08
"And that's a wrap!"
Napangiti naman ako sa sigaw ng director at sa pag-cheer ng mga staffs. Dinig na dinig ko pa nga ang malakas na pagsigaw ni Kia na parang nakikipag-party.
"Magd-dinner ka ba?" tanong ni Kia at muli akong inabutannng robe.
Tumango naman ako bilang sagot. "I'm starving," I stated.
Magdidilim na rin kasi nang matapos ang unang bahagi ng photoshoot. Meron muli bukas at sa ibang location naman. Good thing that the staffs here are nice. Well except the pervert one. He's disgusting.
"Can I eat any food or should I stick with salad?" I asked.
Kia sighed as she shook her head lightly. "Bahala ka."
I shot a brow up at her. "Ayos lamang kahit kumain ako ng rice?"
Tumango naman siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Agad naman akong sumunod sa kaniya at mas binilisan pa ang paglalakad para makasabay ko siya sa paglalakad.
"Bakit puwede?" tanong ko.
"At bakit hindi magiging puwede?" giit naman niya.
Bumuntong hininga ako kasabay ng pag-irap. "How about my diet? Hindi ka ba nag-aalala na baka tumaba ako?"
"Mag-work out ka na lamang pagkatapos mong kumain," sagot nito.
Taka ko naman siyang tiningnan. "Seryoso ka ba?"
Umirap siya at malakas na bumuntong hininga. Humarap naman siya sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay. "Ayaw mo ba?"
Nag-iwas naman ako ng tingin at bumuntong-hininga. "Siyempre, gusto ko," bulong ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Miss Monika!"
Inilibot ko naman ang aking paningin nang tawagin ako ng secretary ni Darius. Muntik ng magtama ang mga mata namin ni Darius ngunit agad siyang nagbaba ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
"Puwede bang doon tayo umupo?" tanong ko kay Kia at tumingin sa kaniya.
Tumango naman siya. "Ikaw ang bahala."
Nagkibit-balikat ako at naglakad na papunta sa gawi nina Darius. "Puwede bang makiupo kami rito?"
Nag-angat naman ng tingin si Darius at nagkibit-balikat. Ibig sabihin ba noon ay pumapayag siya?
"Sige, Ma'am. Upo lang kayo diyan," pagsingit ng secretary ni Darius sa usapan.
Nginitian ko naman siya at tumango bago nagbaling ng tingin kay Kia. "Samahan mo akong kumuha ng pagkain," sabi ko.
Agad naman siyang umiling bago humila ng upuan sa tapat ni Darius. "Dito ka na lamang. Ako na ang bahala."
Taka ko siyang tiningnan. "Sigurado ka ba? Kaya ko naman."
Sunod-sunod siyang tumango at naglakad na palayo. Napailing naman ako at umupo na sa hinila niyang upuan sa tapat ni Darius.
"Magsasalad ka, Ma'am?" tanong sa akin ng secretary niya.
Mabilis naman akong umiling. "Pinayagan akong kumain ng rice ni Kia. Though I really have to work out later if I do."
"Hindi ka napapagod, Ma'am? Ang sarap kaya ng kanin," sabi niya at itinuro ang plato na puno ng pagkain.
"Mabilis kasi akong tumaba kaya kailangan kong mag-diet. Well it wasn't like being fat is such a big deal. It's normal to gain weight. However, as a model, I am always a subject for criticism and also, I have to endorse some products that requires a fit body for the job. Hindi ko naman iyon matatanggihan," sagot ko.
"Ay wow, pang-Miss Universe kung sumagot si Ma'am," biro niya.
Umiling naman ako at payak na tumawa. Mayamaya pa ay dumating na si Kia na may dalang tray ng pagkain. Matapos ilapag ang tray sa lamesa ay saka niya iniabot sa akin ang isang plato na may rice at ilang seafoods.
"Salamat," sabi ko sa kaniya at tinanggap ang plato.
Agad naman kaming nagsimulang kumain. Tahimik lamang si Kia sa tabi ko at tila nilalasap ang pagkain. Akala mo naman hindi ko siya pinapakain ng ganoon. May mga araw pa nga na nag-oorder siya tapos kinakain sa harap ko kahit na alam naman niyang nagd-diet ako. Napailing na lamang ako at mahinang tumawa nang maisip na naman ang nangyarinh iyon. Hinampas ko kasi siya ng unan kaya tumapon yung pagkain niya sa sahig at kakunti lamang ang nakain niya. Halos isumpa na nga niya ako noon.
"How's the shoot, Miss Chavez?"
Nag-angat naman ako ng tingin nang magsalita si Darius. I shrugged my shoulders. "It was fun. Nagustuhan ko ang swimsuit na isinuot ko pati na rin kung paano mag-trabaho ang staffs. They were good."
He squinted his eyes a bit while chewing his food. "Even though something bad happened earlier?" tanong niya.
I gave him a half-shrug. "Hindi na naman kasalanan ng mga staffs o ng Inara kung may isa silang empleyadong bastos. Kasalanan 'yun noong lalaki at hindi na damay ang mga staffs o ang Inara sa kasalanan niya."
Napatango naman siya at nagpatuloy na sa pag-kain. Pati naman ako ay hindi na nagtanong pa at kumain na rin.
"Ma'am, anong sunod mong schedule?" tanong sa akin ng secretary ni Darius matapos niyang kumain.
Nilunok ko muna ang pagkain ko bago sumagot. "Puro indoor photoshoots na ulit," sagot ko.
"Sayang, mukhang hindi ka na namin makakasama ulit."
"Talaga?" tanong ko na lamang at muling sumubo ng pagkain.
Darius is the owner of Inara. Hindi na nakakapagtaka na busy siya sa mga susunod na linggo. Hindi na siya katulad ng dati na palaging free at walang ginagawa.
"Monika," pagtawag ni Kia.
Agad naman akong lumingon naman sa kaniya. "Hmm?"
"Sino si Zhione?" tanong niya at inabot sa akin ang phone ko.
Oo nga pala at ibinigay ko sa kaniya ang phone ko kanina bago mag-photoshoot. Kinuha ko naman ito mula sa kaniya at tiningnan kung sinong tumatawag. Gabi na, ah?
"Ah. 'Yung may-ari ng Solasta," sagot ko bago tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Excuse me po. I just have to answer this call," pagpapaalam ko kina Darius at mabilis na tumayo.
Nang makalabas na ako sa maingay na restaurant ay saka ko sinagot ang tawag. Thankfully, hindi niya agad pinatay.
"Yes, sir?"
"Are you busy, Miss Chavez?" he asked.
Umiling naman ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. "Hindi naman po. Bakit, sir?"
"Nakapag-decide ka na ba kung mags-sign ka ng contract sa Solasta?"
My lips parted. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya.
"Uh, I apologize to keep you from waiting, sir. Pero I already signed a contract under Inara po. In fact, I am already working here right now."
"Oh, really? Good for you," sabi niya pero ramdam ko ang pagka-dismaya sa boses niya.
"Pasensya na po, sir. Sabi kasi ng boss ko ay alam niyo na raw po na hindi ako sa Solasta magtatrabaho. Hindi ko po alam na hindi niya pa pala nasasabi sa inyo."
"Darius is too possessive, huh?" Dinig kong bulong niya.
Tumaas naman ang kilay ko. Kilala nila ang isa't-isa?
"Kilala niyo po si Sir Darius?"
He chuckled. "Of course, I do. Paki-kumusta na lamang ako sa kaniya."
Napatango naman ako. "Sige po, sir."
"Uh, Miss Chavez?"
"Yes, sir?"
"Are you free on Sunday?" tanong niya.
Awtomatiko namang tumaas ang kilay ko. "I still have to check my schedule, sir. Bakit po?"
"I just want to take you out for some lunch. Is it alright with you?"
Bahagya naman akong napangiti. "I'll check my schedule, sir," saad ko.
"Alright, then. Just message if you're free."
"Noted, sir."
"Alright. Let's just see each other when you have some free time. Take care," pagpapaalam niya.
"Same goes with you, sir."
Mayamaya pa ay pinatay na niya ang tawag. Napailing naman ako bago itago sa bulsa ko ang aking cellphone.
"Anong pinag-usapan niyo?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumingon sa likod ko.
Darius was there.
"Sinundan mo ba ako?" tanong ko.
Agad naman siyang umiling. "Kakatapos ko lamang kumain at babalik na dapat ako sa kuwarto ko nang marinig ko ang boses mo."
Napatango naman ako. "That was Zhione, 'yung may-ari ng Solasta. He said you two are acquitances. He asked me to send his regards to you."
Nag-igting naman ang panga niya at kapwa nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Really, huh?" he mumbled.
I nod my head. "He also asked me if I'm free on Sunday. Sa tingin ko naman ay wala rin akong gagawin sa Sunday."
"Don't . . ."
Taka akong tumingin sa kaniya. "What do you mean?"
He cleared his throat as he shove his hands inside his pockets. "Don't go with him. He's a dangerous man."
Akmang maglalakad na siya paalis nang pigilan ko siya. "But you're also dangerous. . . Am I right?" tanong ko at binitiwan ang kamay niya.
Nagsimula na siyang maglakad palayo pero narinig ko pa rin ang sagot niya.
"I am," he answered.
-----