Chapter 3- SAME HEARTBEAT

5000 Words
Masakit ang ulo ni Martina kahit sa kaunting pagkilos lamang mula sa pagkakahiga. She is sure having a hangover dagdagan pa na medyo maingay ang paligid. Pinagapang niya ang isang kamay para humanap ng unan na maitatakip sa kanyang ulo pero wala siyang nakapa. Napakunot siya ng noo kahit na nakapikit pa. Saan na ba napunta ang mga unan niya dito sa sa kanyang kama? Nangapa siya ulit pero nang wala siyang mahawakan ay hinila nalang niya ang comforter na tumatakip sa katawan niya para umabot sa kanyang ulo. The comforter smells different but she ignored it. She just needs to sleep more para mabawasan ang nararamdamang sakit ng ulo niya pero sa halip na mabawasan ang ingay na naririnig kanina ay parang mas lalo pa iyong lumakas. Tila nagkakagulo pa yata. 'Ang ingay naman.' Usal niya. Inilabas niya ulit ang kanyang ulo mula sa makapal na kumot at habang nakapikit ay ikinapa niya ang isang kamay sa gilid ng unan niya para hanapin ang eyeglasses niya. Wala. Where could it be? Bakit lahat yata ng mga gamit na hinahanap niya ay wala sa kama niya? She reached further. Wala pa din. Kahit na parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit ay pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. At first, akala niya ay silhouette lang ng mga tao ang nakikita niya pero sa ilang beses na pikit-dilat at pagkurap na ginawa niya ay nanatiling nasa loob ng kwarto niya ang mga taong iyon. Napahawak siya sa pagitan ng mga mata niya ng makilala ang mama niya. Naroon din sa kwarto niya ang ilang empleyado nila sa kompanya at sa may bandang kaliwa ng mga ito ay may ilan pang mga taong pawang di niya namumukhaan. Ano ba ang ginagawa ng mga ito sa kwarto niya? “Bakit kayo nandito sa kwarto ko?” Mahina niyang usal na sa tingin niya ay hindi umabot sa mga taong pinapatungkulan niya. Pinilit niyang umupo sa kama at iginala ang paningin sa mga taong nasa harapan niya. “Ma?” Tawag niya sa inang tila namatanda. Ang ilan sa mga taong naroon ay tila aligagang lumabas ng silid pero may ilan ding may kinkaausap sa telepono ng mga ito. “Martina…” Narinig niyang sabi ng ina na tila hindi alam ang gagawin, kung lalapit ba ito sa kanya o mananatili lang sa kinatatayuan nito. “Will you please leave my room? Ang ingay niyo, gusto ko pang matulog.” Aniya sa inaantok na boses sa mga taong naroon. Mula sa pagkakaupo ay pahalang niyang ibinagsak ulit ang katawan para sana ipag-patuloy ang na-unsyami niyang pagtulog pero sa halip na malambot na kama ang kanyang nabagsakan ay matigas na ewan ang naramdaman niya. “Aawwww…” Narinig niyang ungol ng sinumang nabagsakan niya. Napabalikwas siya ng bangon at agad na napaupo. Marahas siyang napalingon sa kanyang likuran at mula sa naniningkit na mata ay nanlaki ang mga iyon ng makita ang isang lalaki. Hita nalang nito hanggang sa may tiyan ang natatakpan ng comforter na gamit din niya at wala itong suot na pang-itaas. “Ma…” tila wala sa sariling tawag niya sa ina habang mahigpit niyang kipkip sa dalawang kamay ang comforter na tumatakip sa sarili niya na parang doon siya kumukuha ng lakas. “Sino ka? Bakit nandito ka sa kwarto ko?!” Sigaw niya sa lalaki. Na-estatwa siya sa pagkakaupo. Did she just share a bed and a blanket with this man? Ilang Segundo na ang lumipas ay wala pa rin tinag mula sa pagkakahiga ang lalaki na tila hindi nito alintana ang mga tao sa paligid nito. Ilang sandali din siyang nag-isip kung ano ang nangyari kagabi pero kahit kaunti ay wala siyang maalala pagkatapos niyang umalis sa hotel bar na pinag-inuman nilang mag-kaibigan. Tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng comforter and let out a loud sigh. She was still wearing her green dress from the party yesterday na nag ibig sabihin ay walang masamang naganap sa kaniya, pero paano kung may ginawa ang taong ito sa kanya? Ipinilig niya ang ulo para alisin ang masamang naiisip niya. Noon niya din nakita ang nagkalat na mga damit ng lalaki sa sahig ng kanyang hotel room. Tumayo siya at linapitan ang lalaki na noo’y tuloy parin sa kanyang pagtulog dahil tila wala talaga itong balak na umalis sa kama niya at pinagpag ang tagiliran ng unan nito. “Mister pwede bang tumayo ka diyan?” Mahinahon pero nangigigil niyang wika. Umagang-umaga at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang maiistorbo ang tulog niya. “Marky, call the police!” Sigaw na tawag niya sa kanyang secretary ng hindi pa rin kumilos ang lalaki. Marahil dahil sa ingay ng kanyang sigaw ay nagsimula rin itong itong kumilos at iginala ang paningin sa paligid at ng makitang maraming tao sa paligid ay agad itong napabalikwas ng bangon sabay hablot sa kumot para maipang-takip sa sarili nito. “Awww.” Aniya dito ng mahila sa kamay niya ang kipkip niyang kumot. Ipinulupot iyon ng lalaki sa buong katawan nito mula leeg pababa habang ang tuwid nitong buhok na lagpas tainga ay tumatakip din sa mga mata nitong alam niyang matalim ang tingin sa kanilang lahat. The nerve of this man. Kung makahila ito ng comforter ay akala siguro ay may balak siyang magsamantala rito. Inismiran niya ito. Tila nahihilong tiningnan silang lahat nito “Who are you and what are you all doing here?” Masungit nitong sabi na dinugtungan ng tila dagundong nitong sigaw na halos magpatalon sa kanya. “Ding!!!” Mula sa labas ay humahangos na pumasok ang isang lalaking blondie na sinalubong nito. “Ding! Bakit ang daming tao dito!?” “S-Sir...” Tila takot na sabi ng lalaking tinawag na Ding. “Ang Mabuti pa po ay magbihis na kayo. Mara-“ Putol nitong sabi sabay lingon sa kanya. “Ano ‘yun?” matigas na tanong ng lalaki dito. Parang humihingi ng pasensya ang tingin na iginawad sa kanya ni Ding at kahit na hindi niya alam ang mga nangyayari ay nakikisimpatya siya dito. Tila walang awa ang boss nito. “Ding!” pasigaw na asik ng lalaki. “Marami na pong taga-press sa labas ng kwarto!” Tila nagulat na sagot nito na bahagya pang napatalon. “What?! Bakit may press? Anong meron?” Naguluhan nitong tanong. “And who are this people, Ding?” Napakunot siya ng noo. Masakit pa din ang ulo niya dahil sa hangover pero mas lalo pa iyong sumasakit dahil sa gulong nangyayari ngayon dagdagan pa nang pagsigaw-sigaw ng lalaki sa harapan niya. “Hey, excuse me.” Di nakatiis na pukaw niya sa atensiyon nito. “I think I should be the one screaming right now. Kwarto ko itong pinasok mo at kama ko ‘yang tinulugan mo at comforter ko iyang pinambalot mo sa katawan mo! And now you are asking who are we? Leave my room or I will call the police!” “Ding can you explain to this woman that this room is mine?” Sarkastikong sabi ng lalaki na nagpailing sa kanya. May ibinulong si Ding sa boss nito na nagpalingon ng paningin nito sa buong kwarto habang siya nama’y tinungo ang kinatatayuan ng ina na noon ay hindi parin humuhuma. Inalalayan siya nito ng masapo niya ang kanyang ulo. Noon naman pumasok si Marky sa kwarto at dumiritso sa harapan niya. “Anong nangyari?” tanong niya dito. “I don’t know. Pagdating namin dito sa hotel room mo ay marami ng tao rito.” “Anong ginagawa mo dito?” Parang wala sa huwisyong tanong niya. “Nakalimutan mo na ba na ngayon ang press conference para sa ila-launch nating Coffee at Work?” Hilakbot na tanong nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ulo pagkatapos ay nanlaki ang matang napatitig siya dito. Ngayon ng apala nila pormal na ipapakilala ang bago nilang produkto sa publiko kasabay ng pagtakda ng press conference kasama ang modelo nila. Lumingon siya sa lalaking nasa may gawing likod niya na noo’y balot padin ng malaking comforter. “Paano nila nalaman?” Narinig niyang singhal nito. Lihim niyang ipinagpasalamat na hindi siya nito binigyan ng pansin. Ibinalik niya ang pansin sa kaharap at inilahad dito ang kanyang kamay. Tinaasan siya nito ng kilay na tila ‘di alam ang gusto niya. “Schedule ko.” Aniya rito. Inilapag nito sa nakalahad niyang kamay ang bitbit nitong organizer. Binuklat niya iyon pero sa sama ng penmanship nito ay pabagsak niyang ibinalik iyon dito. “Anong schedule ko?” “We have to be in the press conference room at exactly ten this morning then after that, kailangan mong bumalik sa office para sa meeting with Distribution and Purchasing Department.” “Anong oras na?” “Nine fifteen.” “What?!!!” natigagal ang lahat ng naroon ng sabay silang napasigaw ng lalaki sa likuran niya. “Ngayon mo lang sinabi. How about the endorser? Are they here already?” Malakas niyang tanong dito. Hindi niya na pinansin ang komusyon sa likod niya dahil sa pagkastigo din ng lalaki sa kausap nito. She has her own problem to deal with right now. “The conference room is set already. The whole staff had done their job properly. Ikaw nalang ang kulang at ang endorser natin.” “Call the Endorser’s Manager. Tell them to be here at ten.” Aniya dito. “ASAP.” Dugtong niya ng hindi ito tuminag. “Okay.” Sabi nito sabay labas ng silid. Humarap siya sa kanyang apat na staff na naroon at ang tatlong iba pang hindi niya kilala. “Excuse me. Pwede bang lumabas muna kayo?” Parang mauubusan ng lakas niyang tanong na kagyat namang sinunod ng mga ito. “At ikaw, aren’t you going to leave?” Baling niya sa lalaking balot na balot parin ng comforter. Kahit hindi niya nakikita ang buong mukha ng lalaki ay alam niyang masama ang tingin nito sa kanya. Nararamdaman niyang tumatagos iyon mula sa malago nitong buhok na tumatakip sa mga mata nito. “Ma’am pasensya na po. Paalis na rin po kami.” Si Ding ang sumagot sa kanya. “May hinihintay lang po kami.” Nginitian niya ito ng pino. “Walang akong problema sa’yo. Diyan sa kanya meron.” Turo niya sa boss nito. “Paano ka nakapasok sa kwarto ko?” Asik niya ulit sa lalaki. Hindi siya nito sinagot bagkus ay nilingon nito ang isang lalaking naka-antabay roon at iyon ang kinausap nito. “Matagal pa ba?” Tanong nito. Nakita niyang nagkumahog ang lalaking dukutin ang cellphone nito pagkatapos ay may tinawagan. Sumasakit lalo ang ulo niya dahil sa gulo ng pangyayari at dagdagan pa na walang modo ang lalaking nakabalot sa comforter. “Marky!” sigaw niya ulit. Sumulpot si Marky na may kasamang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa mid-50’s ang edad na agad na lumapit sa lalaking parang tuod na sa pagkakatayo sa gilid ng kama niya. “Bakit hindi ka pa mag-asikaso sa sarili mo? Ano ba ang hinihintay mo, pasko?” Anito sa seryosong tono. Inirapan niya ito. “Where have you been?” “Saan pa ba e di sumumod sa utos mo.” Sabay ingos. “And he is here.” “Sino? The endorser’s manager?” Tumaas ang kilay niya. Umiling ito at itinuro ng nguso ang lalaking kasama nito kani-kanina. “He is the Hotel Manager.” Nakita niyang humakbang iyon palapit sa kanila ng makitang nakatingin siya sa mga ito. “Ms. Rivera, my sincere apology for what had happened.” “It’s not okay for me, but it’s not your doing anyway. I will deal with the hotel later after our event here.” “I understand Ma’am.” Anito at binalikan ang lalaki. “Shall we?” Napakunot siya ng noo ng alalayan nito ang lalaki sa paglabas ng pinto na sinundan ni Ding habang kipkip nito ang mga damit ng boss nitong sinimsim sa sahig ng kwarto. Napapantastikuhan siyang sumunod ng tingin sa grupo habang papalabas. Siya ang babae at siya ang pinasok sa kwarto niya habang natutulog pero bakit yung hotel manager ay mas nag-aalala pa doon sa lalaking iyon? Napakunot lalo ang noo niya ng sa paglabas ng mga ito sa kwarto niya ay nakitang may nagkislapang flash ng camera at tila nagkaroon ng komosyon. Hinila naman siya ni Marky para pigilin ang dapat sana ay pagsunod sa grupo sa pinto ng kwarto. “Hey. Di ka pa ba magbibihis? Baka ikaw pa ang ma-late sa atin. Alas diyes ang event natin ngayon.” “Martina sige na maligo ka na.” Ani naman ng mama niya na hinila siya papunta sa banyo. Saglit niyang pinigil ang ina sa paglakad. Nag-alala siya sa iniisip ng kanyang mama sa nadatnan nito kanina. “Ma. Will you believe kung sasabihin kong hindi ko kilala ang taong ‘yun?” Buntunghininga ang mama niya sa narinig nito. “Of course. You are my daughter at alam kung hindi ka gagawa ng mga bagay na makakasama sa iyo o sa pangalan ng Papa mo.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “As your mother, I have so much faith in you.” “Thanks Ma.” Yinakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Her mother just knows her. She never doubted her and it makes her very thankful. “Sige na bilisan mo.” Tinapik siya nito sa likod. “Ihahanda ko na ang isusuot mo.” Nginitian niya ito at tumango pagkatapos ay tinungo niya ang banyo at mabilisang naligo. After how many years of her hard work ay sa wakas nakikini-kinita na niyang magpi-paid off na rin ang effort at dedication niya sa kompanya ng ama niya. Katulad ng napagkasunduan nilang mag-anak, pagkatapos niyang grumadweyt sa kolehiyo ay siya na ang sumalo sa pagpapatakbo ng kompanya ng ama niya na noo’y naghihingalo na dahil sa competition at akala niya’y hindi na maisasalba pa pero mabuti nalang at hindi nila iyon sinukuan. At first few months ay inaral niya ang proseso ng business nila at ang kaibahan niyon sa iba. Dahil din sa kamuntik-muntikang pagkalugi ng ama ay nagbawas din siya noon ng mga tao na nagpalungkot sa kanyang ama kaya naman ay pinangakuan niya itong kapag nakabangon sila ulit ay ibabalik niya din ang mga iyon at sa awa ng Diyos ay natupad naman niya ang pangako sa ama. She did her market research and she did her homework well. Malaki ang naitulong ng tinapos niya para sa pagpapaunlad ng kanilang kompanyang Farm Living. And now, as part of their marketing strategy, the company will finally have its very first company endorser and what makes her very much excited is that it is the famous Marro Dominguez who will endorse their company. Hindi niya maiwasang manangiti ng malapad. Pitong taon na ang nakakalipas ng muli niya itong makita bilang aktor at ngayon nga ay isa na ito sa pinakamalaking pangalan sa industriya ng entertainment. Napangiti siya ng maisip ito. Ang natatandaan niyang hitsura nito ay ang tuwid nitong buhok na madalaas ay tumatakip sa noo nito na palaging nililipad ng hangin sa tuwing nakikita niya noon ganoon din ang biloy nito sa kaliwa nitong pisngi na mas lumalalim pa kapag ngumingiti ito but he surely changed a lot over the years. Nakita niyang nagbago ito ng hairstyle. Nakita niya ang pagbabago at pagganda ng katawan nito ayon na rin sa mga nakikita niya sa palabas at mga magasin na nababasa niya. Nakita niya ang pag-mature nito sa bawat palabas na pinagbidahan nito. Nakita niya din itong ma-inlove sa kapwa artista na sa pagkaka-akala nga ng lahat ay hahantong na sa kasalan na nagpapasakit pa rin sa puso niya hanggang ngayon. Hindi niya matandaan kung ilang gabi siyang umiyak noon ng marinig ang balita tungkol sa planong pagpo-propose nito umano sa ex-girlfriend nito. Ilang araw din siyang nag-leave sa trabaho noon dahil sa kawalan niya ng gana, at kung masama man ang umasang maghihiwalay ang mga ito ay tatanggapin niyang masama siya dahil ipinagdasal niya iyon na nagbunga naman dahil sa huli nga ay nagka-hiwalay ang mga ito. She’s a fan at gusto niyang i-commend ang head ng marketing nila dahil sa pagkaka-kuha nito sa pinakama-mahal niyang artista bilang endorser ng bagong labas nilang coffee product at higit sa lahat ng kanilang kompanya. He was the reason also why she obliges to be here in this event today kahit na hindi naman na kailangan. She just wanted to see him firsthand after almost thirteen years! “The clock is ticking, Madam.” Rinig niyang sigaw ni Marky na nagpa-untag sa kanya. She sniffed. Panira talaga ang lalaking ito paminsan-minsan sa mood niya. Ganoon pa man ay pinaspasan niya ang kanyang pagligo. Ayaw niyang mahuli sa sarili nilang event. Nagliliwanag ang buong press conference room sa mga nagkikislapang linte ng kamera maliban pa sa magandang lighting effect ng buong silid pagkapasok nila. Iginiya silang tatlo- siya, ang Mama niya, at si Marky- ng event organizer sa upuang nakalaan sa kanila. “This is beautiful. Thank you for working so hard.” Aniya at nginitian ito. Ngumiti ito pabalik. “For a valuable client like you, I and my staff are all here to serve.” Nakipag-kamay siya dito. “Thank you.” “You’re welcome.” Sagot nito pagkatapos ay umalis na rin para asikasuhin ang iba pang dumadating na personalidad. The only thing that makes her at ease right now is that they were all dressed in a business manner which makes her feel like she was just in the office. Parties are just not one of her things. Sinipat niya ang buong lugar. Unti-unti ng napupuno ang buong silid ng press people, bloggers, online writers, at ilang kilalang negosyante na inimbitahan nila. Sa isang bahagi ng silid ay naka-display ang ilang produkto nila at sa gitna niyon ay naroon ang produktong ila-launch palang. The ambiance in the room is not just for a typical press conference. It’s more like of showcasing the whole company lalo na at nakilala na rin sila sa industriya ng paggawa ng mga fruit drinks at ngayon naman ay nagsisimula na silang mag-innovate para makasabay sa mabilis na pagbabago ng mundo. Their new product is actually an experiment to be launch at napakalaki ng risk na itinataya niya para lang sa innovation na gusto niyang mangyari; that’s why, a famous name would be very useful. She was glad that it was actually Marro that her staff had as their endorser. In fact, she was very happy about it. The actor was not just a simple actor. He is making a name also in sports. Tamang-tama para sa endorsement ng energy drink. She had thought about hitting a lot of birds with one stone! Ang Marketing at Production Department nila ang punong abala sa pagtitipong iyon ganoon pa man ay naroon halos lahat ng heads ng department nila para sumuporta. Saglit siyang nagpaalam sa mama niya at kay Marky at pinuntahan ang mesa ng mga empleyado nila para bumati. Tumayo ang mga ito pagkakita sa kanya na agad din naman niyang sinenyasang umupo nalang. They are here to celebrate and to claim the company’s future success and there is no need for them to be that formal towards her kahit pa sabihing pamilya niya ang may-ari ng kompanyang pinagta-trabahuan ng mga ito. Para sa kanya ay pare-pareho lang silang tauhan sa komyanyang pinamamahalaan niya. Ang ilan sa mga nasa lamesa ay kasamahan pa ng papa niya noong ito pa ang namamahala sa kompanya nila at kaedad din halos ng ama kaya naman ay ibang respeto ang ibinibigay niya sa mga ito. She also learned a lot from them at kasama ang mga ito sa bawat tagumpay na naaabot ng kompanya nila. Ilang sandali din siyang naupo kasama ang mga ito at nakipag-kwentuhan bago bumalik sa mesang unang inukupa. Nakita niyang umakyat na sa assembled stage ang kanilang Marketing at Production Head na siyang magiging speaker din ganoon din ang Public Relations Manager nila na siyang hudyat na magsisimula na ang event. Tumingin siya sa kanyang pambisig na relo. Dalawang minuto nalang bago mag alas-diyes ng umaga. Ibig sabihin ay anumang oras ay lalabas na si Marro Dominguez. Their event which is composed of press conference and later on the promotion of their newly produced product will be attended by the actor kaya naman ay matagal-tagal niya rin itong makikita ng personal after so many years. Naramdaman niyang nagpapawis ang kanyang mga palad at kumakabog ang kanyang dibdib. She rubbed her both hands together na nakita naman ng inang katabi niya lang sa upuan. Hinawakan nito ang kamay niya it isang nakakaunawang ngiti ang binigay nito sa kanya na sinagot niya ng mahinang pisil. “I’m fine, Ma.” Mahina niyang bulong. Just the thought na makikita niya ulit ang lalaki sa malapitan ay ibayong kaba na ang nararamdaman niya. Nakita niyang tinungo na ng PR manager nila na si Mechelle na siya ring magiging moderator sa event na iyon ang podium at noon din ay nagsimula nang magkislapan ang mga camera. Una nitong ipinakilala ang dalawang speaker na nasa mesa sa harapan kalapit lang ng podium. “And now to start our program, our company is proud to welcome one of the biggest names in the entertainment industry to be part of our family. Our company’s very first endorser, Marro Dominguez!” Nagkislapan lalo ang mga kamera ng lumabas ang isang lalaking matangkad na nakasuot ng puting under shirt na pinatungan din ng white americana suit at ang pambaba naman nito ay itim na pantalon at black leather shoes. Sinalubong ito ng palakpakan ng mga naroon but what caught her attention is the familiarity that the man brought her. He is an actor of course at lahat halos ng pelikula at t.v. shows nito ay napanood na niya maliban pa sa pagiging school mate nila noong kolehiyo palang nila pero maliban doon ay parang nakita na rin niya ito sa ibang lugar at pagkakataon pero dahil sa medyo malayong pwesto mula sa kinatatayuan ng binata ay hindi niya ito mabistahan ng maayos ganoon pa man ay hindi maiwasang sumikdo ng dibdib niya habang sinusundan ito ng tingin paakyat ng mini stage. His medium length straight hair was neatly comb-over unlike when they were in college when it was usually parted. Kinamayan nito ang nadatnang tao sa mesa at ng humupa ang palakpakan ay umupo na rin ito. “And now let’s start with our program.” Ani ng moderator pagkatapos ay nagpakilala. “First of all, let me introduce first our company’s profile.” She then discussed briefly the what’s and when’s of their company and their missions and visions. “And now, let’s hear our Production and Research Head on why our new product, the Coffee at Work is more valuable as an energy drink than our normal energy drink in the market today, then you can have your questions afterward. Let’s welcome Mr. Lorenzo Paredes.” Tumayo si Mr. Paredes at tinungo ang podium. Mayroon siyang ilang minuto para ibahagi ang research nila at ang benefits ng kanilang produkto. He’s been doing this job for a long time already but today it was quite different. He has to face a lot of people with cameras flashing on him. He is a quite person and he used to work only at his designated office or in the production area along with his subordinates. Nevertheless, it won’t stop him for doing his best lalo na at nakasuporta sa kaniya ang buong kompanya. Lumingon ito sa kinauupuan nila at isang ngiti ang iginawad sa kanila. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang sintido bilang pagsaludo dito. Nang matapos ito ay sumunod naman ang question and answer portion na nasagot naman nito ng maayos. Pagkatapos ay sumunod naman dito ang Marketing Head nila na si Mr. Alani Sandoval sa pagsasalita. Katulad ng naunang speaker ay nagawa din nito ang kanyang speech ng maayos. He’s been working in the company for twelve years now pero naging head lang ito ng kanilang marketing department three years ago. Halos nagkasabay lang sila nitong magsimula sa kompanya kaya naman ay isa din ito sa mga malalapit sa kanya bagama’t halos lahat ng mga tauhan nila ay nakakausap naman niya. Isa nga lang si Alani sa iilan na naging malapit sa kanya dahil na rin siguro sa hindi nila nagkakalayong edad. Bilang isang audience ay masasabi niyang maagaling sa pagkakataong iyon ang mga tao nila sa trabaho nila. They are not just great; they are even superb. Her father would have been very proud of their people kung nandoon lang ito sa pagkakataong iyon. He has a prior commitment sa manager ng farm nila kaya naman ay hindi ito nakadalo sa event na iyon but he still managed to send a congratulatory text message to her. She smiled after reading the text message. After another fifteen minutes of Alani Sandoval’s speech and questions and answers, finally the part that she was extremely waiting for came. Tinawag na din si Marro ng moderator nila para magsalita sa harap. He will be discussing briefly kung bakit siya napapayag na mag-endorse sa produkto nila samantalang nagsisimula pa lamang sila sa pag-develop nito. He will also be talking about the benefits on taking their drinks. She could not avoid staring at him while he speaks. Her gaze was glued on him. Malayo ito pero nararamdaman niyang umiinit ang pisngi niya. He’s the only one who has that power over her. He can make her blush kahit siya lang ang nakatingin dito just like the old days. His dimples got even deeper na lalong lumalalim kapag ngumingiti ito. He still has that habit of brushing his hair back kahit na naka-ayos naman ang buhok nito hanggang sa ang ilan niyon ay tuluyan ng bumagsak sa mukha nito. Dagli siyang napakunot ng noo ng maalala ang lalaking nasa kama niya kani-kanina lang pero dagli din niyang pinalis sa isip niya iyon. Imposible. Pero halos magkasing-baha nga ang buhok ng lalaking iyon sa buhok ni Marro ngayon. Ipinilig niya ang ulo. That was absurd. The press responded positively iyon nga lang ay hindi lamang sa mga sinasabi ng binata tungkol sa produkto nila ang mga ito interesado kung hindi pati rin sa personal nitong buhay. During the question and answer, some of them asked about the reason kung bakit ito naghiwalay at ang artista at modelong si Isabel Santos na binalewala lang ng binata. Noong una ay humingi pa ito ng pasensiya na hindi iyon ang tamang pagkakataon para masagot nito ang mga tanong na iyon dahil naroon siya para sa produktong ine-endorso nito but when someone insisted on asking again, he cleared that the occasion was not for him to answer about the unrelated question to the product he was endorsing. Pumagitna ang moderator nila. “Ladies and gentlemen, I understand that Mr. Dominguez here is such a fine bachelor but as of now, you can all ask only about your concern about our products or our company. Whatever your questions about Mr. Marro Dominguez’s personal matters, he has his right not to answer them. We are sorry.” Tinawag niya ang kaninang nag-assist na event organizer sa kanila. “Have we had a briefing with the press about the questions that they should only be asking about the product that we are releasing right?” “That’s right Ma’am. Sometimes things like this really happen but we will handle it.” Kalmado nitong sagot pero alam niyang apektado din ito. “Please.” Aniya rito na ang ibig sabihin ay kontrolin nito ang paglaki ng issue. Tumango ito at umalis din. “Any other questions, please.” Narinig niyang sabi ni Mechelle. If things go the other way around, it would affect their company big time. Alam niyang alam iyon ng mga tao nila pero may tiwala siya sa mga ito. This company was all their home and they will surely pull through. Magtatagumpay sila sa paglabas ng kanilang bagong produkto. Kailangan nilang magtagumpay! Nakita niyang may nagtaas ng kamay. Isang lalaki iyon. “I am from Showbiz and Business online platform. I have a question. It’s about the company’s management relation with Marro.” “Yes. What about that?” ani Mechelle. “We have heard that Marro is currently seeing the current CEO of Farm Living. Was she the reason of the break-up of Marro and Isabel?” Umingay ang buong silid at nagkislapan na naman ang mga linte ng kamera. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. What the hell is happening!? Bakit tungkol na sa kanya ngayon ang itinatanong ng taong ito? Tumingin siya sa gawi ni Marro at nakita niya din ang pagdilim ng mukha nito. “Ano ba ang sinasabi ng taong ito?” narinig niyang sabi ni Marky na noon ay tumayo at tumayo sa may likuran niya. “Excuse me, I don’t think our CEO has ever been in any form of association or relation with our endorser. Thank you.” Diretsang sagot ni Mechelle pero agad namang tinanong pabalik ng kolumnista. “Even if we have proof that they were sleeping in the same room just before this press conference?” The man insisted sabay taas ng hawak nitong cellphone. Umingay lalo ang ibang reporter sa narinig. May ibang nakipag-usap sa mga katabi nila, samantalang ang iba naman ay nagsipag-tingin sa kanilang sariling cellphone at ang ilan ay inulit ang tanong ng naunang kolumnista. Siya nama’y parang nabingi sa narinig. Ilang beses din siyang kumurap-kurap pero talagang nasa harapan siya ng mga reporter na ito at hindi lang panaginig ang mga nagaganap. ‘Did she just sleep with someone before this press conference started?’ Pipi niyang tanong sa sarili. Pati tuloy siya ay kumuwestyon na sa kanyang sarili. Noon niya naalala ang lalaking kasama sa kama na may gulo-gulong buhok na tumatabing sa mukha nito na nagbalot ng comforter sa katawan. Was that Marro!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD