It was a gloomy Wednesday afternoon, the rain was pouring hard outside, people had to wear their jackets and bring their umbrellas with them. Mukang may paparating na bagyo. Yet Aryanna was still inside the school library.
Mag-dadalawang oras na siyang nag-aaral sa silid na 'yon, meron kasi silang major exam and she didn't want to fail and disappoint her parents.
Aryanna was not the type of girl who studies every now and then. Medyo madaldal siya active, outgoing, hindi siya mapakali kapag walang kausap para bang mamatay na siya sa boredom kapag ganyan. She has dark brown hair na medyo lagpas ng konti sa kanyang balikat, about 5'3 in height and she likes girly stuff. Gusto niya lahat organized, from the things she wears in the morning, hanggang sa mga maliliit na bagay na ginagamit niya. Everyday, sinusulat niya sa kanyang planner lahat ng bagay na kailangan niyang I-accomplish for the day.
Sadyang nawala lang talaga sa isip niya na may major exam siya sa isang napaka importanteng subject sa kanyang course na nursing ngayon.
Yes, yan ang propesyong gusto niyang tahakin mula nung bata pa siya, naniniwala siya na ito lang ang paraan upang maka ahon sila sa kahirapan. And at the same time she loves taking care of people, especially those who were close to her heart.
Sabi niya sa sarili niya, gusto niya na siya mismo ang mag-aalaga sa mga magulang niya when the time comes na medyo hindi na nila kayang gumalaw on their own.
Kaya ngayon, nagkukumahog siyang mag-aral at kabisaduhin lahat ng medical terms na sa tingin niyang maaring lumabas sa exam niya ngayon. Third year na siya sa kursong iyon, isang taon na lang at wakas matutupad na ang kanyang mga pangarap. Ang maging isang registered Nurse.
"Arya, andito ka lang pala. Kanina pa kami pa ikot-ikot sa buong campus eh, hindi ka man lang nag-text para knowings namin kung saan ang mga hanash mo." Wika ng kaibigan niyang si Yvette sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Aryanna. Kasama niya din ang kababata ni Arya na si Alexander Shawn, or Shawn for short nababaduyan kasi ito sa first name niya kaya he preferred his second name rather than his first. Na halatang nag-aalala din sa kanyang kaibigan. Lahat sila nursing ang kinukuhang course.
Si Yvette ang tinuring na best friend ni Arya. And unlike her, Yvette was a little careless, a total opposite of Aryanna. She has shorter hair, and a lot thinner, napagkakamalan pa nga itong model kung minsan dahil sa mahahaba niyang legs. But she didn't have the heart for modeling, pareho sila ng pangarap ni Arya ang maging isang successful nurse someday. Isang katangian na parehong meron ang dalawa ay ang pagkamadaldal at ang addiction nila sa Korean Drama.
Minsan nga inaabot pa sila ng umaga kakapanood ng mga paboritong palabas. Kahit na ilang ulit na nila ito napanood. There was something in these shows that calms them everytime na pinapanood nila ito.
"Eh malay ko ba? Tignan mo nga ang dami kong ginagawa. Iintindihan ko pa ba yun?" Arya raised her brows a little as she said that.
"One text won't hurt your ego baby girl." Hirit naman ni Shawn sabay kindat na lalong nag painit ng ulo ni Arya.
she rolled her eyes a little as she heard Shawn said those words.
"Isa ka pa Shawn, sige kampihan mo ang bruhang ito!" Sinarado niya ang isang napaka kapal na libro na kanina niya pa binabasa bago muling hinarap ang mga kaibigan.
"Bakit ba ang high-blood mo?" Usisa muli ng kaibigan niyang si Yvette.
"Kasalanan mo 'to eh, kung bakit kasi hindi mo pinaalala sa 'kin last week na may exam pala tayo ngayon. Eh di sana, I'm not cramming like this." Dismayadong wika ni Arya habang inililigpit ang mga librong hiniram, at isa-isa niyang ibinabalik on its respective shelves.
"I did, ilang beses ko pa nga ipinaalala sa'yo remember?" Sumunod ang dalawa, at tinulungan Nila ang kaibigan na ibalik ang mga libro.
"Hep-hep!" Pumagitna na si Shawn bago pa man magsimulang mag-away ang dalawa. "Sorry na okay, hindi na mauulit." Shawn apologized and looked deep into Arya's eyes.
"Oo na sige na, alam niyo namang hindi ko kayo matitiis eh." Casual niyang wika sa dalawang kaibigan. "Pero pag inulit niyo ito, ipapatapon ko talaga kayo sa pacific and I mean it!" Pagbabanta niya sa dalawang kaibigan.
Napahalakhak naman ang dalawa nang sabihin iyon ni Aryanna.
"Sa pacific talaga besh? 'Di man lang sa South Korea, kung saan andun ang mga paborito kong K-pop star?"
"Oo sa pacific, para di ka na makalanggoy. And walang guwapong Lee Min ho na pupunta dun to save you."
"Ang harsh mo!" Sabi ni Yvette sabay kurot sa tagiliran ni Arya.
"Aray naman! Meseket yun ah!"
"You three if you don't keep your mouth shut, I would have to let you leave the library this instance!" Saway sa kanilang tatlo ng masungit na librarian ng kanilang university. Bigla naman natahimik ang tatlo nang biglang sawayin ang chikahan at asaran nila.
'Di maiwasang hindi mainis ni Arya, Yvette, at Shawn sa masungit na librarian. Napaka pakialamera kasi.
Why don't she mind her own bussiness? Hindi yung nakikialam siya sa mga tao dito sa library. No wonder she had no boyfriend because of her damn attitude!
Arya said to herself na medyo nainis sa ginawa ng babaeng 'yon. Yes, alam niyang trabaho niya yun, but sometimes she gets too personal.
"Kayo kasi eh, ang iingay niyo tignan niyo nadamay pa tuloy ang ka-guwapuhan ko sa kadaldalan niyo." Inis na Sabi ni Shawn sabay ayos sa kanyang buhok.
"Guwapo?" Yvette look at Shawn from head to foot na para bang kinikilatis ang buong katauhan nito. "San banda?"
"Are you f*****g blind Yvette? Hindi mo ba nakikita na nagkakandarapa ang mga babae pag dumaraan na ang guwapong katulad ko? Not only girls, even gays." Pagmamayabang nito. Hindi naman kasi maikakaila na may itsura itong si Shawn. But being in a serious relationship wasn't even in his mind right now. Karamihan kasi sa mga babaeng dinedate niya ay hindi nag tatagal, lahat ay humahantong palagi sa hiwalayan.
Napailing na lang si Yvette nang marinig ang kaibigan.
"Yuck Shawn, nakakadiri ka talaga!"
"Tara na nga, baka mamaya malate pa tayo sa exam." Aya ni Arya sa dalawang kaibigan.
Kinuha niya muna ang kanyang shoulder bag at jacket na naiwan niya sa table kanina, bago ito naglakad at sabay-sabay silang lumabas ng library.
° °°°
Arya, Shawn, and Yvette was properly seated at the back of the room. Arya sat right next to this unknown guy because she had no choice. Plus ayaw ni Yvette umupo sa tabi niya.
Nagbasa pa kaunti si Aryanna habang wala pa ang professor nila sa subject na iyon. Ayaw niya kasing ma-blanko kapag ibinigay na sa kanila ang mga test papers.
"So, Saan tayo after this?" Tanong ni Shawn sa dalawang kaibigan.
"May date ako mamaya." Masayang wika ni Yvette at halatang super excited ito sa lakad niya mamaya. Ngiting-ngiti pa ito habang kausap ang mga kaibigan.
"The rain was pouring hard outside Yvette, tapos makikipagdate ka pa rin?" Arya asked with a hint of suspicion towards her tone. "Sino ba kasi yang ka-date mo?"
"Elliot, that engineering student na matagal nang nanliligaw sa 'kin he's a little cute you know." Maarteng sabi ni Yvette na 'di maitatago ang kilig sa katawan. "Anu ba kasing plano mo Shawn?"
"Wala naman, maybe hang-out since ito na ang last exams natin for the week." He said casually. "Just be careful with that Elliot okay, I heard so many things about him and it's not good."
Napakunot naman ang noo si Yvette nang marinig niya iyon. She wonders what are those things na nalalaman ng kaibigan niyang si Shawn.
"May duty pala tayo bukas," Arya says as she again starts looking at her planner, "Kain na lang tayo ng masarap puwede? Nakakastress mag-review for the exams. Gusto ko idaan na lang sa kain ang napaka stressful na araw na ito." Dagdag pa nito.
"Libre mo baby girl?" Pang-aasar ni Shawn at nakangisi pa ito.
"Isa, Shawn! Tawagin mo pa kong baby girl at makakatikim na talaga ang dragon balls mo sa akin." She threatened and widened her eyes at him.
Napatawa din si Yvette nang marinig niya iyon. Bigla na lang napatiklop si Shawn sa sinabi ni Arya. "And for your information Mr. Alexander Shawn Ramirez, ikaw ang nag-aya so you should treat us."
"Fine Arya, you won okay. Sige na ako na ang taya." Shawn surrendered at bigla na lang namutawi ang ngiti sa mga labi ng magandang si Aryanna.
"Sama ako." Yvette says and even pouts at their direction.
"May date ka kay Elliot hindi ba? So dun ka na. Kami na lang ni Shawn ang lalamon mamaya." May pangaasar na wika ni Arya sa kaibigang si Yvette, she even stuck her tongue out at Yvette's direction. At ngumiti ng nakakaloko sa kaibigan.
"Nga pala, anung nalalaman mo kay Elliot Sha--" Hindi na natapos ni Yvette ang sasabihin nang biglang dumating ang Professor nila sa subject na iyon.
The students greeted their Professor and straightaway their exams started. Arya was glad that everything she reads in the library earlier was included in the exams.
The rain outside was also starting to subside hindi na kasing lakas kanina. Medyo nahirapan si Arya sa ibang items due to the fact that she couldn't remember the topics that she reviewed or she must have just missed it.
As Arya was busy answering all the questions, and her full attention was focused on nothing but the exams.
Yvette again try to get her attention since she was just sitting right beside Arya.
"Psssst..." Yvette whispers at agad nakuha nito ang attention ni Arya. "Attendance oh, ipasa mo jan sa katabi mo."
"Naisulat niyo na ang pangalan ko?"
"Oo, sinulat na ni Shawn. Sige na ipasa mo na jan sa kabila." Pagka sabi ni Yvette, agad na kinuha ni Arya ang attendance sheet para sa klaseng iyon.
Tinignan niya munang mabuti kung naisulat na nga ni Shawn ang mga pangalan Nila. Once she checked it. Tinignan niya muna ang 'di kilalang katabi niya bago niya ibigay ang attentdance.
And much to her surprise, Arya saw that her seatmate was sleeping soundly right next to her. His eyes was covered with aviator sunglasses. Arms crossed at nakasandal ang ulo sa pader.
Since natutulog naman ito napagdesisyunan ni Aryanna na tignan itong mabuti. She was curious, why on earth this guy was sleeping while the rest of them was busy taking their exams.
He has a perfect fit body, white complexion, he has a light- brown hair and a bit curly in the front. She could also sensed na he's quite tall based sa kanyang position. And he also looks like na hindi siya taga rito mukang may foreign blood.
"Anu Aryanna? Titignan mo na lang ba ung lalaki or ibibigay mo yung attendance sheet?"
"Natutulog oh, ikaw na lang kaya magbigay." Wika ni Aryanna sabay turo sa katabi.
"Eh, ikaw ang katabi 'di ba, so ikaw ang magbigay."
"Oo na." Irritableng sabi nito, then she rolled her eyes at Yvette's direction. Bago muling ibinaling ang attensyon sa natutulog na lalaki.
She breathe in, and breathe out a number of times bago niya sinundot-sundot ang tagiliran ng napaka kisig na katabi.
Nakailang beses na niyang tinatawag at inaalog ang katabi, but for some unknown reason hindi pa rin ito magising. Hindi tuloy makapag focus sa exams si Aryanna.
"What the hell do you want?"
3: