Chapter 4-THE THREAT

4999 Words
Pakiramdam ni Marro ay natutulig siya sa ingay na naririnig niya sa kaniyang paligid dahil sa komusyon na idinudulot ng maingay na kolumnista. Everyone in the room seems to be eager to hear anything from him. He is just beginning to pull himself up after his break-up with Isabel and this is what had happened. He clenched his jaw. He just wanted to start again. Why do people have to be this inconsiderate of others? “I guess we are having a misunderstanding here.” Sagot ng moderator. “As I said earlier, there are no relation whatsoever our…” putol na sagot ni Mechelle dahil sa mahina niyang pagtawa mula sa podium. “Thank you for answering on my behalf, Ma’am.” He said politely pero nandoon na ang dilim ng mukha niya at diin sa pagsasalita pagkatapos ay nilingon ang nagtanong na reporter. “Okay. For your satisfaction regarding the break-up that I had with Isabel, that happened three months ago and I don’t think that anyone I’m seeing right now if there are any, makes it the reason for our break-up.” “So, are you admitting that you and the CEO are really in a relationship right now?” Muli ay mahinang tawa ang pinakawalan niya. “Let’s not tarnish anyone’s name here. I am here as the company’s endorser. I have my contract with them and if you want to see it, you can go directly and talk to my manager.” Hindi pa rin tuminag and lalaki na halatang hindi kuntento sa nakuhang sagot mula sa kanya. The online columnist was really persistent on getting the answer he wanted. “Should we just get an answer from the CEO then?” Hanggang ngayon ay hindi niya parin makalimutan ang kahihiyang dinanas dahil sa kapabayaan niya tapos ngayon ay dinadagdagan pa ng kolumnistang ito ang una niyang problema. Lumingon sa ibang gawi ang kolumnista na sinundan naman niya ng tingin na dumako sa gilid na bahagi ng silid at doo’y nakita niya ang isang babaeng naka-dark green suit and slacks business attire na nagpasingkit sa mata niya. Maayos ang pagkakatali ng buhok nito na bumagay sa business attire nito ganoon pa man ay nakilala niya pa rin ito. Ito yung babaeng nagisnan niya kanina sa kwarto! Pakiramdam niya ay sinipa siya ng sampung kabayo sa kanyang sikmura sa realisayong iyon. The woman was the CEO of the company he is endorsing? He pursed his lips and curse himself silently habang iniisip ang naging sanhi ng pagpasok niya sa kwartong iyon. Akala niya ay nakalimot na siya pero sa nangyari ay muli niyang kinukwestyon ang kanyang sarili. Halos lahat ng mga naroon ay sinundan ang tingin ng kolumnista habang ang may mga camera ay nagsimula nang kumuha ng mga larawan at mag-record. Gusto na niyang maniwalang 'when it rains, it pours.' Pero bakit ngayon pa? He doesn’t want to mess with anything right now lalo at ito ang pinakaunang trabahong tinanggap niya after his recent break in showbiz. He is just starting to live again but life is quick at throwing problems at him. He clenched his fist. Handa na siyang sugurin ang kolumnista pero alam niyang mas lalala lang sitwasyon kung paiiralin niya ang init ng kanyang ulo. Sa huli ay pinilit niyang maging mahinahon. Pasikreto niyang ipinagpag ang dalawang braso sa kanyang tagiliran habang ikinakalma ang kanyang sarili. Ilang beses din siyang huminga ng malalim upang pigilan ang sarili sa pagsugod sa lalaki bago siya nagsalita ulit upang maibalik sa kanya ang atensyon ng mga taong naroon. “Ladies and Gentlemen, I am here as an endorser kaya nakikiusap ako. Whatever it is that you want to know about my life and my relationships with anyone, I will be answering them on another platform.” Nilingon niya ang babaeng noo’y tila gulong-gulo sa nangyayari. “Just call my manager anytime within this day and I’ll be more than willing to answer all your questions, in the right place and time and as I said earlier, on another platform. Not here.” Madiin niyang turan. Sinalo siya ng moderator. “Thank you, ladies and gentlemen, for coming here. We have prepared a small party after the press conference. There are also foods to be served on your designated table so kindly take your seats after.” He exited pagkatapos niyang kamayan at pasalamatan ang dalawang kasama sa stage na tila naguluhan din sa mga naganap. Agad niyang tinungo ang pinto ng silid at lumabas doon kasunod si Ding at ang kanyang Road Manager. Naiinis niyang hinubad ang kanyang suit. Everything is messed up. “Let’s go, Martina.” Tila nahimasmasang wika ng ina ni Martina na humawak sa kanyang braso. Nakita niyang mabilis na lumabas ng silid si Marro kasama ng mga staff nito pagkatapos magsalita ng kanilang moderator at kita sa mukha nito ang frustration tungkol sa mga nangyayari. Sinundan ito ng ilang reporter habang ang ilan naman ay nagsimulang lumapit sa kanila at nagtatanong tungkol sa totoong relasyon niya sa actor. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatianod siyang tumayo at nagpahila sa ina. Ang isa sa pinaka-ayaw niya ay mapagbintangan siyang other woman samantalang NBSB siya! The nerve of this people! “I’ll stay here. I’ll help in sorting things out.” Narinig niyang wika ni Marky na bahagya niya lang tinanguan. Just like Marro, she didn’t anticipated things to turned out like this. The issue might turn their business upside down lalo na kapag pinatulan iyon ng mga tao. Tuloy ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahapo. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mag-isip. Was it really Marro? Ito ba talaga ‘yung lalaking nasa silid niya kanina? She was not so sure herself dahil di naman niya nakita ang mukha ng lalaking nakagisnan niya sa kanyang kwarto kanina pero kung may ebidensya ang mga reporter ay baka totoo nga na ito iyon. But the question is, bakit ito naroon sa kwarto niya? Mabilis nilang narating ang kinapaparadahan ng sasakyan niya sa parking area ng hotel na iyon habang nakasunod pa rin ang ilang reporter. She has a meeting after the press conference sa opisina nila. Huminga siya ng malalim. This is not the time to be discouraged. They have come this far already at ang pinakahuli niyang pwedeng gawin ngayon ay maupo nalang at mawalan ng loob. “Ma, I’ll be heading to the office. Ihahatid ko na muna kayo sa condo bago ako tumuloy.” “Pero okey ka lang ba?” Nag-aalala nitong wika. She nodded. “Okey lang ako, Ma.” Tinitigan siya ng mama niya ng matiim pagkuwa’y bumuntung-hininga. Pagkatapos ay walang salitang pumasok at umupo sa passenger’s side ng sasakyan. Buong biyahe ay nanatiling tahimik ang mama niya. Hindi man ito nagsasalita pero alam niyang nag-aalala ito sa kanya at sa kahihinatnan ng kompanya nila dahil sa nangyari. She is sure to be interrogated by her father also kapag nabalitaan na nito ang nangyari kani-kanina lang. Dumiritso na siya sa opisina niya pagkahatid sa ina. Pagkapasok palang niya sa vicinity ng building nila ay sinalubong na siya ng kakaibang tingin ng mga staff. Binalewala nalang niya ang mga iyon at dumiritso na siya sa kanyang opisina. Inabutan niya roon ang office secretary niyang si Amanda na agad namang bumati. Ito ang counterpart ni Marky na siya naman niyang personal secretary. “Anong eksaktong oras ang meeting ko sa Purchasing at Distributing?” “Eleven a.m. Miss.” “Salamat.” Aniya rito at pagkatapos ay pumasok muna sa kanyang silid at ini-lock iyon. She slumped on her chair and closed her eyes. Now what will happen? Inikot-ikot niya ang kanyang upuan sa pag-asang makaka-isip siya kahit papaano ng sagot sa kanyang tanong pero wala talaga siyang maisip. She closed her eyes harder. Ibig bang sabihin nito ay maghihintay lang siya sa magiging tugon ng mga tao sa nangyaring issue kanina? Noon naman biglang tumunog ang kanyang cellphone na nagpamulagat sa kanya. It was her father. She was having a second thought kung sasagutin niya ba iyon pero sa huli ay nagdesisyon siyang sagutin na lang iyon. There would be no help kung susubukan niyang taguan ang ama sa sitwasyon niya ngayon. “Pa.” Mahina niyang sagot. “Kumusta ka?” Seryosong tanong ng ama niya. It’s not the usual greeting that her father would say sa tuwing tatawag ito. “I’m good. Bakit kayo napatawag?” Sandaling nanahimik ang ama sa linya bago ito sumagot. “Narinig ko sa balita ang tungkol sa nangyari. Asan ka ngayon?” “Nandito na ako sa opisina ngayon, Pa. Don’t worry.” “Do you have any plans regarding this?” Bumuntung-hininga siya. “Wala pa po but I’m thinking. Sooner I’ll come up with a bright solution and I’ll let you know then.” “Let’s talk when I get back tomorrow. Nasa Manila na ako bukas.” “Sige po.” Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang tawagan. She has until tomorrow para makaisip ng magandang solusyon in case na hindi umayon sa plano niya ang mga sususnod na pangyayari and she has until tomorrow to pray na sana ay hindi maging malala pa ang kanina ng masamang nangyari. Noon naman kumatok sa opisina niya si Amanda. Mabagal siyang tumayo at binuksan iyon. “Ma’am, excuse me. May tawag po sa telepono from Channel 44. Asking kung pwede daw kayong ma-interview.” Napakunot siya ng noo. “About what?”“About kay Mr. Marro Dominguez daw.” “No. Tell them I’m on a meeting.” “Sige po.” Sagot nito at umalis din ng silid. Napaptitig siya sa kanyang cellphone ng umilaw ulit iyon. Napangiti siya ng makita kung sino ang nasa kabilang linya. Si Carolyn. “Kumusta ka naman?” Bungad niya. “Ikaw ang kumusta? NBSB ka pa kagabi a tapos ngayon nabalitaann ko na kayo na raw ni Marro?” Halatang nagpipigil ng tawa ang kaibigan niya habang nagsasalita. “Hey. Para kang sira. Paano mangyayari ‘yun samantalang di ko pa nga nakikita ‘yun ng malapitan?” “Anong sira? Kakanood ko lang ng t.v. at may lumabas talagang showbiz report tungkol sa inyong dalawa. Ipinakita pa nga yung paglabas ni Marro sa hotel room mo ng naka-balot sa comforter e.” Hindi na nito napigilan ang tawa sa pagbabalita nito. “What?!!!” napahawak siya bigla sa kanyang ulo ng maalala ang nangyari sa hotel room kanina lang. “It’s true. May nakita akong clip online. Ipapadala ko sa’yo.” She can’t be only sitting right now and doing nothing. Everything is about to explode. “Martina, andiyan ka pa ba?” “Yes, yes.” Aniya sa aligagang boses. “Sige na. Usap nalang tayo ulit next time. May meeting pa ako.” She cut the line then she run outside her office. Inabutan niyang may kausap ang office secretary niya. “Pakisabi sa Distributing at Purchasing na papunta na ako ngayon sa opisina nila. I will meet them at Purchasing’s office.” Aniya rito ng makitang ibinaba na nito ang telepono. “Noted Ma’am. Pero may tumawag po pala ulit na network. Nagtatanong kung kailan daw kayo available for interview?” “Please tell them na may meeting ako ngayon. Marky will handle them later.” “Sige po.” Nagmamadali niyang tinungo ang opisina ng Purchasing. She has a lot of things to discuss with them lalo na sa sitwasyon ngayon. She is really unsure if they have to sustain their earlier plans regarding the purchases that they are going to have since nanganganib ang distribution ng bago nilang product unless the issue turned into something beneficial for them. She looked into her handphone. It was currently vibrating. Nang tiningnan niya iyon ay si Marky ang nakita niyang tumatawag sa kanya. Agad niya iyong sinagot. “Yes?” “Have you heard about the news?” Tumaas ang kilay niya. “Alin?” May duda na siyang katulad din ng sinabi ng kaibigan kanina ang sasabihin nito pero tinanong niya pa rin ito. “Nagkalat ang litrato ng isang lalaki sa internet habang palabas ng hotel room mo tapos sa isa pang online report binaggit pa doon na CEO nga daw ng Farm Living ang may-ari ng pinanggalingang kwarto ni Marro.” Bulalas nito. Lihim siyang napamura sa sarili niya. “Tama naman ‘yun na may lalaki ngang galing sa kwarto ko kanina kasi nakita niyo naman ‘yun ‘di ba? Pero bakit nila naisip na si Marro ‘yung tao?” “Di ko din alam. Iyon ‘yung lumabas sa balita e.” Bumuntunghininga siya. “Nakita ba nila yung mukha nung tao? They are just speculating.” Nanahimik sandali si Marky sa kabilang linya. “By the way…” anito na tila nag-aalala sa susunod na sasabihin. “Ano ‘yun?” “Ahhh… May tumawag na showbiz reporter from channel 21, they are asking for an interview with you.” “Just tell them that I’m always busy. May mga tumawag na din dito sa office niyan. There is no need for that. They can speculate hangga’t gusto nila.” “Pero paano ka?” Nag-aalala nitong tanong. “Paanong ako?” “Madam, you are a single lady. Madudumihan ang pangalan mo kung magtutuloy-tuloy ang isyung ganito and this might even affect our company’s business.” Pinag-isipan niya ang sinabi ng secretary at pagkatapos ng ilang sandali ay napahinga ng malalim. “Tama ka. Therefore, I have to ask our company lawyer kung ano ang dapat na gawin, right?” “I think so. And the hotel should be held responsible also.” “Sige. We will do that.” “How about the reporters?” “Let them write. That’s their job. Huwag lang silang sosobra because I’m gonna sue them.” Hindi man niya nakikita ang kausap ay alam niyang umismid ito sa sinabi niya. “Paano mo gagawin ‘yun aber? You are too kind to do that.” Mahina siyang tumawa sa sinabi nito. “Sige na. I’m on my way to my meeting with Purchasing and Distributing. How’s the after party?” “Almost done. I’ll be there maybe after an hour.” “Sige.” Then she hang-up. Binilisan niya ang kanyang paghakbang. In this situation, she is fully aware that there are only two things that might happen. Ang magtagumpay sila sa launching ng new product nila o mabigo siya at mahila niya pababa ang kompanya at mga tao nila. And she will never choose the latter of course. Whatever happens, she will succeed. Hindi nakauwi ng matiwasay si Martina kinahapunan. After her meeting with the Purchasing and Distributing department, she attended several meetings with the PR department para mas maagang ma-address ang issue na nangyari noong umaga. They monitored the issue in the internet at masasabi ngang isa ang mga pangalan nila ni Marro sa pinaka pinag-uusapan sa araw na iyon bagama't karamihan sa mga iyon ay hindi kagandahan. Kung masama o mabuti ang idudulot niyon sa kompanya nila ay hindi pa nila masabi pero ayon kay Marky ay maraming hate comments na itong nababasa sa social media patungkol sa kanya. Along with their company lawyer, they all agreed to include the hotel and Marro’s management statements para ma-clear up ang misunderstanding. They are taking it seriously because a mere incident of negligence should not be the reason for their company’s downfall. Maraming umaasa sa kompanya nila at marami pa siyang pangarap para mas lumago iyon. Marky has started contacting Marro’s manager and after some attempts ay nakausap din nito iyon. They have set a date para sa meeting nila ganoon din sa management ng hotel na napag-alaman niyang part-owner din pala ang binata. Marro tried to open his eyes. It was still early in the morning pero ang Mama niya’y naroon na sa kanyang kwarto at ginigising siya. “Bumangon ka na diyan pwede ba?” Narinig niyang sabi ng mama niya. Bahagya niyang idinilat ang kanyang mga mata pero tinatalo siya ng kanyang antok. Halos kakatulog niya palang mula sa halos magdamag na taping sa kanyang tinatapos na t.v. show tapos heto at gigisingin siya ng ina. “Hindi ka ba babangon diyan?” Narinig niyang sabi nito ulit na sinagot niya lang ng mahinang ungol pagkatapos ay panandalian siyang natahimik ulit. Ngunit makaraan lang ang ilang saglit ay hampas na ng kung ano sa likuran niya ang naramdaman niya. “Ma. Bakit ba?” Nanghihinang tanong niya dito. “Tumayo ka diyan.” Utos ng ina niya sa nahihimigan niyang inis sa boses nito. “Bakit ‘Ma?” Kumuha siya ng isang unan at niyakap iyon. “May gana ka pang magtanong pagkatapos kong mabasa ang laman ng diyaryong ito?” Hindi man niya nakikita ay siguradong iwinawagwag ng ina sa harapan niya ang tinutukoy nito. Mula sa pagkakadapa ay umupo siya. “Ano po ba ‘yan?” “Ayan tingnan mo at ng mahiya ka naman.” Anito sabay hagis sa kanya ng hawak nitong diyaryo na siya palang ipinang-hampas sa likod niya kanina. Naghihikab niyang kinuha ang diyaryo at ginusot muna niya ang kanyang mga mata bago niya iyon pinsadahan ng basa. Pagkatapos ay balewala niyang inilagay iyon sa gilid niya at nahiga ulit. “Wala ka bang sasabihin bata ka? Ganyan ba kita pinalaki, Marro?” “Ma. Patulugin niyo muna ako, please. I will talk to you later. Just give me another hour para makatulog pa.” Pakiusap niya sa ina. “Hala sige. Maging iresponsable ka. Alalahanin mong babae din ang ina mo.” Halata na ang galit na sabi ng ina na ikina-buntunghinga niya. Of course, alangan naman na makalimutan niya iyon. “Ma. I’m just asking for another hour. Patulugin niyo po muna ako.” “Hala sige. Huwag na huwag mo akong lalayasan ha at nandiyan din ang papa mo sa baba at hinihintay ka.” Napabalikwas siya ng bangon. “Si Papa?” Tumango ito. Sa narinig ay parang dagling nawala ang antok na kanina ay tumatalo sa kanya. “Bakit daw siya nandito, Ma?” “At bakit naman hindi siya pupunta rito? Bahay niya naman ito a.” Sarkastikong tanong ng ina niya pabalik. Tahimik niyang inisip ang petsa ng araw na iyon. His father has been staying at their ancestral house in Ilocos dahil narin sa nandoon ang negosyo nito at wala namang okasyon ngayon para sadyain sila nito dito sa bahay nila sa Quezon City. “Ano hindi ka na ba matutulog?” Pukaw sa kanya ng ina. “It’s too early, Ma. Tingnan niyo. Alas singko palang ng umaga.” Aniya sabay higa ulit at maya-maya'y tumaob. Isinubsub niya ang kanyang mukha sa kama at pinatungan niya ang likod ng kanyang ulo ng unan. May kaunting oras pa siya para makatulog ulit. Narinig niyang bumukas ang pinto niya at lumabas ang kanyang Mama. Siya nama’y pumikit ulit. He just wanted to forget everything pero ang laman ng diyaryong binasa niya kanina ang naisip niya. The woman was quite strong but as someone working in the limelight, he knows that what she was going through right now is just the start. Napasimangot siya. Bakit ba kasi kailangang ipabasa iyon sa kanya ng ina? “Haissst.” Naiinis niyang tinabig ang unan sa kanyang ulo at padabog siyang naupo. Nagtatalo ang isip niya kung tatayo at lalabas na ba siya o mananatili sa loob ng kanyang kwarto at magkukunwaring natutulog. Sa huli ay mas pinili niyang tumayo nalang. There would be no difference anyway. Tumayo man siya ngayon o mamaya man ay parehas din naman sasakit ang ulo niya dahil hindi na rin naman siya makatutulog. He silently cusses himself for doing something stupid few days ago. “Good morning, Ma. Good morning, Pa.” Bati niya sa mga magulang ng madatnan niya ang mga ito sa kanilang hapag kainan. Humihigop ang ama niya ng kape habang nagbabasa ng diyaryo at ang ina naman ay kumakain ng almusal. Umupo siya sa harapang upuan ng kanyang ina habang ang ama naman ay sa kabisera ng lamesa nakaupo. Bahagya lang siyang binalingan ng tingin ng ama samantalang ang ina naman ay isang irap ang ibinigay sa kanya. Maliwanag na sa kanilang komedor dahil maliban sa bukas na ilaw ay tumatagos din sa malaking salamin sa harap ng kanilang mahabang lamesa ang pang-umagang araw na nagpasilaw sa kanya. Kumuha siya ng itlog, daing na bangus at sinangag sa kanyang pinggan. Maya-maya ay tumitingin siya sa kanyang ina na maya-maya din naman ang irap sa kanya. Binilisan niya nalang ang kanyang pagkain. Hindi niya alam kung ano ang sadya ng ama sa biglaan nitong pag-uwi ng Maynila pero ang pipi niyang hinihiling na sana ay hindi iyong tungkol sa nangyari ilang araw na ang nakakaraan ang isinadya nito sa kanila. His father cleared his throat. Nakita niya ring kinuha na nito ang table napkin nito at bahagyang nagpunas sa bibig nito. Ang ibig sabihin ay tapos na itong mag-almusal gayunpaman ay nanatili ito sa mesa at ipinagpapatuloy ang pagbabasa nito ng diyaryo. Binilisan niya lalo ang pagkain hanggang sa wakas ay natapos na rin siya. Ang Mama niya ay ganoon din. Pagkatapos niyang magpunas ng bibig gamit ang table napkin ay siya namang pagbaba ng ama niya ng diyaryong hawak-hawak nito at mataman siya nitong tinitigan. “Are you now ready to take over our business?” Anito sa malamig na boses. Ang construction business ng pamilya nila sa Ilocos ang tinutukoy nito na matagal ng gustong ipasa sa kanya. Napakunot siya dito ng noo. “Pa, ang usapan natin ay hahayaan niyo muna ako dito sa trabaho ko hanggang sa mag treinta y singko ako. Treinta pa lang ako Pa. I still have five years.” Dinaan niya sa tawa ang paliwanag niya dito na binalewala naman nito. “Make yourself ready dahil isasama na kita sa Ilocos pagbalik ko.” “‘Pa, bakit?” Hilakbot niyang tanong dito dahil sa narinig. He has his own business here in Manila na kailangan ding asikasuhin maliban pa sa career niya sa showbiz na ilang taon niya na ring iniingatan. Inilatag nito sa harap niya ang kaparehong diyaryo na ipinanghampas ng Mama niya sa kanya kanina. “Why bother asking kung bakit? Ayan magbasa ka.” Naisuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang gulo-gulong buhok. He was right. Ang insidenteng nangyari four days ago nga ang dahilan kung bakit napaluwas ang ama niya sa Maynila. “Pa, don’t bother about this. Tsismis lang ‘to.” Dinampot ng ama niya ang inilapag nitong diyaryo at uundayan sana siya ng hampas kung hindi lang siya nakatayo kaagad. Pinandilatan siya ng ina. “Bumalik ka sa upuan mo.” Matigas nitong utos. “Ma. Are you letting Papa beat me up?” Tila nagtatampong tanong niya dito. “Maupo ka dahil kung hindi ay ako ang bubugbog sa’yo.” Muli ay pinandilatan siya nito kaya naman ay parang basing sisiw siyang naupo ulit sa kaliwa ng ama. “Pa…Ma, don’t be bothered with that. Alam niyo namang sa trabaho ko kahit kaunting bagay ay lumalaki ng sobra kapag pinapatulan ng ganyan.” “That is why you need to stop that. Sumama ka na sa akin sa Ilocos.” Madiing sabi ng papa niya na ikinatayo niya. “No! Hindi ako sasama,‘Pa. You are still too young para palitan kita.” “So, what are you going to do about this?” Anito sabay taas ng diyaryo. Napangiwi siya. His manager will be having a meeting with the CEO's company para pag-usapan ang mga nangyari pero siya ay wala talaga siyang konkretong plano tungkol doon. He was so used on having different kind of an issue kaya hindi na siya maaapektuhan kung yung tungkol lang sa mga lumabas na larawan niya na kung saan ay nakabalot siya sa comforter na lumabas sa kwarto ng CEO ng kompanya ng ine-endorso niyang produkto. Hindi rin naman kita ang mukha niya kaya wala siyang dapat na ipangamba. The woman seems to be strong enough too when it comes to that kind of issue since wala din naman siyang narinig mula sa panig nito ever since but seeing the news today, bigla siyang nakaramdam ng kurot sa dibdib niya. Tiningnan niya ulit ang Headline sa diyaryo. ‘OUTRAGE FANS: TO BOYCOTT THE FARM LIVING PRODUCT’ “You are lucky not to be beaten to death by that woman. Kung ako ang nasa kalagayan ng babaeng ‘yan ay hahantingin talaga kita.” “Ma!” He exclaimed. “Isipin mo. Kasalanan mo na pumasok ka sa kwarto niya at nakunan ka ng mga litrato at video tapos yung babaeng nananahimik na nag-aantay lang ng event nila sa hotel na pag mamay-ari mo pa man din mismo ay siyang naperwesyo ng todo at ngayon ay pinaparatangan pang immoral ng mga tao.” Umuusok ang ilong na sabi ng mama niya. “To think na ikaw ‘yung endorser nila, dapat lang na may gawin ka.” “Tama ang Mama mo. Be responsible. Paano nalang iyong kompanya nila at mga tao nila kapag binoycott sila ng mga tao?” Sandali siyang nanahimik at inisip ang sinabi ng mga magulang. They are right. Endorser siya ng produkto ng kompanya at may bayad siya kahit na anong mangyari pero paano ang mga ito? He was part of the marketing strategy ng kompanya pero sa nangyari at nagawa niya ay siya pa ang sumira sa kompanyang ine-endorso niya. “So, what should I do?” Tiningnan niya ang mga magulang na nagpalitan naman ng tingin. “Ano ba ang dapat mong gawin kung nakita kayo ng mga tao na magkasama sa isang kwarto?” Napakunot siya ng noo sa tanong ng Mama niya. “Should I issue a public apology?” Aniya sa hindi siguradong boses. Tumango ang mama niya. “Yes, or better yet, marry the girl.” “What?!!!” Napatayo siya ng tuluyan sa sinabi ng Mama niya. “Ano ba ang sinasabi niyo?” “Do you think simply issuing a public apology will finally clear her name?” Singit ng Papa niya. “Never.” Iling niya. “I will never do that. At least, I believe that marriage is a sacrament and I don’t think I will ever be married for an obnoxious reason.” “Talaga ba? Then you should have done the opposite of that four days ago.” Pinandilatan siya muli ng Mama niya. “Bilang magulang mo, pangalan namin ang natataya sa bawat kalokohang nagagawa mo. I even read an article online na nagtatanong kung ano daw ba ang reaksyon ng mga magulang mo sa lumabas na balita at kung bakit daw hinahayaan naming ang immoralidad mo.” Sinalubong niya ang tingin ng Mama niya. “Seriously?” Tumango naman ito. “Give me the name of that writer, ‘Ma and I will sue them.” “Pagkatapos?” Sarkastiko nitong tanong. “Maaalis ba niyon ang lamat na sa pangalan mo at kami ay walang ginagawa para ayusin ang buhay mo?” “That’s so harsh ‘Ma. You know me better than that.” Hinawakan niya ang tinidor na ginamit kanina at pinaikot-ikot niya iyon sa kamay niya. “Exactly, my son. Alam namin na hindi ka ganoon pero hindi natin mababago ang tingin ng mga tao sa ngayon at dahil doon ay posibleng malaki ang maging dulot nito doon sa babaeng di sinasadyang nasangkot dito sa issue. The only possible way na malinis mo ang pangalan ninyong dalawa ay ang pakasalan mo siya.” Napatigil siya sa ginagawa ng marinig muli ang sinabi ng ina at natatawang napailing siya. “Never ‘Ma. That will never happen. You don’t even know that woman and you really want me to marry her para masagip ang negosyo niya at pangalan nila? How about me? You are willing to lose me para lang masagip ang iba? I am your son here for God’s sake. Paano pala kung may kabaliwan ang babaeng iyon, o di kaya naman ay may lahi silang baliw?” Inirapan siya ng ina ng marinig ang sinabi niya. “Sino naman ang nagsabi sa iyo na di ko kilala ang babaeng iyon? Of course, I know her. I know her family. Bakit ko gugustuhing makasal ka sa taong di ko naman kilala, aber?” Tumaas ang kilay niya. “So, you both are trying to trap me into marriage?” Angil niya sa mga ito. “Marro Dominic.” Matigas na tawag ng ama niya sa kanyang buong pangalan. Kung ganito na ang tono ng ama niya ay ibig sabihin lang niyon ay seryoso na ang kanilang usapan. “Be careful with your words, young man.” Tumayo siya sa kinauupuan at mahigpit niyang naisuklay ang dalawang kamay sa kanyang ulo. He bit his lip hard at sinalubong niya ang tingin ng mga magulang. “I’m not going to do what you are insisting me to do. This is my life and I want to live my life in a way I wanted to.” Taas ang ulong tumalikod siya sa mga ito pero bago pa man siya nakalayo ay narinig niya muli ang ama niya. “Then pack your things. You are coming with me.” Nagtagis ang bagang niya sa narinig, magkagayon pa man ay hindi na niya nilingon ang mga ito. He is afraid that he might say something that could hurt his parents even more at ayaw niyang mangyari iyon. Sapat at marami na ang pasakit na naibigay niya sa mga ito. Tinungo niya ang garahe nila at ng makasakay sa kanyang Wildtrak ay agad niyang pinaharurot iyon. He has to be away for a little while and there is only one place na mapupuntahan niya na hindi siya kino-kondena. Peace of mind is all he needs right now. Inapakan niya ang silinyador ng kanyang sasakyan at lalo pang tinulinan ang takbo niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD