw, dumating na lamang daw sa bahay na may dalang bata na tatlong taon na. Anak niya raw. Siyempre nagalit 'yung mga magulang kaya ayun, itinakwil na." "Paano naman 'yung pangalawa?" tanong ko pa. "'Yung pangalawa, masiyadong maloko. Walang pangarap sa buhay at puro kalokohan ang alam. Hindi na nakayanan kaya itinakwil na." "Si Sir Darius naman? Bakit hindi pa siya itinatakwil?" "Si Sir Darius, wala rin siyang interes sa kumpanya. Kaso alam naman niya na itatakwil din siya kapag hindi siya sumunod kaya nagtatrabaho siya ngayon dito," sagot niya at muling humigop ng buko juice. "Pero Ma'am, mukhang type niyo kasi si Sir Darius, e. Binabalaan ko na agad kayo na hindi madaling makasalamuha at pakisamahan ang mga Fontanilla. Masiyadong magulo ang buhay nila." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD