Kabanata Dalawampu't Tatlo

2779 Words

Halos itago ko ang aking sarili sa likuran ni Lilith habang naglalakad kami papunta sa napakaraming mga tao na sa tingin ko ay nakapila para sa enrollment. Habang papalapit kami sa may field ay mas lalo namang lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Maraming tao sa mall na pinuntahan namin, ngunit hindi naman namin kilala ang mga iyon. Pero rito sa Augustus Academy, kilalang-kilala si Lilith at nasa kaniya kaagad ang mga mata ng mga tao. Nalulula ako sa dami ng mga nakatingin sa kaniya kaya yumuko na lamang ako. “L-Lilith,” tawag ko sa kapatid ko at sinubukan siyang patigilin sa paglalakad. Lumingon naman siya sa akin na malaki ang ngiti. “Why? Are you nervous?” Hindi ako makatango at hindi ko rin masabi sa kaniya ang totoo. Baka magalit kasi siya sa akin at iwanan na lamang ako rito sa g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD