Chapter 25- Honey

3954 Words

Kinaumagahan ay hindi na hinintay ni Martina na magising si Marro bago siya umalis papuntang opisina. Mas maaga kaysa sa karaniwan siyang bumangon at mas maaga rin siyang naghanda. Kung dati-rati'y ay umaalis siya ng condo ng lagpas alas-siyete, sa araw na iyon ay umalis siya pagpatak pa lamang ng alas-sais. Nagpasya siyang sa labas na lamang mag-aalmusal at ng hindi sila magkita ng lalaki dahil sa hiyang nararamdaman niya rito at sa kanyang sarili. Habang naglalakad palabas ay iniwasan niyang makagawa ng ingay upang hindi magising ang lalaki. Hindi niya kasi alam kung anong magiging reaksyon niya kung magpapang-abot silang dalawa. Noong gabi ay hindi na siya halos nakatulog dahil sa pag-iisip sa nangyari. Makailang beses niyang binalikan sa isip ang naganap at sa tuwina ay hinihiling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD