“Good morning, Boss.” Bati ni Marky kay Martina pagpasok nito sa kanyang opisina.
Mula sa pagkaka-subsob niya sa pagbabasa sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang lamesa ay tinunghayan niya ito at nginitian. Iminuwestra niya rito ang upuan sa harap ng kanyang office table na agad naman nitong tinalima.
Pansamantala muna niyang itinabi ang mga papeles na hawak niya at binalingan ang kaharap. “May balita na ba?”
“Yes. Nakita ko na yung mga record sa CCTV doon sa hotel at pinayagan din naman akong makakuha ng copy and here they are.” Sagot nito sabay wagayway sa hawak nitong flash drive.
Napangiti siya. “Very good. Mabuti at hindi ka naman nila pinahirapan?"
"Hindi naman. Accomodating nga sila e."
Tumaas ang kilay niya. "Then good. Napanood mo na rin ba?”
“Siyempre naman pero mas maganda kung ikaw mismo ang titingin. Panoorin na ba natin?”
Tumango siya. “Please. Ikaw na rin ang mag-ayos.”
Tumayo ito mula sa pagkakupo at isinaksak nito ang hawak nitong flash drive sa desktop niya. Kumuha rin ito ng upuan at tumabi sa kanya. Tahimik lang sila habang hinihintay na mag-play ang unang record video. Nang mag-play iyon ay nakita niyang record iyon ng pagtayo niya mula sa bar na pinagkitaan nila ng kaibigang si Carolyn noong gabi bago iyong araw ng event. Alam niyang nalasing nga siya noon at kita din sa video ang pasuray-suray niyang paglalakad.
Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw niya mula sa pagtayo sa bar stool at sa paghawak sa bar counter habang palabas siya. Saglit din siyang napaisip kung bakit hindi siya nagpahatid sa kaibigan papunta sa kanyang hotel room kung ganoon na ang nararamdaman niya pero agad din iyong napawi ng maalalang mas maaga palang umalis ang kaibigan kaysa sa kanya dahil sinundo ito ng kapatid nito noong gabing iyon.
Sunod niyang nakita ang sarili sa video habang naglalakad sa hallway papunta sa kwartong inukopa niya. Napanatag ang loob niya ng makita ang sariling pumasok ng hotel room at ayon sa time stamp sa itaas ng screen ay nakapasok siya sa silid lagpas hatinggabi. Eksaktong 12: 48 ng umaga iyon.
Dahil sa nangyaring komosyon ay ilang araw din niyang pinagdudahan ang sarili kung may ginawa ba siyang hindi maganda noong nalasing siya but she felt relief na naging good girl naman siya.
Of course, she knows that she is such a good girl but with supporting evidence, she felt so much relief.
Ilang segundo din silang nanatili sa pagkakatitig sa screen ng computer hanggang sa natapos ang video na iyon. Sunod nilang pinanuod ay yung kaputol na video, iyon nga lang, hanggang sa natapos ay wala silang nakita na ibang taong pumasok doon sa kwartong okopado niya ganoon din ang dalawang sumunod pang video.
Nagtataka siyang napatingin kay Marky na nakakaintindi namang tumango sa kanya. Pinili nitong isunod iyong nasa kalagitnaan ng mga video files. Katulad noong pangalawa nilang napanood ay ilang mga taong napadaan lang doon sa hallway ang una niyang nakita hanggang sa ilang saglit pa ang lumipas ay may nakita siyang pasuray-suray na imahe ng lalaking naglalakad papunta doon sa gawi ng kwarto niya.
Hindi niya masyadong mapagsino ang nasa video pero pamilyar sa kanya ang kilos nito kahit na sa t.v niya lang ito nakikita. The man was wearing white polo and a khaki pants katulad ng pagkaka-alala niya sa mga damit na nakakalat sa sahig ng kwarto niya kinaumagahan.
He was two doors away from hers ng makita niyang tinitingnan ng lalaki ang numero sa pintuan at pagkatapos ay may kinuha ito sa bulsa nito maya-maya ay hinawakan nito ang seradura ng pinto pero hindi iyon bumukas.
Ilang sandali ring nanatili ito roon bago ito lumapit sa pinto katabi ng kanya. Katulad ng ginawa nito kanina ay sinubukan din nitong buksan ang nasabing pintuan pero hindi rin iyon bumukas.
Nakita niyang pasuray-suray na naglakad pabalik ang lalaki pero napatigil ito sa paghakbang ng makita ang pinto ng kwarto niya. Hindi niya alam kung maaawa siya dito o magagalit nang makita niyang tinungo nga nito iyon. Pagkalapit nito sa pinto ay malaya nitong nabuksan iyon gamit ang key card na hawak and the rest was history after that.
Napatayo siya sa kinauupuan ng makita ang mga nangyari. Bakit nito nabuksan ang pinto ng kwarto niya kung nasa kanya yung key card?
It was obviously the Hotel’s neglect that an incident like that happened and the people are bombarding her with negative remarks and immorality issues when in fact ay siya ang biktima dito. She was a hotel guest who deserves security pero ganoon ang nangyari sa kanya.
Now, what will she do? Handa ba siyang masira si Marro sa paningin ng mga tao kapalit ng kaniyang kaligtasan at ng kompanya? She bit her lower lip. Everything just seems to conspire against her and it pains her.
Gumilid siya sa kanyang bintana at tumanaw sa labas. She crossed her arms while thinking hard. She needs to decide.
Kapag lumabas ang video ay si Marro ang lalabas na iresponsable and her company’s newly launched product will be affected just the same dahil sa endorser nila ito. Nagtatalo ang kalooban niya kung ano ang gagawin sa sitwasyong kinasususungan ngayon.
Nakuyom niya ang kamao niya. Matagal niyang pinangarap na makita ito muli pero ngayon na nasisira ang pangalan at business nila ng dahil dito ay parang gusto na niya itong masakal.
“Boss, anong ginagawa mo?” Binalingan niya si Marky ng marinig ito. Lumabi ito at itinuro ang kamao niya. “May susuntukin ka ba?”
Huminga siya ng malalim at paulit-ulit niyang ni-recite ang inhale exhale sa isip bago siya bumalik sa kinauupuan niya kanina. Pinag-iisipan niya kung a-absweltuhin ba niya si Marro at kung paano niya iyon ipapaliwanag sa pamilya niya at sa mga empleyado nila, at tungkol sa hotel, it has to pay for the damage it caused her and her company.
She snapped her fingers. “Call our legal office. Pakisabi na pumunta dito si Attorney Arevalo.”
“ASAP?” Tanong nito na tinanguan niya. “Sige tawagan ko na.” Lumabas ito ng opisina niya at tumungo sa sarili nitong desk.
Pinaikot-ikot niya ang kanyang upuan. Nakaramdam siya ng pagkauhaw magkagayon pa man ay hindi siya tumayo para kumuha ng maiinom sa maliit niyang fridge sa loob ng opisina niya. She is tired and is literally drained right now. She was caught in the middle of the situation and she was hoping na ang legal team ng kompanya nila ay umayon sa naisip niyang solusyon.
She has to find way out kung gusto niyang lumagpas ang problema na hindi sila masyadong naaapektuhan.
Gabi na ay hindi pa rin makatulog si Martina. Kanina pa siya nagpabaling-baling sa kanyang higaan pero hindi pa rin siya dinadapuan kahit kaunting antok. She's been restless all day especially now that she is contemplating her decision of suing the hotel. It seems like whatever decision she will make, she will still be affected. And not just her, her company might still face unfavorable remarks from the public.
Earlier that night, she browsed her social media account and was alarmed by the comments she read. Not that people are only calling for the boycott of her company's latest product, but they are now even calling for the boycott of her whole company for the reason of immorality which left her in awe. A few days ago, she read an article in a newspaper about the said call to boycott Family Living products but she just brush it off thinking that it was not going to be that serious. Now looking at the hateful comments even on her own social media account, she doesn't think everything will just be fixed simply when most of those comments are coming from Marro and Isabel's fandom. She gets more worried about her parent's health and how are they coping given the situation right now.
Umupo siya sa gilid ng kanyang kama at marahang minasahe ang kanyang batok na nanakit sa kanyang pagkakahiga. Ipinagpapasalamat niyang hindi siya high blood dahil kung nagkataon, malamang ay kanina pa siya inatake dahil sa mga nabasa niya.
People can really be cruel lalo na sa kanya na nai-isyu sa idolo ng mga ito. There were no facts whatsoever that they relied with. Everyone is just commenting based on hearsay. Maaaring malaki sa part niya ang pagkukulang dahil wala siyang ibinibigay na paliwanag tungkol sa nangyari but she doubted if people ever believe her kung siya ang magsasalita.
Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag ipinalabas nila ang press report na napag-usapan kasama ang PR Department at lawyer ng kompanya nila. Maaaring lumabas na inililigtas niya lang ang sarili sa magiging statement ng kompanya nila and that makes her even worried dahil sa pag-aalala kay Marro, his career, and his name.
Gusto niyang maging maayos ang lahat pero gusto din niyang mailigtas ang kompanya niya kaya ngayon ay naguguluhan siya. Itutuloy niya ba ang pag-lalabas ng napag-usapang press release statement at hayaang ang hotel ni Marro ang managot sa lahat? Her dilemma is not something to brush-aside and she didn't know what to do.
She went outside her room and went straight to the kitchen and open the fridge. She needs a drink. Saglit siyang nag-isip kung ano ang kukunin, sa huli ay ang bote ng beer ang dinampot niya.
“You are still up?” Mula sa pagkakatitig sa kawalan ay napalingon si Marro sa pinaggalingan ng boses sa likuran niya. It was his cousin Sam. Pangalawang gabi na niya ngayon dito sa bahay ng pinsan niya at wala pa rin siyang planong bumalik sa bahay ng magulang niya.
“Naaabala na ba kita?” Seryosong biro niya dito.
Lumapit ito at sinagi ang likod niya ng balikat nito. “Nonsense. You can stay here kahit hanggang sa pagtanda mo pero kakatawag lang ulit ni Tita Barbara. Pinapauwi ka na.”
Alam ng pinsan niya kung ano ang nangyari sa bahay nila at ang dahilan kung bakit siya umalis ng wala sa oras at nagawi sa lugar nito. Alam din nito kung bakit kinailangan niyang ipa-cancel ang dapat sana ay taping niya kahapon at kanina para sa ginagawa niyang t.v show at kung bakit indefinite ang date na ibinigay niya sa kanyang manager kung kailan siya makakabalik. His cousin knows everything about his life.
Tahimik lang siyang tumanaw sa nagliliwanag na mga ilaw sa di kalayuan habang sa may gawing kaliwa naman niyon ay ang natatakpan ng dilim na Taal Volcano ang nakikita niya.
Huminga siya ng malalim na parang gustong lunurin ang baga niya sa hangin. Ang view mula sa balcony ng pinsan niya ang isa sa mga paborito niya kapag narito siya sa Tagaytay. It's very peaceful pero sa ngayon kahit ang katahimikan ng buong lugar ay hindi makapagbigay sa kanya ng kapayapaang minimithi niya.
“Don’t worry too much.” Seryosong humugot din ng hininga ang pinsan niya na tila ginagaya siya. “Don’t you know how lucky you are?”
Naiiling siyang napatingin dito. “How so?”
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito. “Man, that woman was quite a catch. I have seen her pictures in the news and I’m sure a lot of men would want to have her.”
“Ikaw din ba?” Tumaas ang kilay niya.
Umiling ito na natatawa. “Ang kay Marro ay kay Marro.” Seryosong biro nito.
“Shut up.” Ipinasok niya sa magkabilaang bulsa ng kanyang short pants ang kanyang mga kamay na dahil sa lamig kaya pakiramdam niya ay namamanhid na. Sana lang ay ganoon rin ang maramdaman niya mula sa pressure na dinadanas mula sa mga magulang.
“Ang sabi ni Tita Barbara ay pauwiin na daw kita kaso di ko alam kung paano ko gagawin yun.” Pag-iiba ni Sam sa usapan.
Lumingon siya sa kaliwa niya. “Just give me some time. Aalis din naman ako dito pero di ko pa nga lang alam kung kailan.”
“I told you, okay lang naman sa akin kahit magtagal ka.”
They stood there for a while without saying anything. Tanging paghinga at manaka-nakang pagbabago ng posisyon nila ang bumabasag sa kanilang katahimikan.
He has thought about different ways to get out of the trap his parents are setting up for him and he is even secretly wishing that they were not that serious or just bluffing about the marriage but still he can’t just sit and do nothing about it if ever it was already decided.
Could he just run away? But why will he do that? Handa siyang managot sa nagawa niyang kasalanan kung hihingiin ng babaeng iyon ang papanagutin siya but he is wondering why they are still not doing anything about him. The company didn’t even call his manager- at least that’s what he knows- for the termination of his contract or anything that could put him in trouble.
Yes, he will not run away from the punishment whatsoever but how about the marriage?
That’s another story! Another story he is not bound to commit with.
Kanina pa paroo't parito si Martina sa loob ng kanyang opisina na maya-mayang tumitingin sa kanyang cellphone. They are about to issue a press release two days from now to clear her name once and for all and to hold the hotel accountable for the damages it has caused to her and her company. The hotel knows about their stand. Kinausap na ang representative ng mga ito ng kanilang legal team tungkol sa legal issues and they know her company’s position at nangako naman ang mga ito na mananagot sa naging pagkukulang sa kanya as one of their hotel guest.
Hindi na siya nakatiis at malakas na tinawag ang kanyang secretary mula sa loob ng kanyang opisina. “Marky, is everything settled? Nakausap na ba ninyo yung mga contacts natin?”
Nagsala-salabat na ang naglabasang kwento tungkol sa kanya. Bukod sa unang napabalitang siya ang third party sa hiwalayang Isabel at Marro ay naroong may lumabas na balita na nagsasama na daw sila ni Marro habang mayroon namang nagsasabi na plinano niya daw ang mapikot ang sikat na actor na nagpapataas ng kilay niya. Not in her lifetime na naisip niya iyon.
“Yes, boss. Nandito ako ngayon sa PR Office. Our PR Department has talked to them already and has sent them via email our press release.” Tukoy nito sa management ng hotel.
Kahit hindi siya nakikita ng kausap sa kabilang linya ay tinanguan niya ang sinabi nito. “Please ask Mechelle to follow them up kung may mga tanong pa sila.”
“Yes, boss.” Sabay silang nagbaba ni marky ng telepono.
The press release would be their last resort para maiparating sa mga tao ang nangyari at para malinis din ang pangalan niya.
Honestly, kung pangalan lang sana niya ang nakataya rito ay wala naman siyang balak na didibdibin masyado ang nangyari, iyon nga lang ay inaalala niya ang pangalan ng mga magulang na dala-dala niya kaya gusto niyang maklaro lahat, mula sa isyu ng imoralidad na ipinaparatang sa kanya maliban pa sa imahe ng kanilang kompanya na gusto niyang pangalagaan.
On top on all of those, she’s too much of an old fashion of a lady para mapagbintangang immoral. She is a believer of love. She believes na dapat pagmamahal lang ang dapat na basehan para magsama ang dalawang tao. Not her even one-sided love would be enough of a reason para gawin niya ang binibintang ng mga tao.
Siya at si Marro ay walang kinalaman sa isa’t-isa. Iyon ang pinakaunang statement na nilinaw niya sa ilalabas na press release. They were not in any sort of relationship aside from being an endorser and CEO of the company. They haven’t even talked privately nor seen each other while the taping of the endorsement was in progress.
Second, their official meeting happened only on the day of the press conference that was held at the hotel and nothing more. She didn't even heard about Marro after that. Ang nangyaring insidente bago ang press conference ang gusto niyang hindi malantad sa mga tao dahil ang kompanya niya lang din naman ang magkaka-problema, siya man o si Marro ang makita ng mga tao na may kasalanan, pero wala siyang magagawa upang pagtakpan ng tuluyan iyon. She has to tell the truth.
Third, she takes pride in believing that love should be the foundation of a relationship at hindi siya isang imoral na tao. Gusto niyang linawin iyon sa lahat whether people believe her or not. Nonetheless, she has to take her chance to clear everything.
Amanda pecked on her door. “They are downstairs already Ms. Rivera.”
Nginitian niya ito. “Papasukin mo nalang sila agad pagkaakyat nila. Salamat.”
Maingat niyang inilabas sa kanyang mini refrigerator ang carrot cake na binili kanina sa paborito niyang bakeshop bago siya pumasok sa kanyang opisina. Humiwa siya ng tatlo at inilagay sa talong platito.
Hindi nagtagal pagkatapos niya ay sumulpot si Amanda kasunod ang kanina pa niyang hinihintay na mga magulang. It was her first meeting with her father after the hotel incident. Ang dapat sanang kinabukasan na sinabi nitong pagdating sa Manila ay na-extend ng na-extend dahil sa ibang immediate business nito na umabot na nga halos ng isang linggo.
“Salamat Amanda.” Sabi niya sa kanyang office secretary na tinanguan naman nito bago ito lumabas ng kanyang opisina.
Umupo ang ina niya sa upuang naroon at lumapit naman ang ama niya sa kanya sabay yakap. Her mother is the most supportive mother someone would ever want but her father could be the most loving father in the universe she could ever wish for.
Alam niyang nag-aalala ito sa kanya dahil sa kinasangkutan niyang isyu.
"Are you okay?" Mahinang tanong nito sa kanya na nagpangilid ng luha niya na agad naman niyang sinupil. This is not the time to be weak.
“I am alright." Tumango-tango siya sa ama na iginiya niya sa upuan pagkatapos nilang magyakap. "What took you so long ‘Pa?” Ganting tanong niya rito pagkaupo nila.
“I have to talk to some people.” Anito pagkuwa’y hinawakan siya nito sa magkabilang siko. “Kaya pa ba?”
Hinawakan niya ang mga kamay ng ama. “Maayos lang ako ‘Pa. Huwag niyo akong alalahanin.”
Napalatak ang ina. “At paano naman namin gagawin yan na di ka namin aalalahanin aber? Everyone’s talking about you tapos wala kaming magawa para ayusin ang gusot na ito.”
Inabot niya ang kamay ng ina. “Ma, I will settle all this. We are going to issue a press release so you don't have to worry anymore.” Aniya sa mga ito. Tumayo siya at kinuha ang mga platito ng carrot cake at inilapag iyon sa harapan ng magulang. “Kain muna tayo, pambawas stress.”
Nagpaunlak naman ang mga ito at ilang saglit din silang hindi nagkibuan habang nakatuon ang mga pansin sa pagkaing nasa harapan nila bagama’t halata namang may kanya-kanya silang iniisip.
As much as she doesn’t want to dishearten her parents with regards to the issues and not let them be affected that much, avoiding them wouldn’t be that easy and keeping them in the dark would be worst.
Hindi lang iilang kolumnista ang nagsulat ng kwento nitong mga nakaraang araw tungkol sa relasyon niya umano kay Marro mapa-diyaryo man, sa telebisyon o online portal na maaaring napanood at nabasa na ng mga magulang niya na maaari ding pagmulan ng pag-aalala ng mga ito gayunpaman ay hindi niya nakitaan ng galit ang mga magulang niya pero alam niyang naroon ang pagkabahala ng mga ito sa kalagayan niya at ng kompanya nila.
Makaraang maubos ng ama ang laman ng platito nito at uminom ng tubig sa basong binigay niya ay isang buntunghininga ang narinig niya mula dito.
“What’s with that ‘Pa?” Aniya na may halong mahinang tawa.
Napalatak ito. “I am trying to think someway para tigilan na ng mga tao ang isyung ito.”
“Pa, katulad ng sinabi ko kanina ‘wag niyo ng alalahanin pa iyon. Makikita niyo din at lilipas din ang problemang ito.”
“But not to the expense of our company and you.” Bulalas nito. “Alam kong malaki na ang nalulugi natin dahil sa isyung iyan at maliban pa doon ay sinisira ka din ng mga tao.”
“Don’t worry too much ‘Pa. Ako na ang bahala sa bagay na iyon.” Salo niya sa inaalala ng ama. May history ito ng paninikip ng dibdib na kinumpirma ng doctor nila na may kinalaman iyon sa sakit sa puso at ayaw niyang ma-trigger pa iyon. Binalingan niya ang ina na noon ay matamang nakatitig sa kanya. Noong una ay umiwas ito ng tingin pero nararamdaman niyang may gusto itong sabihin sa kanya. “Ano ‘yun ‘Ma?”
Umiling ito at pagkuwa’y binitawan ang hawak na kubyertos. “I was just wondering, what can you say about marriage?”
Marriage? Napakunot siya ng noo at napapilig ng ulo. Tama ba ang narinig niya? “Marriage ‘Ma?” ulit niya sa huling sinabi ng ina na parang nababaghan. Paanong nasama ang kasal sa usapan nila ngayon? Sabay pa silang napatingin ng ama niya rito.
Mahina itong tumango. "What can you say about marrying?" Ulit nitong tanong.
Saglit siyang napapikit at in-absorb ang sinabi ng ina. Kasal? Pagpapakasal? She doesn’t have anything against the idea pero wala sa tamang pagkakataon ang tanong ng ina.
“Sino po ba? Ako po ba ‘Ma?” Pagliliwanag niya.
“Oo. Ikaw.”
“Don’t you think it’s not the right time for that topic?” Sino naman ang pakakasalan niya?
“It is. You know your Tita Barbie right?”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Siyempre kilala niya ang binanggit nitong tao. “Kinausap niyo siya?”
Umiling ito. “Hindi. Siya ang tumawag sa akin. Kakausapin niya daw ako.”
“Bakit daw?”
“Wala siyang sinabi pero importante daw.”
Kilala niya ang Tita Barbie na binanggit ng ina. Hindi ito mananahimik nalang sa sitwasyon ngayon lalo at sangkot ang anak nito. She has known her since her elementary days. Taga Quezon din ito at kaibigan ng mama niya. Madalas itong dumadalaw sa kanila noong nasa probinsya pa sila sa tuwing pinupuntahan nito ang parents nito doon. Noong napunta siya dito sa Maynila ay saka lang niya ito hindi nakita na.
Tumikhim ang ama niya na nagpabalik ng atensiyon niya. “We have to leave. May mga aasikasuhin pa ako.”
“Sige po. Uuwi po ba kayo kaagad sa Quezon? You can stay at my place kung mag-stay pa kayo dito sa Manila.” Hindi niya alam kung matutuwa at hindi na ulit nabanggit ang kasal sa usapan nila bagaman at nalungkot siya at mabilis niya lang ang mga itong nakasama ngayon.
“Uuwi na kami sa Quezon. Marami kaming aasikasuhin ng Papa mo doon.” Ang mama niya ang sumagot.
“Ngayon na?” Ngayon niya lang nakita ulit ang ama pero aalis din naman ito agad.
Tumago ang ina. “After my meeting with Barbie mamaya. But don’t worry, we will be here in no time. Besides, you can always visit us in Quezon if you want to.”
“Ma, I just can’t leave anytime without proper preparation.”
“Dadalasan nalang namin ang pagdalaw dito. May telepono din naman, tawagan mo na lang kami anytime.” Sagot nito.
Umingos siya. “Can I just go with you right now?”
Inabot at ginulo ng Papa niya ang buhok niya. “Ano ka, bata? Kakasabi mo lang di na ka pwedeng umalis ng walang preparations.”
Umingos siya ulit. Nami-miss na rin niya ang mga kaibigan at mga kamag-anak nila sa probinsya. How she wished na sana ay may mga kapatid siya na pwedeng makasama sa mga ganitong pagkakataon at pwedeng masandalan maliban sa kaniyang mga magulang.
“Sige na. Tatanghaliin kami ng Mama mo sa pagbiyahe.” Tumayo na ang ama niya na sinundan naman ng mama niya.
“Di ko na kayo ihahatid sa labas.”
“No need.” Ani ng mama niya.
Yinakap siya ng mga ito pagkatapos ay tinawag niya si Amanda para ihatid ang mga magulang sa labas.
Nalulungkot na iniligpit niya ang mga pinagkainan nila at hinugasan. Gusto niyang makasama ng matagal ang mga magulang niya niya pero sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang karapatan kahit na ang magbakasyon. It is a luxury she can’t afford right now and as a businesswoman she had to be responsible with her actions.
Nang matapos ay bumalik siya sa kanyang mesa at pinasadahan ng basa ang mga dokumentong nakatambak doon. Maghapon niyang inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga dokumentong naroon upang makalimutan ang nararamdamang lungkot sa pag-alis ng magulang niya.
Tumayo si Marro mula sa pagkakaupo sa garden seat na kinauupuan at nagpalakad-lakad. Kakabasa niya lang ng press release na ii-issue ng Farm Living at ayon doon ay magsasampa daw ng kaso ang CEO ng kompanya dahil sa kairesponsablehan ng hotel na pinagdausan ng press conference ng mga ito kung saan naman sila nakunang magkasama sa loob ng silid bago iyon magsimula.
Napanood niya ang CCTV ng hallway kung saan naroon ang kwartong inokupa ni Martina at nakita niya ang buong pangyayari. The management conducted an internal investigation following the incident and according to them, the door was not locked at all when he opened Martina's hotel door that night. Ibig sabihin ay nakabukas na ang pintuan at makakapasok siya roon mayroon man siyang hawak na key card o wala noong gabing iyon. Martina was drunk during that night at hindi siguro nito napansin na hindi nito naisara ng maayos ang pintuan pagpasok nito gayunpaman lasing man ito o hindi ay responsibilidad ng hotel nila na panatilihing ligtas ito sa anumang uri ng kapahamakan. At the end of the day, he, as part owner of the hotel should take responsibility for everything he did.
Makaligtas man siya sa batikos ng mga tao dahil sa pagkakamaling nagawa ay ang hotel naman na ipinundar nilang magpinsan ang magkakaroon ng problema kapag nagtuloy-tuloy ang sitwasyon.
Marahas niyang naisabunot ang dalawang kamay sa kanyang ulo. How stupid he was that night. Ang pagkakamali niyang iyon ang nagbigay sa kanya ng patong patong na problema ngayon.
Sinipa niya ang naroong maliliit na bato.
Ano na ang gagawin niya? His career will do fine kahit na may isyu sa kanya ngayon pero ang hotel na ipinundar niya ay hindi.
Dagdagan pa na pini-pressure siya ng mga magulang tungkol sa pagti-take over niya ng family business nila at ng isyu ng imoralidad.
He sighed at napatingalang nakapamewang. Once upon a time, Marro Dominguez can move freely without anything to think about pero ngayon ay tila siya hinarangan ng maraming bato sa harapan niya at sa dami niyon ay hindi na siya makasulong paharap.
Her mother is a regular churchgoer at inaalintana nito ang isyu tungkol sa kanya. He is a also affected na naaapektuhan sa mga nangyayari ang magulang niya but right now he can’t just find a way to get away from everything.
Pumanhik siya sa silid na inu-okupa at nagbihis siya pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas.
“Where are you going?” Tanong ni Sam sa nagmamadaling pinsan na palabas ng bahay. Sa ilang araw na pananatili niya sa bahay nito ay ngayon lang siya lumabas.
“Sa hotel. Haven’t you heard? That woman is going to sue our company." Sagot niya rito. "Wala ka bang gagawing aksyon tungkol doon?”
Tinapik nito ang balikat niya. “Man, I’ve done enough pero sa tingin ko ay di ko sila mapipigilan tungkol sa bagay na iyan. Di ba at ikaw din naman ang may sabi noon na pananagutan ng kompanya natin ang nangyari kung sakaling mag-claim nga ang babaeng iyon?’
“Yes, but she’s not just claiming. Kakasuhan niya tayo.” Madiin niyang sabi.
“As a lawyer and Hotel’s General Manager, facing her in court will be our only choice kung magtutuloy-tuloy ang demanda niya.”
“That should be prevented ngayon palang.”
“At sa anong paraan?”
Umiling siya. “I don’t know.” Dugo at pawis ang naging puhunan niya para maipatayo lang ang Guevarra’s Hotel at ngayon na malaki na ito ay hindi niya hahayaang masira lang ito ng ganoon na lang and pacifying the anger of that CEO might be the only choice he has right now.
“May mga legal representatives din naman tayo doon sa hotel ngayon. Pwede mo silang tanungin kung ano pa ang mga legal resort available for us regarding that matter.”
Taka niya itong tiningnan. “And as the Hotel’s General Manager, what are you doing here at this hour? Wala ka bang trabahong gagawin sa hotel ngayon?”
“I’m on leave.” Anitong tila hapong-hapo. “I need some rest.”
“Rest? With our situation right now? Paano mo magagawa ‘yun?”
“Idlip lang ang kailangan ko. Hayaan mo muna ako.” Sagot nito sabay hikab at tingala.
Huminga siya ng malalim. “You can have your leave when it’s all done.” Diin niya.
“Saka lang din ako matutulog? Nagpuyat ako sa opisina kagabi dahil dito sa sitwasyon natin at kakauwi ko lang. I barely made it home. Let me have some rest.” Reklamo nito.
Itinaas niya ang dalawang kamay at tumango. “Ok. Sorry.”
Lumakad siya at lumagpas dito. Bago siya nakasakay sa sasakyan niya ay narinig niya ang pag-sigaw nito.
“Talk to Tita Barbara! Tatlong beses na siyang tumawag sa akin ngayong umaga pa lang!”
Itinaas niya ang isang kamay bilang tanda na narinig niya ito at pagkuwa’y sumakay na siya ng sasakyan niya. Pinaharurot niya iyon.
He made his decision. He knew exactly where he is supposed to go right now.