Kabanata Labing Walo

2548 Words

Noong bata pa ako, walang araw na hindi ko hinangad na sana ay mapansin din ako ni papa at ng kaniyang pamilya. Ipinagdarasal ko iyon gabi-gabi at hindi ko binalak na hindi hangarin iyon. Inisip ko pa, hindi siguro nakararating sa Kaniya ang mga dasal ko kaya mas lalo ko pang hiniling ang bagay na iyon. Ngunit ilang taon na ang lumipas, hindi man lang nagbago ang pakikitungo sa akin ng aking tinatawag na pamilya. Minsan na ring sumagi sa isip ko na sukuan na lamang ang hiling na iyon, ngunit hindi ko rin magawang sumuko nang tuluyan dahil mas matimbang ang pag-asa ko na magbabago rin ang pakikitungo nila sa akin at kung paano nila ako tratuhin. At ngayon nga, sa tingin ko ay nagkatotoo na ang matagal ko nang hiling. “D-Dasha, I’m not asking you to forgive me. But, please, l-let me recom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD